037

452 20 3
                                    

Park Jongseong
active now

artemis

jay

eat, it's lunch time

at kailan mo pa ko
pinaalalahanan
kumain aber?

matagal na hahahahha

btw, hindi ako makaka
punta later

hmm bakit?

uhm, nothing. may
gagawin lang na
important

oh, i see
okaaay then

okay, i'll see you
tomorrow

okaaay, take
care ah

and artemis, mom
liked the cake

reallyy? buti namann
pinaghirapan kaya
natin 'yon

thanks to you

no problem,
jongseong :>

— ♡

"literal na mapapakanta ka nalang ng YOU BETRAYEDDDD MEEEEE ni OLIVIA rodrigo." sinara ko yung phone ko nung hindi na ako niseen ni jay kaya napa sigh ako. bago tignan ng masama si calli na nakaupo sa harapan ko.

"YOU TALK TO HER, WHEN WE WERE TOGETHER" buti nalang vacant namin, hindi sasakit tenga ng mga kaklase ko sa boses ng tatlong 'to.

"tigilan niyo na" nasasaktan na nga ako oh. emz, check the label art. hehehehe
ok

"pero seryosong talk na, para sa ikakabuti ng friend nating si art na mukhang nasasaktan na." hinagod hagod pa ni adley yung likod ko. sarap sikuhin.

"base sa information na nakuha ko sa kuya kong bayot, bestfriend since birth daw ni jongseong yung olivia girl na dumating dun sa party ng mom ni jay from australia." kahit ayoko makinig, syempre papakinggan ko sinasabi ni calli.

interesado akong malaman. sabi nga nila, know your enemy. char

"bestfriends naman pala, pero friends lang rin ba tingin nila sa isa't isa?"

"oo, bestfriends nga daw pero sabi ni kuya ko.. ano. inlove daw 'tong si olivia girl, kay fafi jay.." dahan dahan pang tumitingin sa pwesto ko 'tong si calli habang nag sasalita.

akala mo naman nasasaktan ako, e para lang namang kinukuha yung puso ko palabas ng katawan ko. hehehehe sadghorl

"hanggat hindi sila kinakasal, may pag asa ka pa art. kaya wag kang iiyak." napapangiwi nalang ako sa sinabi ni phoebe.

"pero, ano namang sabi ni jay sayo?" tanong ni adley.

umiling ako.

"edi.. wala? ano namang sasabihin niya? hindi naman required na mag explain siya sakin about dun sa olivia na 'yon 'no." tumango tango sila, pati ako kasi tama naman yung sinabi ko.

bakit naman siya mag explain? duh

"may point ka naman dyan, art. pero bakit hindi mo tanungin si jay? like kung ano ba sila nung olivia, ganun?"

"para habang maaga, alam mo na diba? hindi yung pinapatagal mo yung feelings mo for him, habang siya e nag iinvest naman pala ng feelings sa iba." nag high five pa si adley at calli na akala mo hindi nag aaway dahil kay jake.

"diba may tutor session kayo later? oh! edi ask him na, para malinawan ka girl." dagdag pa ni phoebe habang nilalaro laro yung kamay ko.

"hindi daw siya makakapunta mamaya eh, sabi niya." napataas naman agad yung kilay netong si adley.

"at bakit daw?" chineck ko pa yung phone ko, just incase nag reply siya pero wala na.

"may gagawin daw importante." sabay sabay pa silang napahampas sa desk ng upuan na inuupuan nila.

"ayan ang iniisip ko, friend."

"bumalik yung dati, kaya mawawalan ng oras sa present." parang nakikita ko na ngang paparating 'yon, na mangyayari 'yon.

"pero kung ganon, ano naman? hindi naman kami ni jay." hinampas naman ako bigla ni adley. shuta nananakit pa naman physically!

"hindi naman mahalaga kung kayo, or no. kapag nakapag invest ka na ng oras, feelings, at effort sa tao, aba! deserve mo ng explanation about sa sudden changes na mangyayari 'no." adley rolled her eyes.

"exactly. saka sabi mo, aware naman na si jay sa feelings mo towards him. kung aware na siya, alam na niya dapat niyang gawin." ang saya saya ko nung nakaraan, tas biglang ganto. awit

"unless, ghoster si fafi jay."

nagkatinginan kaming apat, bago tumayo si calli para hilahin rin ako patayo.

"walang dapat mag mukhang broken, lalo na kung hindi pa naman kasing clear ng crystal clear ang lahat." hinampas ni phoebe yung likod ko. tangina talaga

"kaya wag kang malungkot dyan, art. ikain nalang natin." hinila nila ako palabas ng room.

"ayoko kumain." singhal ko, pero pinagpatuloy lang nila akong hilahin.

"kumain ka. gusto mo bang pumanget at tuluyang mawalan ng park jongseong sa buhay?"

"tara kain." nauna na kong maglakad, saka narinig malakas na tawa nung tatlo sa likod ko.

tama, wag ko munang isipin 'yon. hanggat hindi sila kinakasal, may pag asa ako.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon