Simula

4 0 0
                                    

"Do you really consider me just a friend?" I said.


Hindi ko na alam kung nasa katinuan pa ba ako. Bigla bigla na lang ako nagtatanong nang ganitong bagay. Ni hindi ko man lang iniisip ang sitwasiyon. Ang wrong timing lang.


Hindi ko na kasi talaga matago. Marami na siguro akong nainom. Hindi ko akalain na aamin ako sa ganitong sitwasiyon. Ni hindi ko man lang iniisip ang mga sinasabi ko.


Tinignan ko siya. Medyo Malabo kaya mas lalo ko pa siyang tinitigan. Unti unti kong nakita ang mukha niyang papalapit sa akin. Sinusubukan na halikan ako. HAHALIKAN NIYA AKO?


I didn't expect to love me back. We are together for a long time but now, I confessed my feelings. My feelings that I want to bury 'til my death. Hindi talaga ako aamin kahit anong mangyari pero look at me. I said those words without fear. Maybe because of the influence of alcohol or what basta umamin ako sa lalaking mahal ko.


Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Kapag nagkiss siya, kami na ba? Ibig sabihin ba nito, may feelings din siya sa akin? O dahil din sa alak hindi niya na rin alam kung anong ginagawa niya.


Alam kong pagsisihan ko 'to pero nandito na eh. Nasabi ko na pero kaya ko naman bawiin pagkagising ko bukas, sasabihin ko na lang na wala akong maalala. Wala, nanaginip lang naman ako. Nangarap lang naman ako na sana ganito tayo kaclose, physically close. Nose to nose. Eye to eye.


Pumikit ako. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang papalapit na mukha. Sinalubong ko ang kanyang labi. Hindi ako makapaghintay, gusto kong makita ang kanyang mukha. Gusto kong makitang pumikit siya habang dinadama ako.


Pagdilat ko, nakita ko kung paano siya naglaho na parang hangin. Nawala na tila dumaan lang sa aking isipan. Ang eksenang sumagi lang sa aking imahinasiyon.


Napabalikwas ako. Anong nangyari?


Nakakadiri. Anong pinag-iisip ko? Sino 'yung lalaking 'yun? Pabitin ah!


Hindi ko na maalala ang mukha niya. Gwapo ba 'yun? Matangkad?


Nakatulala lang ako. Nakaupo sa kama. Iniisip ko pa rin 'yung lalaki sa panaginip ko.


Bakit ako 'yung umamin? Ang mga lalaki ang nagkakandarapa sa akin! Bakit parang ako ang naghahabol? Ako ata lugi sa panaginip na 'yun! Nabasa ko na ba 'yun? Parang ang drama baka story lang?


Never akong aamin sa kung sino noh. Sila kaya ang unang nagcoconfess sa akin. Sa ganda kong 'to masasawi sa pag-ibig? Eeeww! Not me please! I'm not like that so poor!


Tapos parang ang lungkot lungkot ko pa? Wow! Ako ba ang naghahabol sa lalaking 'yun? Big deal na nga na ako ang nagconfess tapos ang lungkot ko pa na parang hindi marereciprocate ang feelings ko. Ano siya, gwapo? Siguraduhin niya lang na gwapo siya kundi hindi niya deserved ang confession ko. Mumurahin ko talaga ang sarili ko kapag nagkataon.


"Abby! Ano pang ginagawa mo?! Malelate na tayo!" sigaw ni Samantha sa labas. "Ang tagal mo naman maligo!"

Under the moonlight, we kissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon