— art's.
after namin kumain habang nag ke-kwentuhan about sa mga plans namin after graduations, nag ligpit na yung mga shawty ng pinagkainan namin. habang kami namang apat, nag ayos na ng tutulugan since we decided na sa likod nalang ng car mag sleep kasi it's freezing outside.
sino ba kasi nag-isip na mag camping ng ganto kalamig ang panahon?
after namin mag ayos, naupo kaming apat sa likod ng sasakyan ni jay.
"okay ka na ba, adley?" tanong ko.
"hindi ba halata, art? siya lang umubos ng tatlong cup ng ramyeon kanina, akala mo siya nag dala." inirapan ni calli si adley, pero si girl patawa tawa lang.
"hindi nga ako, pero dala ng kuya mo 'yon so—" mabilis kaming lumingon kay adley.
"bakit ba ang bibilis niyo kapag nababanggit ko si ethan sa usapan?" iritang tanong niya, pero duda talaga ako. sana kayo rin
"eh kasi, about sa inyo kwento ng next book. kaya habang nandito tayo, linawin niyo na. spoiler ba, konti lang?" hinampas ko si phoebe ng unan.
"kakaselpon mo 'yan, phoebe." umirap ako.
"si adley usapan diba—"
"callista! sabi ko tulungan mo ko—" agad humina ang kaninang sumisigaw na boses ni heeseung, nang magtama tingin nila ni adley.
kita niyo 'yan? tsk sayang di niyo kita
"naduduwag ka na yata kay adley, kuya? ano nangyari?" ethan cleared his throat.
"tanong mo sa kulangot mo. ayan oh, nasa entrance na ng ilong mo, kadiri." tumawa kaming tatlo, saka umalis si heeseung na tumatawa rin.
"tangina kanina ko pa kausap si jake, habang kumakain.." bumagsak agad balikat ni calli.
"buti hindi nahulog sa kinakain mo?"
"HAHHAHAHAHAHAHHAHAHA" napatayo na kami kakatawa, pero si calli mukhang gustong umiyak.
napapailing nalang ako, saka umalis sa pwesto namin. baka mamahid pa ng kulangot si calli, mahirap na.
agad hinanap ng mata ko ang gwapong si jongseong, na naglalakad ngayon papunta sa pwesto ko.
"are you done, love?" ngumiti ako saka tumango.
"let's go for a walk then." pumayag naman ako, dahil bakit ako tatanggi? walang tatanggi.
magkahawak kamay kaming naglalakad, habang nakasuot pa ang isang kamay ko sa pocket ng hoodie ni jay.
tahimik, at ang peaceful ng paligid. narerelax ako.
"may university ka na bang napili para pasukan sa college, love?" biglang tanong ni jay habang naglalakad lakad parin kami.
then, boom. narealize ko na pwedeng isa ako sa mapiling exchange student sa harvard. but since maraming choices ang faculty for that, i decided na wag nalang muna sabihin sa kanya.
"ku for sure, love. how about you?" i looked at him after asking. he smiled.
"kung saan ka, duon ako." napangisi nalang ako, bago higpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dulo, kung saan kita namin ang buong seoul.
woah..
naupo kaming dalawa ni jay sa bench. pagkaupo, sumandal ako agad sa balikat ni jay at tahimik na pinagmasdan ang magandang view sa harapan namin.
he tightly held my hand.
"hindi naman pala ganon kabigat ang mundo." he said out of nowhere. natawa naman ako sa sinabi niya.
"paano mo naman nalaman?" nakangising tanong ko, after ilipat ang tingin sa kanya.
he smiled.
"hindi naman ako nabigatan nung sumandal ka sa balikat ko, love."
hindi ko alam ang exactly na mararamdaman ko sa oras na 'to. kung kikiligin ba ako, or maiiyak.
pero bakit pa pipili, kung pwede namang both?
nafeel kong uminit ang mga mata ko, kaya mabilis akong tumayo at sumigaw.
"park jongseong!!" narinig ko ang pag tawa ni jay mula sa likod ko.
"MAHAL KITAAA!!" i continued screaming. i can't help it anymore.
sa pagbalik ko ng tingin kay jay, ay siya ring pag bagsak ng luha ko.
"sobra." my heart hurts, because of the love that i'm feeling for him. nag uumapaw kasi. sobrang bigat, pero sobrang sarap sa feeling.
jay quickly stood up. nagaalala siyang tumingin sakin after seeing me cry, and cupped my face.
pinunasan niya ang basang pisngi ko.
"love, why are you crying?" mahinahon ang boses niya, punong puno ng pagaalala.
i smiled, saka siya hinila para yakapin. jay tightly wrapped his arms around my waist, resting his chin on my shoulder.
"8 letters, jay. 8 letters." hinarap ako ni jay sa kanya and gave me the prettiest smile.
God literally took his time on him, istg. he is the prettiest.
"i love you more." we both smiled. feeling so grateful, in this moment.
he kissed me on my forehead before pulling me again for a tight hug.
—
a/n: asahan ang pag dalas ng narration sa mga susunod na chapters. :> malapit(?) na tayoo sa dulo
BINABASA MO ANG
"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍ
Fanfiction𝐏𝐚𝐫𝐤 𝐉𝐨𝐧𝐠𝐬𝐞𝐨𝐧𝐠 - ❝gusto mo turuan din kita kung paano ako mahalin? madali lang, promise.❞ જ © wickedshe. ✎ᝰ┆𝐞𝐧𝐡𝐢! 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #𝟎𝟏 ⊱┊[ narration + epistolary ] ꒰ taglish ꒱