JELE ANNE
NARRATION OO1
"Nak, may lakad ka ba ngayong araw?" bungad sa akin ng Tita ko pagkalabas ko ng kwarto na bihis na bihis.
"Naalala mo ba Tita yung kinwento ko sa 'yo na nakita ko sa Subway?" pagbanggit ko sa kaniya. Kinwento ko kasi sa Tita ako about doon. Sobrang close kami n'yan dahil para ko na siyang nanay. Mas nanay pa nga siya sa akin kesa sa totoong nanay ko, e.
Ngumiti si Tita na parang nakahalata na may magandang mangyayari. Alam niya kasi na about kay Yohan. Literal na lahat. Ganoon ako ka-open sa kaniya. "Magkikita kayo ngayon?" excited na tanong niya.
Kinikilig ako na tumango at sabay kaming tumili. Magkayakap kami ngayon habang tumatalon pa sa saya. Daig pa namin ang nanalo sa lotto nito.
Kung may makakita man sa amin ngayon, iisipin nila na nababaliw na kaming dalawa ng Tita ko.Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at inayos ang buhok ko na nagulo kaninang nagpapakabaliw kami. "Enjoy ha. Bring home the bacon," sabi niya sabay wink.
Mahina kong hinampas si Tita. "Grabe ka naman, Ma. Parang may something sa sinabi mo."
"'Wag niyong gagawin kung ano man ang nasa isip mo ngayon, Jele Anne," biglang naging seryoso ang boses niya.
"Aba'y oo naman! Conservative tayo dito," sagot ko kahit hindi naman talaga. Pasensya ka na, Tita. Maharot 'tong pamangkin mo. Charot. Charot charot lang tayo dito.
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng bahay. Alam niyo na, syempre. Kailangan presentable tayo sa first date namin.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung date ba 'to o ano dahil gusto niya lang naman daw ako samahan na bumili ng pang-room decor ko. Oo, mag d-decorate ako ng room ko since pangarap ko talaga na magka-aesthetic bedroom. Joke.
Gusto ko lang talagang ayusin kwarto ko dahil nandoon naman ako most of the time at sobrang nam-motivate lang ako na gumalaw or mag-aral kapag maganda surroundings ko. Tsaka pinag-ipunan ko talaga budget dito sa pagd-decorate ng kwarto ko. Isang taon ata akong nag-ipon dito ah. Mga nasa-15 thousand lang naman ang naipon ko lahat lahat.
Hindi ako sure kung okay na 'yon pero pagkakasyahin ko na lang kasi hindi lang naman decorations ang bibilhin ko ngayon. Mga stationeries din katulad ng highlighter, notepad, at kung ano pa makita ko mamaya. Sana nga lang magkasya pera ko. Kasi kung hindi, si Yohan pagbabayarin ko. Charot. Hindi naman ako ganoong kagaso no.
BINABASA MO ANG
Subway
Cerita PendekIn which a DLSU student who goes to Subway to join his friends get suddenly enthralled by a girl from UST. sg series O7. epistolary. 2O21.
