KABANATA 3

614 6 0
                                    

"Bakit ako ang sinama mo dito Dad? Hindi ba dapat si Mommy?"

"Ikaw ang sinama ko para malaman mo kung ano ang mga ginagawa ko at kung paano magpalaganap ng negosyo."

"Ha? Are you kidding me Dad? I take Agricultural Business Management para sa negosyo natin. I know everything about it. I learned every details, so what's the use?." Inis na sabi ko.

"Mas magandang matutunan mo na ako mismo ang nagturo, Marielle! At saka ano itong narinig ko? Inaway mo si Esmeralda, sa harap pa mismo ng nanay niya at Mommy mo?! Ganun ba ang ugaling napag aralan mo sa America?."

"HAHAHA narinig mo? O baka nagsumbong sayo? My god! Daddy, kung nandoon kayo sa pangyayari baka ikaw pa mismo ang sumupalpal sa kanya dahil sa kabastusan ng ugaling pinakita niya kay Mommy. And oh! Baka nagsumbong din na pinigilan ko siyang mag take ng medicine?." Natatawang sabi ko habang inaayos ang boots ko dahil nandito na kami sa bayan. Ipapakilala niya daw ako sa mga kasosyo niya. Bilang tagapamana ng lahat ng ari arian niya, kailangan ko daw na maipakilala sa lahat.

"Sinabi niya din yan. Pero bakit mo nga ba siya pinigilan anak?."

" 'Cause why not? You're being unfair Dad. If you let her take medicine course you're being unfair to your daughter! Imagine? I was the one who wants to be a doctor but you refuses me because you want me to take agricultural. Tapos yung pangarap ko na yun, siya ang tutupad? No way! She should take what I take. That's final! Tutal ikaw naman ang gagastos sa kanya kaya ako na din ang magdedesisyon." Saka ako bumaba sa kotse.

Lumabas na din si Daddy at nag door bell kami sa isang malaking bahay, pero wala iyon sa kalahati ng bahay namin.

Isang magandang ginang ang nagbukas ng gate, napaka ganda siya. Nakapusod ang buhok niya at naka suot siya ng bestidang puti na may desingyong mga bulaklak.

"Don Montemayor! Naku! Tuloy po kayo at sakto ang dating niyo sa meryenda." Pinagbuksan niya kami ng gate at iginaya papasok sa bahay nila.

"Don Emilio, kamusta ka? Ito na ba ang anak mo? Napaka gandang binibini." Napayuko lang ako nang marinig ko ang sinabi niya.

Well, alam kong maganda naman talaga ako. Pero mas maganda kung saiba pala maririnig.

"Maupo kayo Don, at ito mag meryenda din kayo." Alok ng ginang.

"Estella, tawagin mo na ang anak mo para makapagsimula na tayo sa diskasyon." Sabi ng asawa ng ginang.

"Ano pong diskasyon?" Tanong ko dahil wala naman sa usapan namin ni Dad, na may isang diskasyon pala.

"Hija, ididiskas namin ng Daddy mo ngayon kung paano palalaguin ang negosyo."

"What!? Kidding right?" Inis na sabi ko.

"Ofcourse not anak. Diba sabi ko sayo sa kotse kanina pag uusapan natin ito." Bulong ni Dad. Pero?

"Dad? What's the use of my studies? I mean lahat ng paraan kung paano palaguin ang isang negosyo ang napag aralan kona. Ano pang-" naputol ang sasabihin ko ng may isang nagsalita.

"The technique you've learned from the school is far different from theire technique Miss. So bakit ang tigas ng ulo mo? Bakit hindi ka nalang makinig sa sasabihin nila?." Boses ng lalaki.

Iniangat ko ang paningin ko, at nakita ko ang bagong ligong lalaki. Nakasuot siya ng grey pants at white shirt. Nakapaa lang siya habang pumupunas pa ng buhok.

Napalunok ako ng napunta sa mata niya ang paningin ko.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Baby? Stop being so mean." Sabi ng ginang na siyang nagpahalakhak sakin.

HACIENDA MONTEMAYOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon