Napabangon ako ng mapanaginipan ang pangyayaring iyon, pinunasan ko ang pawis sa noo ko at napapikit ng maalala ang lahat. I saw the tattoos I remember them now, makakatulong ba yun?
I just woke up from the nightmare and here I am right now, still thinking about it. Those asshole makes my life a nightmare and miserable, that was 8 years ago and it still haunted me. Wala man lang akong nagawa para sa pamilya ko, or even get the justice they deserve.
I woked up when the sun hits my face, I rub my eyes and sits on the bed where I sleep for the whole night. Nang tingnan ko ang paligid tsaka ko lang naalala ang nangyari kagabi.
Kumuha ako ng tinapay sa closet at nagtimpla ng milo, buti nalang naginit ako kagabi rito bago dumating ang mga lalaking iyon.
Kumuha rin ako ng mga kutsilyo, katana at baril sa pinakasahig ng tree house. Bata palang kami ay tinuruan na kami ni papa kung paano gumamit ng mga ito, noon nagtataka ako kung bakit nya kami tinuturuan humawak ng baril na hindi naman dapat.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit, kung bakit tinuruan kami ni papa ng mga ganitong bagay na hindi gawain ng isang bata.
Kumuha ako ng damit at nagpalit habang inaayos ko ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako trinauma sa nangyari. I am just 13 years old yet I am acting like 20.
Siguro dahil nakita ko na ring pumatay ng tao si papa at kuya. Yes I saw them, hunting some bad people and kill them after. My dad said that they just kill bad people for the society.
I look myself at the mirror. Humahaba na pala ang buhok kong kulay tsokolate na hanggang sa balikat ko na ngayon. Ang berde kong mata na may pagka singkit, matangos na ilong at mapusyaw na pisngi at labi, mahahaba rin ang pilik-mata ko.
Katamtaman lang ang katawan ko at matangkad para sa labing tatlong taong gulang na bata. Huminga ako ng malalim ng maalala ko na magisa nalang ako ngayon.
Great, saan ako kukuha ng kakainin ko? Sumilip ako sa bintana at tiningnan kung walang nagmamasid sa paligid. Bumaba ako ng tree house at pumasok sa likod bahay, nagtaka ako kung bakit wala ng mga dumi at kalat sa bahay namin.
Hinanap ko ang katawan nila mama ngunit hindi ko ito makita. Nagpunta ako ng kwarto at wala rin doon ang mga kalat at basag na bintana.
Nakarinig ako ng katok na nakapagpahinto sa akin. Huminga ako ng malalim at nilugay ang mahaba kong buhok ng maayos.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko roon ang lalaking pumatay sa mga magulang ko, pero katulad ng iba ay nakabalot rin ang mukha nito. Nakita ko lang ang tattoo nya sa may kamay.
"Uh, miss. Wala na bang nakatira rito? Sila Mrs. at Mr. Bolir." Tumingin ako sa mga mata nito. Hindi ko pwedeng sabihin na mga magulang ko ang hinahanap nya dahil sigurado akong papatayin ako nito.
"Kakalipat ko lang po ngayon, kuya. Hindi ko kilala ang mga hinahanap nyo." Pinilit kong tatagan ang sarili ko habang nakatingin sa mata nito. Tumango sya at sumilip sa loob ng bahay kaya niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.
"Pagdating ko po rito ay may mga gamit na, sabi ng nakausap ko ay pinasadya raw talaga ito. Magisa lang naman ako kaya walang problema." Pa, ma. Forgive me for lying.
Tumango muli ito at ngumiti ang mga mata. Kinuyom ko ang mga kamay ko, paano nya nagagawang ngumiti pagkatapos nilang pumatay ng mga inosente.
"Ilang taon ka na ba iha? Mukhang nasa 17 o 18 ka lang." Tumango ako sa sinabi nito. Ayaw kong sumagot dahil alam kong hahaba lang ang usapan.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (Venomous Women Series #1)
Non-FictionPenelope Serenity "Luna" Alverian has her own mission given by her boss. To be a spy and to let the guy trust her in many aspects. But what if it turned out to the thing she didn't expect to, will she continue her mission? Or will she betraye the t...