"KAPAYAPAAN"
Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?
Hanggang kailan pa ba tayo mag-aantay para matapos na ito?
Kailan ba darating ang lunas,
Para magkaroon ng maayos na bukas?Paano nga ba magkakaroon ng maayos na bukas?
Kung ang mga tao'y may kani-kaniyang panindigan at hindi sumusunod sa batas?
Ngayon pa pinairal ang katigasan ng ulo
Sa panahong dapat tayo ay magkaisa at iwasan ang gulo.Away at gulo,
Yan ang nagpapahirap upang malutas ang problemang ito
Anong maitutulong niyan sa mundo?
Mabibigyang sulosyon ba niyan ang pandemyang ito?Kailan ba tayo magkakaisa?
Gustong malutas ang Corona pero wala namang disiplina
Kailan natin makakamit ang kapayapaan,
Mula sa isang sakit na hindi malutasan?Madami ng hinaing ang pumapalahaw
Humihingi ng atensyon upang sila'y mapukaw
Nais mayakap ang mga taong malayo
At matuloy ang mga planong napako.Ang tanging hiling kolang ay sana,
Magkaroon na ang mga tao ng pagkakaisa
Sabay-sabay nating ipikit ang ating mga mata
At humiling na sana'y matapos na itong pandemya.