I shoot him with my gun and run towards the door. I tried to hide myself from him, he really is a good shooter huh.
"Luna, stop hiding. You know I can still find you. We're not playing hide and seek darling." Napairap ako sa hangin at mabilis na pinatamaan siya ng bala, natamaan ko siya sa paa rason upang matumba siya.
"Tangina Luna! Humanda ka sa akin kapag natira kita." I smirked, as if you can hit me asshole.
Hinanda ko ang sarili ko at lumabas sa pinagtataguan ko, tumama ang paningin ko sa lalaking nakaupo sa sahig habang pinipilit ang sariling tumayo.
"Ang gwapo mo sana, Mikael. Di ko naman kasi alam na kalaban pala kita." Itinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko at handa nang pasabugin ang utak niya ng may biglang humampas sa akin ng matigas na bagay.
Natumba ako at napapikit ng mariin, sinubukan kong bumangon ngunit may tumapak sa likuran ko rason upang bumagsak muli ako sa lupa.
Narinig ko ang halakhak ni Mikael at naramdaman kong tumayo ito, pinilit kong dumilat at nakita ang earpiece ko mula sa malayo. Alam kong nagtataka na ang mga kasama ko dahil hindi nila ako marinig. Sana malaman nila na nasa kapahamakan ako.
"Penelope, you never fail to amaze me. First year palang napansin na kita eh, tangina yung matalino, prim and proper at tahimik na babae sa campus." Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin rin siya sa akin na tila nagiisip at binabalikan ang nakaraan.
"Kasama pala sa mga ganitong maduming trabaho." He smirked, pinilit kong kumalma habang dumadaldal siya upang mawala ang pagkahilo ko. Kinalimutan ko ang nakaraan at di pinansin ang mga sinasabi niya.
Tumalikod siya sa akin at nakita kong nilapitan niya ang earpiece ko na tumilapon. No, hindi pwede. Ramdam ko pa rin ang paang nakapiid sa likuran ko kaya gumulong ako papunta sa gilid at mabilis na tumayo.
Wala akong oras upang magisip ng dapat kong gawin, tumakbo ako palapit kay Mikael at tinadyakan ang likuran niya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya kaya mabilis kong pinadapo ang kamao ko sa mukha nya.
Binigyan ko pa sya ng isang suntok at tadyak sa gitna nya upang mamilipit sya sa sakit. Tumakbo ako papalapit sa baril ko at pinaputukan ang lalaking nakaapak sa likod ko kanina lang na nanonood kaya natumba ito.
Nakabulagta si Mikael sa lupa at mukhang walang malay dahil hindi ito gumagalaw, sinipa ko ito upang masigurado. Nang hindi ito gumalaw ay lumapit ako sa lalaking namimilipit sa sakit habang hawak ang binti niyang dumudugo.
Malamig akong tumingin sa kanya, nakayuko ito kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. Tinutok ko ang baril sa kanya kasabay ng pagangat ng ulo niya.
Napatigil ako ng makilala ang lalaking nasa harap ko ngayon ngunit hinigpitan ko pa ang hawak ko sa baril habang nakatingin sa kanya.
"Iputok mo na." Napatigalgal ako sa sinabi nya, napalunok ng ilang ulit habang nagsisimula ng manginig ang kamay ko.
I don't kill. Penelope you are not killing innocent people.
Binaba ko ang pagkakatutok ko sa kanya ng baril at bakas sa mukha niya ang gulat pagkalaunan ay ngumisi siya sa akin habang umiiling.
"Mahina ka talaga, Penelope." Tumingin ako sa malayo at nahagip ng mata ko si Mikael na nagsisimula ng magkamalay.
"I don't kill innocent people, Liam." Nagulat ako ng bigla itong tumawa at umalingawngaw ito sa buong lugar.
"Poor Penelope, do you think I am innocent?" Bumalik ang tingin ko sa kanya ng tumayo ito, nakatingin lang ito sa akin habang may inosenteng mukha kung paano ko sya unang nakita.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (Venomous Women Series #1)
Non-FictionPenelope Serenity "Luna" Alverian has her own mission given by her boss. To be a spy and to let the guy trust her in many aspects. But what if it turned out to the thing she didn't expect to, will she continue her mission? Or will she betraye the t...