Chapter 2: When it rains, it pours!

48 4 5
                                    

TAMARA's POV

Pasalampak akong umupo sa sofa habang pinupunasan ng towel ang basang basa kong buhok. Katatapos ko lang magshower at talagang naligo ulit ako dahil kailangang linisin yung pinaghawakan sakin ng manyakis kong boss. Suot ko ngayon ang isang plain white body fit na camesa de chino kapares ang tattered maong shorts na paborito ko.

I-oon ko na sana yung cd player ng biglang...

*Ding Dong... Ding Dong*

"SINO YAN??!!!" pasigaw kong tanong sa nagdoorbell at naglakad papunta sa pintuan. Pinupunasan ko pa rin ang buhok ko.

"Ako 'to Tamara. Gusto ko lang itong ibigay sa'yo. Sige aalis na ko. Bye!" sabi ni Tita Luisa na may inabot na mga envelope sakin. Kapitbahay ko siya at medyo close kami.

Pagkaalis niya ay isinara ko na ang pinto at umupo ng muli sa sofa habang iniisa isa ang mga envelope.

Electric at water bills na parehas lagpas na sa due date kaya pag nagbayad ako pati reconnection kasama na. Tsk.

Hmm, may isa pang envelope.

Ano kayang laman nito? Wala naman akong kapenpal eh.

Tinignan ko yung to at from kung para sa akin talaga at talagang akin nga.

'To: Tamara Yve San Miguel
1130B Bayanihan, Baesa, Caloocan City

From: Leticia Park-Choi"

Leticia Park-Choi??? Teka sino to? Parang narinig ko na 'tong pangalan na to. ?_? Sino nga siya??

.

.

.

.

.

.

.

.

Aha! Siya nga pala may-ari nitong buong building.

Agad kong binuksan ang envelope. May parang letter, nang buklatin ko para basahin ay napanganga ako.

NOTICE FOR EVICTION

February 21, 2015

Dear Ms. San Miguel,

We sent you this letter to inform you about your rental fees. We know you are aware about it. You hadn't been paying the rental fees in due time for the past three consecutive months with balances of P9,500. If you dont settle the balance by February 24, 2015, we are sorry but you need to evacuate as soon as possible.

We hope for your cooperation and understanding. Thank you.

Sincerely yours,
Leticia Park-Choi
Owner

What the?! Fvck! Fvck! Fvck! Bakit ngayon pa to sumabay? Aishhh!

Pumunta ko sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Kanino naman ako lalapit para dito?

Patuloy lang ako sa pagscan sa contact list ko nang biglang...

*I dont make love, I fuck... HARD*

Message alert tone ko yan. Ang hot na linya ni Christian Grey sa Fifty Shades of Grey.

'From: MaMi

Lukresha!!! Naospital si Boss John sa ginawa mo. Napuruhan mo ata yung junior niya :D Nga pala, wag kang matulog ha baka anung oras ka na naman magising, tulog mantika ka pa naman may klase pa tayo mamayang 3. Nakapagpareserve na din si Labiduds ng table natin sa resto nila mamayang lunch. See you! Miss na kita agad ahahahahaha Litsi!'

Akala ko naman kung sino na. Buti nga sa kanya masyado siyang manyakis.

Haist. 3 days na lang natitira sakin kundi sa kalsada na ko titira. Bakit kasi nasisante ako?!!

Aaaaaarrrggghhhh!

*Love me like you do, La-la-love me like you do
Love me like you do, La-la-love me like you do
Touch me like you do, Ta-ta-touch me like you
What are you waiting for?* Ringtone ko yan

"Hello? This is Tamara speaking" paggreet ko sa tumawag.

"Good day, I am Shayne of Globe Telecom. We would like to remind you about your monthly fee for using our services. Your balance as of 9:25am 02/24/2015 is P2,450.00. Please settle your balance before 02/25/2015. Thank you!" maikling sabi ng operator na nasa kabilang linya.

What the??? Una, nasisante ako sa trabaho tapos minanyak pa ko. Pangalawa, yung notice for eviction di naman ako pwede kay kuya makitira puro lalaki mga kasama niya. Pangatlo, itong monthly mobile plan na gamit ko. Pang-apat, utility bills ko na lagpas na sa due date. At ang huli ay ang pantuition ko ngayong darating na semester kung di lang siguro ako graduating titigil na muna ko.

Waaaaaaaahhhhh!!! Mahirap pa naman makahanap ng trabaho ngayon.

Mangutanga kaya ako? Nakakahiya naman mangutang. San kaya ako pwedeng makaraket? T_T ang laki ng kailangan kong pera.

*Ding Dong... Ding Dong*

Ano naman ngayon??! "Sino yan?!" medyo pasigaw kong tanong sa nagdoorbell. Pagbukas ko may isang lalaking medyo matangkad at nakangiti ang tumambad sakin.

"Good morning po, kayo po ba si Ms. Tamara Yve San Miguel?" tanong niya.

"Oo, ako nga po. Bakit?" takang tanong ko sa kanya. Bakit parang ang daming naghahanap sakin ngayon? Ilang beses na din nababanggit ang buo kong pangalan.

"Hello po, LBC po. May mails po para sa inyo. Pakisign na lang po dito para mareceive" nakangiting sabi niya at itinuro kung san ako pipirma.

Iniiabot niya sakin ang isang package at saka umalis. Parang sulat kaya lang medyo makapal siya.

"Salamat" paalam ko sa LBC boy at isinara na ang pinto. Habang papunta sa sala ay tinignan ko ang returning address. Kaya lang walang nakasulat.

Sino nagpadala nito? Huwag naman sanang problema ang laman nito. *sigh*

Sumandal ako sa may bintana habang binubuksan ang package *cross finger sa utak Tama na muna ang problema, please!*



"WHAT.THE.FVCK!!!"

-----------

A/N: ikli di ba?

Sana nagustuhan niyo tong chapter :)

Dedicated to MissAniMay

-MamaEina ^_^

The Bachelor's Mysterious WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon