Akala ko lang pala

5 1 0
                                    

Kinakabahan ako habang habang nakatayo sa harap ng pintuan ng simbahan. Suot ang trahe de boda naghintay ako na bumukas ang pintuan. Habang naghihintay, inangat ko ang aking kamay at pinagmasdan ang engagement ring gawa sya sa kristal na diyamante. Sa tuwing pinagmamasadan ko ito ay ang pumapasok sa aking isip ay kapayapaan.

Saktong pagbaba ko ng aking kamay syang pagbukas naman ng pintuan ng simbahan. Nakita kong parehong nakangiti ang mga magulang ko na nakatayo ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Nilihis ko ang paningin sa kanila at hinanap sa harapan ang lalaking di ko inaasahan na magiging akin.

Nagsimula ng tumugtog at kumanta choir ng simbahan, hudyat na maglalakad na ako.

"Sabi nila, balang araw, darating. Ang iyong tanging hinihiling. At noong dumating ang aking panalangin.
Ay hindi na maikubli."

Naglakad na ko papunta sa magulang ko. Nang natapat na ako sakanila, ikinawit ko ang braso ko sa tatay ko. Tumingin ako sa kaliwa ko nakita kong naluluha na ang nanay ko kaya pati ako ay umiiyak na din.

"Hyssop Ann, sana maging masaya ka." Malambing na sabi ng nanay ko habang tumatango. Hinintay ko na umimik din ang tatay pero hindi ko sya narinig na magsalita tumingin lang sya sa akin ng naluluha sabay ngiti.

"Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata. At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala."

Habang naglalakad ako inalala ko lahat ng pinagdaanan naming dawala puro kasiyahan lamang ang hatid.

Andito kami ngayon sa Magic Park, Capitol Complex. Gabi na, nakaupo kami sa ilalim ng puno na pinailawan kaya kay gandang pagmasdan sabayan pa ng banayad na hangin sa gabi.

" Hyssop Ann, I love you. Hindi ko maisip na darating ang panahon matatagpuan kita. Mamahalin at ipagdadamot sa iba, aalagaan at iingatan sa abot ng aking makakaya." Ngumiti ako at tiningnan ko sya.

Nakangiti at naluluha ako habang naglalakad papunta sa harapan ng altar kung saan sya naghihintay sa akin. Di ko maisip na ganito pala ang pakiramdam kapag ikakasal ka natutuwa na kinakabahan.

"At ngayon, nandiyan ka na. 'Di mapaliwanag ang nadarama.
Handa ako sa walang hanggan. 'Di paaasahin, 'di ka sasaktan."

Tumatakbo ako habang pinapasadahan ng kamay ko ang mga bulaklak na nadadaanan ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ko syang nakapamulsang naglalakad papunta sa akin habang banayad ang ngiti.

"Mula noon hanggang ngayon. Ikaw at ako"

Hapon na, papalubog na ang araw nasilip ko ito mula sa kanyang likuran. Lumingo ulit ako sa harapan at nakita ang Mt. Isarog. Naglakad na lang ako ng banayad at pinagmasdan ang mga sunflower na nadadaanan ko. May iba pang mga bulaklak bukod sa sunflower kaya pinagmasdan ko rin sila kay gandang pagmasdan dahil sa papalubog na araw na nagbibigay liwanag sakanila.

"Hyssop Ann." Tawag nya sa akin kaya lumingon ako.

Nawindang ako dahil pagharap ko ay syang pagluhod nya sa harapan ko habang hawak ng kamay nya ang singsing.

"Magpapakasal ka ba sakin?" Tanong nya. Nanginginig na tumango ako dahil sa sobrang kasiyahan. Lumuluha na din ako dahil di ko 'to inaasahan!

"At sa wakas ay nahanap ko na rin. Ang aking tanging hinihiling. Pangako sa 'yo na ika'y uunahin. At hindi naitatanggi." Awit ko sakanya. Yumakap at humawak ako sa kanyang leeg sya naman ay humawak sa aking bewang. Ngumiti kami sa isa't isa sabay halik nya sa aking noo at labi.
Parehas kaming nakaharap sa simbahan ng St. Bartholomew Parish, Church pero nakaupo kami sa bench ng Berlin Monument. Sa likod kasi ng Berlin ay ang simbahan.

"Hindi na ako makapaghintay na makasal sayo. Sa simbahan na yan tayo magsusumpaan sa harap ng diyos at harap ng pamilya natin. Hyssop Ann, wala ng papantay sayo. Mahal kita, hanggang sa huli." Niyakap nya ako at hinalikan sa noo, sabay kaming napangiti sa isa't isa.

Sa hindi inaasahang panahon matatagpuan pala namin ang isa't isa. Ngunit, sa maling pagkakataon hindi pala kami ang para sa isa't isa. Mapaglaro at mapaglinlang ang tadhana. Kahit sino walang magagawa.

