SPECIAL CHAPTER

484 27 13
                                    


A/n; special chapter, yung time na nag-aaral pa tong mga to.

--------------


Y/N

Dala dala ko ang guitara na ninakaw namin nila Baji at Kazu, agad kaming pumunta sa tambayan namin. Kakantahan ko kasi si Hina my loves, wala akong paki kay Takemichi at Chifuyu, basta mahal ko si Hina.

"Tol, ang sagwa ng porma mo." Agad na puna ni Kazutora sakin.

Sampalin ko tong gunggong na to eh

"Tanga! Wala kang pake! Baka gusto mong ibalik kita sa pinanggalingan mo." Hampasin ko to ng guitara eh.

Hala andito na kami sa tambayan! Nakikita ko na si Hina mahal na mahal ko talaga tong babaeng to, kaso masyadong ginalingan ni Takemichi lamog lamog.

"Hi mga tol! " Bati ko agad, siyempre pa pogi tayo.

Nakakatanga tignan si Chifuyu, napaka pogi. Parang gusto kong manakit.

"Hoy! Chifuyu, wag kang masyadong pogi, sinasapawan mo ako palagi." Tumabi ako sa kaniya saka sinungitan.

"So pogi ako?" Duh?! Di ba halata? The last i check top 1 to sa section nila, bat bobo.

"Hindi, mas pogi si Baji Tolcakes ko." Ikasa mo Baji.

"Takemichi my friend, humanda ka. " Nginisian ko ito at umupo sa tabi ni Hina at Emma.

Pwede bang dalawa nalang yung shotain ko? Ok lang naman.

"Anong gagawin mo sa guitara, y/n?" Tanong agad ni Chifuyu.

Tanga ba to? Malamang kakantahan ko si Hina my loves ko.

"Wag kang sapaw, ang panget mo masyado." Inirapan ko siya, pabebe masyado.

"Kakantahan daw ni y/n si Hina." Epal kazutora, dapat hinayaan nalang kita sa kulungan eh.

"Oo pati si Takemichi kakantahan ko din siya." Agad kong sagot.

Ehem ehem

"Walanghiya ka mangaagaw ka~~~~~"

"Sarili kong crush ay jinowa mo pa~~~~~"

"Masyadong ka ng maharot~~~~"

"Dapat ka ng itumba~~~~~"

Ehe! I deserve SOTY! Ako lang to.

Gulat na gulat silang lahat habang si Hina at Emma ay tumatawa. Sampalin ko tong dalawang to.

"Ako na kakanta." Tumayo agad si Chifuyu at hinila si Kazutora sa upuan para tumayo silang dalawa, hinablot ni Fuyu yung guitara ko at binigay kay kazutora.


"Halos limang oras na akong nag-aantay sa'yo
Nag-aabang ako sa labas ng bahay n'yo
Sipat ng sipat kung sisilip ka ba sa bintana
Magpakita ka'y parang 'di yata"

Sinong kinakantahan ni Chifuyu? Feel na feel ng ulol HAHAHAH infernes ganda ng boses.

"Ilang beses ka nang lagi na lang gan'yan
Kung iwasan ako'y parang ayaw akong nand'yan
Sa susunod na punta ko'y pagbuksan mo na sana
Kasi kahit anong mangyari ay 'di ako mawawalan ng pag-asa"

Pagbuksan niyo na kasi ng bahay, baka magnanakaw lang.

"Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang"

Mabait na bata, di siya namimilit. Basta di ko parin siya frendship.

"Ok na, ayaw ko ng rap." Umupo silang dalawa ni kazutora. Kaso agad naman silamg tinulak sa harap ni Mitsuya.

Sige putulin niyo mga kamay niyan, masyadong pabebe.

Presenting the vocal lines, kaso wala si Seishu my darling.

"Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita
Kitang kita ko rin ang saya sa'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga"

Bungad fuyu, panis. May nililigawan siguro tong ugok na to.

"Bagay tayo
Bagay bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay
(Lilipad na ng sabay)"

Manok ko si Kazutora saka mitsuya, wala wala akong pake kay chifuyu.

"Kanina ka pa kamo na tumatakbo
Dito saking isipan di ko mahinto
Tanging mga larawan mo
Ang gusto kong makita pagpikit naking mata
Sa panaginip ko"

Noice kazu

"Ay merong tayong dalawa
Ayoko namang maging pantasya lang
Kung pwede naman nating tuparin ng magkasama talaga
Tayo lang sa paraisong naka tadhanang
Mapaibig saiyo ano pang hahanapin ko
Wala na"

Pogi po si Mitsuya.

Tinapos na nila yung kanta tas umupo sila.

"Sinong mas magandang boses saming tatlo?ha y/n!" Agad na tanong ni Kazutora.

"Ayusin mo desisyon mo y/n, dapat seryoso." Sabat ni Chifuyu.

"Ayus-ayusin mo desisyon mo sa buhay..........piliin mo ako ganon!" Sabi niya at humiyaw ng malakas si Takemichi at Baji habang patalon talon si Chifuyu.

Anong meron?! Naka inom to ng tubig na may betsin .

"Seryosohin mo din ako!" Sigaw pa niya at lumakas ang tawanan.

"Chifuyu niyo bumabanat, seminar lods." Agad na sabi ni Mikey at tumawa ulit.

"Isang tanong, isang sagot. Crush mo ba si Y/n?" Agad na tanong ni Kazutora.

Walang pagaalinlangang sagot ni Fuyu. "OO!"

Humiyaw ulit sila at itong Hina at Emma naman at sinasabunutan na ang buhok ko, gusto ata nilang makipag-away. Ok payt me!





Uwian na namin, kaya nakisabay ako kila baji, kazu at fuyu.

"Yiee kasabay niya si crush." Asaran nila sa likod ko.

Akala nila wala ako ha.

"Uwi na tayo y/n, bayaan natin yang dalawa." Hinila ako ni Chifuyu at tumakbo kami papalayo sa dalawa.


Hinatid ako ni Chifuyu sa bahay at umalis na din siya. Pumanik ako sa kwarto ko at inalis ang mga damit ko, nagnakaw ako ng dress sa cabinet ng ate ko, sinuot ko yun at pumunta sa kwarto nila para ipakita sa kanila.

"Maganda ba?" Nagulat silang dalawang sa itsura ko.

Mukha na ba akong madre?!

"Himala, pangbabae suot mo ngayon." Agad niyang asik at tinignan yung isa naminh kapatid.

"Chifuyu?" Agad niyang sabi, at lumaki ang mata ko.

"Delikado ka na....delikado ka na y/n." Sabi nila at tumawa, agad naman akong tumakbo sa kwarto ko at hinubad ang dress.

Kasalanan to ni Chifuyu, pafall. Alam naman niyang marupok ako pagdating kay Hina.... Chifuyu ewan basta kasalanan niya, humanda siya sa school bukas. Ilalalaglag ko siya sa third floor.

"Ma! Si y/n crush daw niya si Chifuyu!" Sigaw sa labas ng kwarto ko.

Anong crush ko?! Siya ang may crush sakin, dahil maganda ako pogi ako babae ako lalaki ako basta siya ang may crush sakin.


----------

A/n; signing off na talaga sila y/n at fuyu, next na talaga si doraken tray saka y/n na may sakit.

🎉 Tapos mo nang basahin ang ✓┊͙ 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 ┊͙ 𝗮 𝗰𝗵𝗶𝗳𝘂𝘆𝘂 𝗮𝘂 🎉
✓┊͙ 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 ┊͙ 𝗮 𝗰𝗵𝗶𝗳𝘂𝘆𝘂 𝗮𝘂 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon