Chapter 12

1.5K 72 5
                                    

Nathalie's POV


Nagising ako na andito pa din sa clinic, nakatulog pala ako, sa sobrang hilo ko kanina. Tumingin ako sa katabing kama ko, wala na si Sophia dun, umuwi na siguro sila. Biglang may humawi sa kurtina, si Keisha, halatang tumakbo dahil pawis na pawis siya.


"Faith! Anung nangyari?! May masakit ba?! Saan at ituro mo sa akin?!" Sabi niya habang chinecheck niya yung katawan ko.


"Yung puso ko." I joked. Di ko naman alam na siseryosohin niya yun, dahil nakita kong bigla siyang natigilan at nagseryoso nang sinabi ko yun.


"Joke lang! ✌" sabi ko with matching peace pa. Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil binatukan niya ako. "Awww!" Well, di ko alam kung batok yun dahil sa ulo naman ako tinamaan. Lels. 


"Walang hiya ka! Alalang alala ako sayo! Akala ko pa naman kung anong masakit sayo! Yun pala puso mo lang! Hay nako! Lalaki lang ang katapat mo niyan!"


"Haha, gagi! Joke lang!" Sabi ko. Biglang pumasok dito si Zach, nagulat naman ako nang bigla siyang binatukan ni Keisha!

"Walanjo ka! Hindi ka man lang nagsabi na mag - ta - transfer ka dito!"


"Aray! Keisha naman!" Biglang huminto si Keisha sa pangbabatok kay Zach. Ang cute nilang mag - pinsan!


"Teka nga lang, bakit ka nandito ha?! Dito sa kuwarto na kurtina lang ang harang?! Dito sa kuwarto na dalawa ang kama pero isa lang ang naka-hi-" Hindi na natapos ni Keisha ang sasabihin niya nang biglang hinila ni Zach yung buhok ni Keisha! I swear, malapit ko na talaga siyang pagkamalang bakla!


"Ang bobo naman nito, Malamang si Nathalie ang bibisitahin ko dito." Keisha just glared Zach. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa, ang cute mag - away!


"Umalis ka na nga dito! Di ka na kailangan kaya chupi! Chupi!" Taboy ni Keisha sa kanya na may kasamang tulak.


"Aish! Ang ganda mo Keisha!" Sarcastic na sabi ni Zach.


"Thenk Yah!" Sabi ni Keisha na may kasamang ngisi at nag flying kiss, narinig ko pa si Zach na nag - yuck, napatawa na lang si Keisha. Bumaling naman kaagad sa akin si Keisha at biglang sumeryoso. Umupo siya sa upuan sa tabi ng kamang hinihigaan ko.


"Hoy! Ano bang nangyari sayo?" Tanong niya.


"Ah, nabinat siguro ako kaya nawalan ako ng malay." Sabi ko at inabot ang tubig at ininom.


"Yan kasi! Pumasok pasok pa! Hindi naman kaya!" Napangiti na lang ako sa pag - alala niya, kahit ganyan kabunganga si Keisha, maaasahan mo yan. I guess, lahat ng friends natin ganyan, mabunganga pero maaasahan.

"Anyway, diba dinala din daw ni Daryll dito si Sophia? Bakit?" Tanong niya habang may tinetext.

"Ah, may lagnat din daw."

"Psh! Pasikat. Hoy! Ikaw ah, nakikita kita minsan patingin tingin kay Daryll! Anyare?" Sabi niya, at tumingin na sa akin. Nacucurios tuloy ako kung sino yung katext niya, kahit kasi naka - plan siya, wala talaga siyang tinetext. Pag kakausapin naman ako niyan tuwing mag - kalayo kami, sa Facebook kami mag - kausap.

"Wala noh!"

"Psh! Wala daw!" Sabi niya tapos baling ulit sa kanyang cellphone.

"Eh ikaw bakit hindi mo ko pinuntahan dito kaagad?!" Tanong ko sa kanya na ikinapula niya, hmmm. I smell something piggy. Lels.

***

Lumabas na kami ng clinic at dumeretso na sa parking lot. Nag pasundo na lang ako sa driver ko dahil wala ako sa mood mag - lakad. Uwian na din naman kasi nung nagising ako. Okay na yung katawan ko. Puso ko lang hindi. Chos! I waved at Keisha.

"Bye bye!" Keisha did the same too. Pumasok na ako sa sasakyan, pinaandar din naman ni manong yung car. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Pumasok na ako sa bahay, ang tahimik, but then someone spoke.

"Did you missed me, baby?" Voice pa lang alam ko na, humarap ako sa pinanggalingan ng voice na yun, then I saw my kuya, standing at the door, I ran to him and hugged him tightly.

"I missed you kuya!" I really missed him!

"I missed you too baby!" Then he kissed my forehead.

"Kailan ka bumalik?" I asked him while walking papuntang sofa para makaupo


"Kanina lang, I wanted to fetch you, but I changed my mind, I want to surprise you, baby." I rested my head to his shoulder nung umupo na kami. Di pa ako nakakapagpalit.

"Baby, kain ka muna, pupunta lang ako kila Alex." I pouted. Kakarating niya lang tas sa barkada niya siya makikipag - bonding. I nodded. He kissed me again on my forehead at lumabas na siya.

Pumunta ako ng room ko at nag - palit, bumababa ako para kumain, it's seven pero wala pa din ang parents ko because of work. Pagkatapos kong kumain ay nag pahinga lang saglit at natulog na.

***

Zach's POV

I woke up early dahil sabay kami ni Keisha pumasok. Me and Keisha are cousins- first cousin, my Dad and Tito- his Dad are brothers. We own restaurant, My Mom is a chef, so she wanted a restaurant.

Di ko alam kung bakit tahimik si Keisha ngayon. Alam ko ang tawag dyan! It's a Miracle!

"Hey, are you okay?" I asked. She just nodded. Hindi ko na lang pinansin, binasted siguro ng crush niya. Hoho!

Pagkadating namin sa school, pinark ko na yung kotse ko, hinatid ko si Keisha sa room niya, ang tahimik niya pa din. Nakita ko si Nathalie, she waved at me, I just salute at her, at pumunta na ng building ko. Actually, I like Nathalie, she's simply but pretty and nice.

Dumaan ang lunch at uwian na, nakita ko si Nathalie na nag - lalakad, pupuntahan ko na sana siya nang may tumawag sa kanya.

"Baby!" Mukhang nabigla si Nathalie nang may tumawag sa kanya. Suddenly, biglang may naisip ako, nag - uusap sila. Lumapit ako sa kay Nathalie at humawak sa baywang niya, mukhang nagulat.

"Hi babe." Napakunot ang kanyang noo. Bumaling ako sa lalaking kausap niya.

"Who is he?"

"Ah si-" i cut her

"Oh, bagong manliligaw? Sorry pre, i'm her boyfriend so back off." Napataas ang kilay niya.

"You don't know me, do you?"

"Yeah, I don't know you, so, would you mind if you introduce yourself?" I smirked, but he smirked too.


"I'm Nathaniel Lim, 21 years old and Nathalie's brother." And he extended his hands to me. Biglang nawala yung ngisi ko. Ako ang naloko!

Loving a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon