Chapter 5:

43 2 0
                                    

Nely's POV

~La la la la la la I dare you~

Pasayaw-sayaw akong bumaba sa bus at naglakad papasok nang skwelahan na nakaheadphones habang nakikinig kay Shakira.

Oo, Dancer ako dito. I love to dance because dancing is my passion. Kaming dal'wa ni Kim ang sinasabing Great Tandem ng mga studyante dito.

Pano, tuwing may program eh kami ang nagmamay-ari nang stage.

habang papasok nako nang gate, may kung ano bang nagtulak sakin para lumingon at yun, Nakita ko si Kim na may kausap na nasa likuran ko lang din.

Di ko masyadong nakita yung babae na kasama ni queen. Kaya huminto ako para antayin sya.

~ La la la la la la la i dare you~

Kim's POV

Pagkababa ng pagkababa ko ng bus ay nakita ko agad si Nelydal na pasayawsayaw kung maglakad. Bibilisan ko na sana ang paglalakad ko para habulin siya ng may magsalita sa kanan ko.

"Kamusta na?" isang matamis na ngiti ang sumalubong sakin

"Ah okay lang, eh ikaw kamusta na?" Tanong ko kay Elene.

"Eh heto, Ganun pa din naman" Napangito nalang ako sa sagot niya nang makarating na pala sa kami sa gate.

"Ehem" Taas kilay na papansin ni Nelydal.

"Ah sige, a..al..alis na ako. I mean, una na ako" Nag-aalinlangang sabi ni Elene sabay breast walk.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Nelydal na nakataas parin ang kilay

"Ewan ko natakot yata sa kilay mo haha" tawang sabi ko

"Dapat lang! I don't trust that slut"

at dahil sa sinabi ni Nelydal, napaisip tuloy ako kung bakit.

Sa pag-iisip ko bigla tuloy akong may naalala.

*flashback*

habang naaiyak ako na nakatingin sa score board nag SSG Election di ko tuloy maiwasang matulala.

"Sayang no?"

napatingin ako sa nagsalita, si Elene. Na di man ako nilingon, nagpatuliy siya sa pagsasalita habang nakatingin parin sa board.

"Alam mo bang... wag na lang"

"Alam kong ano?"

at sa puntong ito. Tiningnan niya ako nang harapan.

"Alam mo bang, si Sir Edgar ang gumawa nang mga platforms nila?"

"Ha? Ano?"

"Oo, Yun ang sabi sa'kin ng kaibigan kong nasapartylist nila, di ba dapat mismong ang tatakbong candidato ang gagawa nun?"

Di ko tuloy maiwasang maluha. Pero di naman yun big deal eh. di nalang ako nagsalita nang unahan niya ako.

"Di talaga lahat nang tao, ay mapagkakatiwalaan Kim"

Sabi niya sabay ngiti ng mapait sabay alis narin. Anong ibig niyang sabihin dun?

Umakyat na ako ng hagdan na naluluha parin. Bakit parang ganun? di yata unfair 'yun.

*end of flashback*

natigil ako sa pagfa-flashback nang biglang may nagsnap na daliri sa harapan ako.

"Waaahh!" biglang napasigaw ako ng mahina. "Ano ba?" sabi ko kay Nelydal

"At sa tingin mo mas malala payung ginawa ko kesa sa matisod ka sa daan dahil lutang ka na naman?"

"h-hindi"

"Alam ko yang iniisip mo eh! Si Aika at yung nangyari sa eleksyon? eh wala naman tayong basehan dun eh! At isa pa move-on na teh!"

"Tss!" inirapan ko siya sabay naglakad ulit nang magsalita na naman siya.

"Alam mo, Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nang Elene na yan. Mabuting studyante at kaibigan si Aika, di niya yun magagawa"

"Nagawa na nga diba?"

"At mas naniniwala ka dun kesa ka Aika?" tumigil siya sa paglalakad at nagsalita ulit "Naging kaibigan mo rin siya alam kong...."

Di ko na pinatapos si Nelydal nang nilingon ko siya nang may mataas na kilay at nagsalita

"Oo! Kaibigan ko siya. Pero siya narin mismo ang sumira sa tiwala ko!"

miluli akong tumalikod at naglakad ulit.

"alam mo! ang babaw nang dahilan mo, tinapon mo nalang yung pagkakaibigan nyo nang dahil lang dun!"

tumigil ako sa paglalakad ngunit di ko na siya hinarap pa.

"Mababaw nga, pero di mo ba alam na ang hirap para sa akin ang madaya?"

"Oo maaring wala akong alam..."

"Ganun naman pala eh! Wala! kaya wala kang karapatan na questionin ang nararamdaman ko"

"Kung ganon lang din. Then magwelga ka! magwelga ka nang walang sapat na katibayan. Akala ko matalino ka? Pero bat ang kitid ng utak mo!"

Hinarap ko na sya sa pagkakataong ito

"Are you choosing her over me?"

"Oo! Mas pinipili ko siya. Alam kong hindi ganun si Aika dahil bago ka pa man dumating sa paaralang ito naging magkaibigan na kami, nasira lang yun dahil sa pagkampi ko sayo. Ewan ko ba't nagpapaniwala alo sayo"

binangga niya ako at saka nauna pang umalis. Di na ako nakasagot pa.

Oo nga no? Ba't ganun? Lord please...

Confessions of a: Highschool QueenbeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon