NANG sabihin nya kay Mount na huwag na itong lumapit sakanya ay tinotoo nga iyon ng binata. She could see him every day at work pero kahit minsan ay hindi sya nito pinansin. Kapag nag kakasalubong sila ay umaakto itong parang hindi sya nakikita. Even during meetings when she has to sit in lieu of her boss, parang wala lang dito ang kanyang presensya.
Actually, she was okey with that, simula’t sapul naman ay hindi na nya gusto ang paglapit lapit nito sakanya. Tanging ang mga tsimis lang sa paligid tungkol sa kanila ang kinaiinisan nya.
“See, he did not greet her again. Baka nga break na sila.”
“Ang tanong naging sila ba? Baka pinag sawaan lang tapos inayawan na.”
“Baka hindi magaling kaya pinag sawaan.” Nag tawanan pa ang tatlong babae na nasa kanyang likuran.
Hindi lang ito ang unang beses na nakarinig sya nang ganon, in fact sa tuwing nasa iisang lugar sila nang binata at hindi nag papansinan ay mga ganitong opinion ang kanyang naririnig. At first, she ignored it hangang sa makarinig na sya ng mga foul words na kahit ayaw nyang pansinin ay nakakasakit sa kanya kagaya nalang ng minsang may mag sabi na ginamit lang daw nya si Mount para tumaas ang posisyon sa trabaho, o kaya ay lihim syang malandi, yung tipo nang babae na nasa loob ang kulo and so on.
“Just let them.”
“Yeah, wala naman silang alam.” Inirapan pa ng kaibigan nya ang mga babaeng walang pakundangang mag chismisan.
Hindi nalang sya umimik kahit pa naririndi na sya sa mga pinag sasabi nang mga ito. This is the main reason why she hates being involved with a guy like Mount. Pero wala na syang magagawa nangyari na ang mga bagay na iyon.
To avoid hearing unnecessary words ay mas pinilipili nya nalang na mag lunch sa sariling office. If not here ay lumalabas sya ng building kagaya ngayon, she is alone having lunch in her favorite restaurant. Medyo malayo ito sa kanilang opisina kaya’t panatag sya na wala syang maririnig na anumang masasakit na salita mula sa mga chismosang tao.
She was enjoying her food when someone sit in front of her.
“Excuse me?” she looked around and saw that there are other empty seats pero mas pinili nang estranghero na umupo sa harapan nya.
“So, ikaw pala ang kinahuhumalingan ni Bundok.” The guy is grinning from ear to ear.
“Bundok?”
“Mount Vesuvius Moulen.” Sagot nito. “Pwede bang akin nalang ‘tong fries mo mukhang masarap.”
Hindi pa sya nakakasagot nang kuhanin na nito ang fries at sinimulang kainin. Gusto sana nyang mag reklamo pero wala naman syang magagawa, he is already munching her food.
“Ahem.” Kuha nya nang atensyon dito. Hindi nya alam kung ano bang trip nang lalaki, bigla bigla nalang itong umupo sa harapan nya at kinain ang pag kain nya. But she admits, this guy is handsome and friendly based on how he talked and smile.
“Sorry, I was distracted by this food, in fairness this one is good. I would ask my chef to make something like this.” Pansamantala nitong ibinaba ang hawak na tinidor. “By the way Finn Ignatius Lastimosa.” He offered his hand for a hand shake.
“Cristina-“
“I know.” And he winked bago nito pinag patuloy ang pag kain.
Hindi nya maikakailang natutuwa sya sa inaasta nito. She is familiar with his name dahil nakabalandra ang pangalan nito sa ibat- ibang building sa buong bansa, this guy owns shopping malls, Factories, Cinema, hotels and Casino. Sa sobrang yaman nito ay hindi nya akalain na napaka approachable pala nito sa personal.
“How do you know me?”
“You are Glycel’s friend. I saw you on Venom’s party. apart from that patay na patay sayo si Bundok diba?”
Nakakaloko pa itong ngumiti sakanya bago sumubo ng fries.
“Tsss. Wag mo na bangitin yang bundok na sinasabi mo, baka mabigwasan kita.”
“LQ kayo?” hindi nya alam pero ang gaan gaan ng pakiramdam nya dito. Maybe because he is the only friend of Venom who never get involved in different woman. May malinis itong reputasyon sa larangan ng pambababae.
“We were never lovers.”
“Oo nga pala. Si bundok lang ang patay na patay sayo. Ikaw naman pumapatay ng babaero.”
“Whatever.”
Tanging matamis na halakhak lang ang sinagot sakanyan ng binata. Ang dami pa nitong sinabi tungkol sa kanila ni Mount na lagi nyang kinokontra.
“What the fuck are you doing Lastimosa?” nakakabinging boses ang nag patigil sa kanilang dalawa ni Finn sapag-uusap. Dahil sa lakas ng boses nito ay naagaw ang atensyon ng iba pang tao sa loob ng restaurant.
“Yow Bro.” Parang balewala kay Finn ang galit ni Mount. “Want some fries? Masarap ‘to may cheese saka bacon and what this shredded nutty thing?” tanong nito sa kanya.
“Cashew.”
“Yeah, cashew. Want some Broda?” inangat pa nito kay Mount ang kinakain.
“Take that thing away from me and stop talking to Cristina.”
“Ayoko nga, seems like Cristina is enjoying my company so I-“
Hindi pa natatapos ni Finn ang sasabihin ng hilain sya ni Mount patayo. Pinilit nyang agawin ang kamay dito ngunit sa inis nito ay bigla syang binuhat na para bang isang sako ng bigas.
“Don’t you fucking dare follow us, Finn.”
“Yeah, yeah! Oorder nalang ako ng fries. Bye Cristina, enjoy your date with the devil.”
Ibinaba sya ni Mount sa loob ng sasakyan nito. Gusto nyang mag protesta pero masyadong malakas ang binata. Sinuot sakanya ang seatbelt at mabilis itong pumunta sa driver’s seat.
“What is wrong with you?”
“What is wrong with me?” balik sigaw nito sakanya. Mas pinabilis pa nito ang sasakyan that makes her nervous. Baka kung mapaano sila dahil sa galit nito.
“Slow down.” She almost stutter. Nakaramdam naman ang binata kaya medyo binagalan nito ang pag papatakbo.
“I don’t understand you Cristina, noong sinabi mo sa’kin na ayaw mo na akong lumapit sa’yo I thought it’s because I am Venom’s friend. Pero makikita nalang kita na kausap si Finn? You even laugh with him that makes me- Urgh! Fuck!”
“It’s not because of who your friends are. Dahil iyon sa reputasyon mo!” hindi na nya mapigilan ang mag taas ng boses ng maalala ang mga masasakit na salita na natangap nya sa mga katrabaho sa nag daang mga araw. “You have no Idea what-“ pinilit nyang pakalmahin ang sarili. Ayaw nyang umiyak sa harap nito.
LOOKING at Cristina right now makes him feel like a total ass. Alam nya ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa dalaga dahil naririnig nya iyon. He wanted to do something pero baka hindi magustuhan ni Cristina kung madikit nanaman ang pangalan nya dito. Pero kaninang umaga ay inutusan na nya ang kanyang assistant na personal na kausaping ang mga taong nag kakalat ng masasamang balita tungkol sa dalaga. He wanted to make sure she will retain the reputation he knew she worked hard for.
“I’m sorry.”
“Just drive me to the office. Mag aala-una na.”
She’s still not looking at him. Gusto nyang makita ang muhka nito para malaman ang nararamdaman ni Cristina through her beautiful expressive eyes pero naka harap lang ito sa bintana.
“I will not take you to the office. Might as well call your boss, tell him you will be half day today. May mga urgent matters ka ba?”
“I have a lot. Just take me to the office, sa kanto bago sa building mo nalang ako ibaba para walang makakita sa’tin.”
Her answer frustrates him more. Pakiramdam nya diring diri ito na makasama sya. For the first time in his life, there is someone who doesn’t want to be with him. Hindi nya akalain na nakakaliit pala ng pag katao ang ganitong pakiramdam.
“If that’s what you want. Pero mamaya susunduin kita and you can’t say no.”
“No!” she said. Nang ihhinto nya ang sasakyan sa kanto bago ang kanilang building ay nag madali itong bumaba.
“That woman.” All he could say while looking at Cristina who’s walking confidently.
BUONG AKALA nya ay malinaw kay Mount ang sinabi nya kanina na hindi sya pumapayag na mag pasundo dito. Ngunit few minutes before her out ay ilang message ang pinadala nito sakanya.
“In Tim Horton’s Coffe at 6:00 pm. See you there.”
“I said no!” she replied.
“Kung wala ka po doon ng 6:00 pm, I swear kapag nakita kita bukas sa conference. I will kiss you torridly in front of everyone. I don’t care if you’ll get mad. Don’t test my patience sweetheart.”
Pakiramdam nya ay umangat ang dugo sa kanyang mukha sa sinabi nito. The Image of him kissing her in public wakes something in the inside that she cannot name. dapat nga ay naiinis sya pero hindi iyon ang kanyang nararamdaman. Para bang, bigla nitong pinainit ang paligid dahil lang sa sinabi ni Mount.
“Fuck you!”
Halos maitapon nya ang kanyang cellphone ng tumunog ito. Walang tigil syang nag mumura dahil si Mount ang tumatawag. Baka nagalit ito sa huling reply nya. After all, she is still her boss.
“Hello.” Thank God she was able to composed herself and did not stutter.
“Do you really want me to fuck you? Anong gusto mo gentle or rough?”
Nag init ang kanyan mukha sa sinabi nito at ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib.
“Mount, shut up!”
Isang malutong na halakhak ang sinagot nito sakanya. “See you later baby, kung ayaw mong mamaga ang labi mo bukas sa harap ng maraming tao.”
Hindi naman sa natatakot sya sa sinabi ni Mount pero kilala nya ito, he will do everything he said at ayaw nya ng eskandalo. Those unpleasant words she had for the past days is enough. Ayaw nya na iyong dagdagan kaya sinunod nya ang sinabi ni Mount. She went out of the office at exactly 5:30pm and walked straight to the Coffee shop. Nakita nyang nakaparada sa gilid ang sasakyang nito kaya dumiretso na sya doon.
“There you go pretty lady.”
“Just shut up and drive me home.”
“Who told you I am driving you home this instant? Mag didinner na muna tayo.”
“Mount-“
“Not here, I will make sure na walang makakakita satin if that’s what you’re afraid of.”
Bumuga nalang sya ng hangin bilang tugon. Napaka hirap talagang makipag talo sa lalaking ‘to.
“Hindi ba condo mo ‘to? Don’t tell me dito tayo mag didinner?”
“Pano mo nalaman? Hmm.” Lumabas ito ng sasakyan at mabilis na umikot at pinagbuksan sya ng pinto. “Are you stalking me?”
“Stalking your face. Bakit ba kasi tayo nandito? May binabalak ka ba ha Vesuvius?”
He chuckled and lead her way to the elevator.
“Diba ayaw mong may makakita na kasama ako? And since I wanted to be with you, this is the only place I know na malapit pero pwede kitang masolo.”
He’s grin is telling her something her mind doesn’t like. Pero sa hindi nya maipaliwanag na dahilan, gusto nya ang ideya na makasama ito nang walang nakakaalam. For the first time in her life, she ignored all the warnings her brain’s telling her.
“Basta iuwi mo ako bago mag alas dose, and you are the one to cook our dinner.”
“Aye aye baby.” Sumandal ito sa elevator at hinila ang kanyang bewang bago ipulupot ang dalawang kamay doon. He is hugging her from behind while his resting his head on her shoulder. “I miss you.” He whispered before he planted kisses on her nape.
BINABASA MO ANG
Mount Vesuvius Moulen
Ficción GeneralCristina Raganas is sometimes being called rigid and cold from guys whom she refused being around with. Pero hindi naman talaga sya man hater, she just hate those man who doesn't respect women and changes partner every now and then. In short she hat...