Chapter 5

1.6K 99 2
                                    

Nathalie's POV

Tulala pa din ako nang maramdaman ko yung phone ko na nag riring. Kinuha ko ito sa bag ko at tinignan kung sino yung tumatawag. Si Keisha! Lagot ako nito! Hinila kasi ako nang damuhong yun eh!

Sinagot ko na yung tawag ni Keisha

"Hello" sabi ko

"HOY BABAE SAN KA NA NAMAN BA NAG PUPUPUNTA?! PAGDATING KO DITO WALA KA NA AH! ASAN KA BA?!" Sabi niya. Ang sakit ng tenga ko.

"Aish! Sa. . . . Ano" Tumingin ako sa

paligid para makita kung nasaan ako.

"Sa Parking Lot. Puntahan mo na lang ako dito" sabi ko then i hung up

Habang hinihintay ko si Keisha naisip ko si Daryll. Yung labi niya kasi damang dama ko pa. Ang ganda ng labi niya may pag ka pink, ang sarap hal-- Yuck! Kadiri ping iisip ko. Pero seriously  ang sarap ng labi niya. Juice ko! Kailan kaya yung Third kiss nam--

Erase! Erase! Wala akong sinabi ah! Wala yun pramis peksman mamatay man si Daryll!

"HOY BABAE! BAT MO KO INIWAN HA?!"

Tumingin ako sa likod at yun si Keisha halatang inis sa pag iwan ko sa kanya.

"Pag sinabi ko naman sayo hindi ka maniniwala eh." sabi ko

"O, sige maniniwala ako kung kapani paniwala yang kwento mo" sabi niya

"Psh. Ewan ko sayo" sabi ko sabay lakad na.

"Ito naman, Joke lang yun, Kwento mo na" sabi niya kaya kinuwento ko na, Ang chismosanitong babaeng to.

"Hinalikan ka na naman ni Daryll?! Girl!  Grabe ka ah! 2 Kisses in 1 Day! Sana naman girl pinaubaya mo na sa akin yung isang kiss! Ang daya mo ah!" Sabi niya sabay palo sa akin

"Ewan ko sayo. Sayong sayo na siya kung gusto mo"

"Hmp! Ang sungit mo!"

Pagkauwi ko sa bahay wala pa si Daddy at Mommy Late na naman silang uuwi.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at naglinis na ng katawan.

Pagkatapos kong maglinis at magbihis, humiga na ako sa kama. Naaantok na ako. Pagpikit ngmata ko, si Daryll ang nakita ko kaya napadilat ako at mas lalo akong nagulat ng si Daryll pa din ang tumambad sa mukha ko kaya napa bangon ako at napatili

"Aaaaaahhhh!! Binabangungot ako!! Aaaaahh!! " tili ko

May nag bukas ng pinto kaya napatigil ako sa pagtili

"Maam okay lang po kayo?" si yaya doring

"H-ha? Ah opo okay lang po ako"

"Sigurado ka po Maam?"

"Opo."

"Sige maam alis na po ako" sabi ni yaya sabay sara ng pinto

Gwapo siya pero ang laki niyang bangungot sa akin. Sana naman hindi ko siya mapanaginipan.

¤¤¤¤¤¤

Papunta na ako sa gate ng school. At buti naman hindi ko siya napanaginipan. Ang sarap nga ng tulog ko eh.

Pagkapasok ko nang gate luminga linga ako sa paligid para tignan kung nakapasok na si Keisha. Gala kasi yung babaeng yun kahit sa loob ng school. Liliko na sana ako nang may humila sa akin at pag tingin ko si Damuho!

"Hoy saan mo ko dadalhin?!" sigaw ko.

Sigaw ako ng sigaw pero hindi niya ako pinapakinggan. Andito na kami sa likod ng school. Huminto siya kaya napahinto din ako.

"Bat mo ba ako dinala dito?!" sigaw ko sa kanya

"Pwede ba manahimik ka muna! May pag uusapan lang tayo! Okay?!" sigaw niya din sa mukha ko.

"Ano ba kasing  pag uusapan natin?!"

"About kay  Sophia" sabi niya

"Sophia? Sinong Sophia? Di ko kilala yang Sophia nayan okay?"

"Si Sophia, siya yung ex ko, nag transfer siya dito."

"Oh ? Tapos anong gagawin ko?"

"Aish! Eh diba sinabi ko sa kanya na girlfriend kita?!"

"Tapos?" Bored kong tanong

"Hindi mo talaga gets?!" Asar niyang tanong.

"Gets ko, magpapanggap tayo bilang tayo, para pag selosin siya, at makuha siya, ganun?"

"Buti naman nagets mo! Ganun nga!"

"Ano ako tanga? Ayoko nga, !"

Ayoko maging fake girlfriend noh, baka kasi mainlove ako sakanya, ganun kasi yung mga nababasa ko, yung sa una nakakainis siya tapos habang tumatagal minamahal mo na siya at habang tumatagal may nararamdaman ka na ding sakit, ayoko nun.

"Anong gusto mo? Lahat ibibigay ko para lang tulungan mo ko"

Ang bad boy prince nagmamakaawa sa akin ngayon bago yun ah?

"Lahat? As in lahat?"

"Oo basta tulungan mo lang akong ibalik si Sophia sa akin."

Papayag na ba ako? Lahat daw eh.

"Sige payag ako basta bibilhin mo lahat ng gusto ko hanggang maging kayo ni Sophia mo, pero pag ayaw ko na ayaw ko na talaga ah"

"Sige sige payag ako!"  sabay yakap sa akin.

"Hoy Chansing ka ah!" sabi ko sabay tulak sa kanya.

Goodluck na lang!

♡♡♡♥♥♥♡♥♡♡♡♥♡♡♥♥♡

Sorry po kung ganyan lang. Pa vote na lang po kung maganda. Thanks po.

Loving a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon