"Ang isang linggo ang nagsisimula sa araw na linggo
Sabado naman ang pang pito
Na uulit muli sa araw ng linggo
Upang magkaroon ng panibagong linggo.
Tulad ng pagdaloy ng ikot ng araw
Ang puso ko ri'y ikaw ang patuloy na sinisigaw
Hadlang man ang tadhana sa ating kuwento
Hindi naman nito mahahadlangan ang puso kong muling tumibok para sayo
Asahan mong kahit hindi maganda ang kalabasan ng ating istorya
Patuloy naman isisigaw ng puso ko ang mga pangalang 'Sinagtala, Salome, Esmeralda at Aleeza'.
Sa apat na siglong muli nating sinubukang baguhin ang ating kuwento,
Hindi man maganda ang laging katapusan nito
Hindi naman ako nagsisisi na ikaw ang muling minahal ng puso ko.
Sana ay muli nating matagpuan ang ating mga sarili
Sa panahong kung saan ang linyang Asymptota
Ay may paraan upang muli ng magsama"A/N: Ang inspirasyon ng tulang ito ay ang kuwentong "OUR ASYMPTOTIC LOVE STORY" ni bb. Mia, o mas kilala bilang UndeniablyGorgeous. Maraming Salamat po sa puno ng inspirasyon niyong mga istorya, nawa ay patuloy pa po kayong gumawa ng mga kuwento at ito ay mabasa ng marami pang mga tao. Mahal ko po kayo! <3