Minulat ko ang aking mga mata at dumiretso ang aking paningin sa simbahan na nasa aking kaliwa. Ako dapat ang nandiyan pero hindi. Tiningnan ko sya na nasa harap ng altar hinihintay ang babaeng papakasalan nya. Kitang kita ko ang pagkislap at saya sa mga mata nya na hindi na nya magagawa sakin.

"Ang tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahal. Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal."

Umalis lang ako, pero bakit pagbalik ko iba na? Diba ako sapat? O baka hindi ako ang karapat-dapat. Sa buhay di natin malalaman kung sino ang mananatili at kung sino ang panandalian lamang na akala mo'y bagyo dadaanan ka lang pero di na babalik.

Pinanood ko sila habang kinakasal. Di mo magawang isipin na paano kaya kung ako 'yan? Bakit kaya hindi ako? Di ko maintindihan kung bakit nag kaganito.

"At ngayon, nandiyan ka na. 'Di mapaliwanag ang nadarama.
Handa ako sa walang hanggan. 'Di paaasahin, 'di ka sasaktan."

Di ko alam na habang wala ako sa tabi nya, nahanap nya ang dapat sakanya. Naalala ko lang na tinawagan nya ko at sinabing pasensya na. Wala ng iba pang sinabi 'yon lang at napagpanto ko hindi sya ang para sa akin. Dahil sino bang lalaki ang magagawang saktan at ipagpalit ka sa malapit?

Di ko namalayan na may nakalapit na pala sa akin. Pamangkin nya 'to isa sa mga naging close ko ng sobra. Nakita kong naluluha sya.

"Ate Hyssop Ann." Tawag nya lang sa akin at bigla akong niyakap. Tumabi sya sa akin ng upo, ako naman ay kinuha ang singsing sa aking bag. Inabot ko sakanya ito.

"Pakibalik sakanya, hindi na yan nararapat sa akin." Lumuluha kong sambit. Kinuha nya ito at niyakap ako ulit ginantihan ko naman dahil baka ito na nag huli naming pagkikita. Pagkatapos noon ay umalis na sya dahil magsisimula na ang seremonya.

Ramdam ko ang pagtanggap sa akin ng buo ng kanyang pamilya pero siguro ganito talaga sa una lang masaya at payapa.

"Mula noon hanggang ngayon. Ikaw at ako."

Binalik ko ulit ang aking paningin sa loob ng simbahan. Malapit na silang magtagpo. Tiningnan ko ang babae, nakangiti sya habang lumuluha na naglalakad sa magkabilang gilid nya ay ang kanyang mga magulang.

Sana alagaan nya ang lalaking minsang naging akin. Sana maging masaya at payapa ang kanilang pamumuhay. Mahalin at ingatan ang bawat isa hanggang sa huli. Hindi ko sya papakawalan kung alam kung hindi sila karapat-dapat. Ngayon na nakikita ko na silang masamay at kuntento.

Sarili ko naman ang aking pagtutuonan ng atensyon. Masyado akong nawasak kailangan ko ulit buuin ang aking sarili.

"At ngayon, nandito na. Palaging hahawakan iyong mga kamay. 'Di ka na mag-iisa. Sa hirap at ginhawa ay iibigin ka."

Magkaharap na sila ngayon sa altar nakita ko kung paano sila ngumiti sa isa't isa habang umuusad ang seremonya. Hindi sinasadyang napadako ang paningin nya kung saan ako nakatayo at nakamasid sakanila. Nakita ko ang pangamba sakanyang mga mata. Kinakatakotan na nya ko ngayon? Akala nya ba guguluhin ko ang kanilang kasal?
Ngumiti ako, nagpapahiwatig na wag syang magamba hindi ako manggagambala katulad ng iniisip nya. Nasa parte na ng seremonya kung saan magpapalitan na sila ng 'I do's'.

"Mula noon hanggang ngayon. Mula ngayon hanggang dulo.
Ikaw at ako." Awit ko habang nakatingin sakanya.

Tumango ako. "I'm okay. Its okay." Sabi ko alam kung nakita naintindihan nya iyon. Pumikit at yumuko ako pagkatapos.
Ayoko kung makita nya kong umiiyak, habang sya masaya.

"I do". Narinig kong sambit. Tumalikod na ako at huminga ng malalim bago naglakad papunta sa gate ng simbahan. Humihikbi ako habang nagpapatuloy sa paglakad. Mabuti na lamang at walang masyadong tao. Yumuko na lang ako habang pinupunasan ang aking mga mata.

Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko nasa tamang tao na ako. Tunay ngang ang tadhana ay mapaglaro. Ang akala kong tuwid na landas na tinahak namin ay nasa tama pero di ko namalayang lumiko pala sya at napunta sa taong para sakanya.

Ang akala ko sya na. Akala ko lang pala.

Akala Ko Lang Pala...(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon