ZAINE's POV
"OMG!! Saan nang galing ang galos mo sa braso?" Kinakabahang sabi nito.
"Ito?" Ipinakita ko ang braso ko. "Hindi ko rin alam kung saan ba 'to nang galing."
"Iba na 'yan Angel, ako ang kinakabahan sayo. Magpatingin ka na kaya sa doctor, kahapon namumutla ka tapos ngayon may galos ka--"
"Baka hindi ko lang ito napansin o naramdaman nang magalusan ako Ynah wag kang OA"
"Patay na siya." Nilingon ko si Ynah, nagtataka ko itong tiningnan.
"Huh? Sino?"
"Si Khianna, doon sa mismong room niya, siya pinatay. May nakatarak na kutsilyo sa noo niya." May pandidiring sabi nito. "Siya yung babaeng nang gulo sa atin kahapon sa library, kahit naman masama ang loob ko sa kaniya naawa parin ako dahil sa sinapit niya." Pagk-kwento nito. "Baka ikaw ang pumatay sa kaniya."
"Bakit ko naman siya papatayin? Ikaw lang naman ang pinagdiskitahan niya."
"Binibiro lang kita masyado kang apektado." saad nito. "Bilisan mo nga maglakad ang tagal tagal mo! first subject pa naman natin si Miss Hailee, kilala mo naman yun. Ayaw ng estudyanteng late akala mo naman importante ang subject niya. Sabit lang naman sa strand natin."
-----
"Ohh si A-ash, Nandito na si Ash!!" sigaw nang isang lalaki. Pagpasok ko palang nang Cafeteria ay binalot na agad iyon nang katahimikan.
"Zai, ibibili na kita nang pagkain." Paalam naman ni Ynah.
"Umalis ka na dyan dre."
"Bakit ako aalis e, hindi pa ako tapos kumain."
"EHEM!" sabay na napatingin sa akin ang dalawang lalaki na nagpapaalis sa isang...Wierdo na lalaki sa... what the heck!! Pwesto ko ang inuupuan niya. Tumango ang dalawang lalaki bago lumisan. Naupo ako sa harap nang lalaki at pinagmasdan ko siyang kumain, Thick eyeglass, magulo at may kahabaan ang asul niyang buhok, at gusot na damit
"Wag mo akong titigan,Black lady." saad nito habang nakatuon siya sa pagkain.
"BLACKLADY?" inis na tanong ko.
"Nasa eskwelahan ka pero naka-itim ka? Ano ka pupunta sa burol? Pati ang make-up mo itim, hindi naman bagay sayo." Seryosong sabi nito, Bumuntong hininga ako.
"Baguhan ka dito 'no?" hindi ito sumagot "Alam mo ba kung sino ang umuupo dyan sa kinauupuan mo ngayon?"
"Lahat nang baguhan ba, kailangang malaman kung sino ang umuupo sa upuan na 'to?" Tatayo na sana ito nang agad kong hilahin ang kwelyo niya dahilan para mapaupo muli siya sa tapat ko.
"Ako si CRISZAINE. Tandaan mo C.R.I.S.Z.A.I.N.E. Criszaine, at ako ang nauupo dyan sa kinauupua---." Tiningnan lang ako nito at umalis sa harapan ko, napatitig ako sa kawalan dahil sa iniasta nito sa hrapan ko.
"Sino yun?" Tanong ni Ynah.
"Weird, nasaan na sina Kiz?"
"Paparating na yung mga yu---"
"YNAH!! ZAI!!" sigaw ni Ella sa hindi kalayuan.
"Ohh ayan na sila."
"Kiz, Nasaan si Biz?" Nagtatakang tanong ko, muli akong tumingin sa likuran nila.
"Ang sabi niya mauuna na siya dito, nagpaalam siya sa amin ni Ella kanina." Saad nito habang inaayos ang gamit niya.
"Nga pala, sabi ni coach may practice tayo mamayang 4pm sa Volleyball." Kinuha ni Ella ang phone niya at may kung anong hinahanap roon. "Nakita niyo ba ang itsura ni Khianna nung namatay siya?"
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED PRINCESS 1: PSYCHO PRINCESS (ON-GOING)
De TodoIs a psycho capable of change? Or not? Can a mysterious man change her? Will she be able to suppress her psyche every time she's with him? Started: January 17 2023