Kabanata 2

0 0 0
                                    

I searched his name on the internet to see if there is anything for me to clean up. I'm smoking in my pajamas. My phone lit up. It was a text notification from Wayne.

I'm at the airport. See you in 5 days. I'll call you later. Answer it.

I should just get ready to go.

I am a freelance writer so I don't really go to the office. I write when I want. More like, when I need to. Because of whatever happens to Wayne.

Nagpunta ako sa isang café na malapit sa bayan. Doon ako nag-agahan habang nagbabasa ng columns ng iba mula sa same publishing na pinagtatrabahuhan ko. They sucked.

Siguro nakadalawang oras na ako sa café nang may lumitaw na plato na may cake sa harap ko. Tumingala ako at nakita ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng café.

"I didn't order this."

"Ah yes. Its on the house po. Pinaabot po ng boss ko..."

Tumuro sya sa counter at nakita kong kumakaway si Lance bago ito pumasok sa pinto doon. Kumaway ako pabalik.

Si Lance ang may ari ng coffee shop na to. Nakilala ko sya dahil isa ako sa mga pinaka unang regular dito noong nagsisimula pa lang ito. Wala pang staff noon si Lance.

"...kasi regular ka raw po."

Mukhang magka edad lang kami para i-'po' nya ako. O mukha na ba akong matanda sa edad ko? I should stop smoking.

"Thanks."

"Oh. Let me refill your coffee po."

"No its okay."

"Don't worry po. Its on the house."

"Are you allowed to do that? Aren't you new?" Tumawa ako.

"Ah. I'm a special employee po. May mga powers ako." Biro nya.

"Powers like what?" Sakay ko.

Tumungo sya ng kaunti.

"Pwede po kitang ikuha ng pinakamahal na cake na available." Mahina nyang sabi.

"Oh?"

"Ang cheap po ng boss ko para bigyan ka ng cake na ganito samantalang regular ka pala po dito. Do you want me to get you that cake? Don't worry aalis- ack!"

Naputol ang sinasabi nya ng batukan sya ni Lance.

"Ganyan ka bang magtrabaho? Wag mong istorbohin ang customer para lang may excuse ka na wag magtrabaho! Bawas sa sweldo mo yang cake na yan."

"What!?"

Natawa ako sa reaksyon ng bago. Close siguro sila ni Lance para palagpasin nya ang bago. Strikto si Lance pagdating sa mga staff nya kung trabaho ang pinag uusapan.

"Sorry Emma. Ito nga pala ang bago ko dito. Palagi mo nang makikita ang isang to dito. Ito si Lucas, pinsan ko."

Kaya pala. Pinsan. Hindi ko napansin noon una pero ngayong binaggit nya, magkahawig nga sila. They looked more like brothers. Napansin ko siguro agad kung parehas ang kulay ng buhok nila. Mukhang nagpakulay ng brown si Lucas habang itim na itim naman ang kay Lance. O natural na iyon na brown?

"Hello po. Nice to meet you. Please sabihin nyo po kay boss na wag ibawas sa sweldo ko ang - ack! Masakit!"

"Bumalik ka na doon!"

Ngumuso si Lucas bago tumalikod pero lumingon muli para ngitian ako.

"So, your cousin huh?"

Bound To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon