"Uy! Sino to? ANG CUTE NAMAN NIYA!" dinig kong may paghangang komento ng di pamilyar na boses mula sa locker room. Baka, yung bagong hired sa kitchen na sinasabi ni Lea.
Ngayon yata ang unang araw ng orientation nito sa kitchen?"Uy, ka rin! HA-HA.. Anong cute, MAS CUTE YUNG BAGONG CHEF NATIN! AY! Hindi pala--MAGANDA!" may pagmamayabang na boses ni Drew, assistant Chef ko ngayon. "Oo, ganun nga, MA-GAN-DA!" dagdag at sang-ayon ni Drew sa sariling opinyon, diniinan pa ang huling salitang binitawan.
Isinantabi ko ang mga pinagsasabi ni Drew, alam kong patungkol yun sa akin dahil wala namang ibang babaeng Chef dito sa The Table, sa restaurant na pinagtatrabahuan namin, kundi ako lang. Atsaka simula palang ay nagpapasaring na sa akin si Drew pero binabalewala ko yun. Natural lang naman yung humanga, basta wag lang akong bastusin bilang tao, bilang ako.
Napabuga ako ng hangin bago huminto sa pasilyo, mga sampung hakbang mula sa locker room para lihim makiusisa sa pinag-uusapan ng nauunang katrabaho ko. Para kilalanin din ang pagkatao ng mga ito.
"HAYSSST! Akin na nga yang magazine! Tsk! ANG LANDI MO TALAGA DREW! Kahit sino pinupuntirya mo?! BASTA AKO! Number one fan ako ng Drama Queen's Daughter noh!" Hindi natitinag na komento naman ni Shine, isa sa service Crew. Dama ko nung una ay pagka-disgusto ni Shine sa aking presensya. May mga tao talaga na, natural na kumukulo ang dugo sayo kahit hindi mo inaano. At hindi naman ganun kakitid ang utak ko para hindi makaintindi, pero hindi ako santo, sadyang mataas lang talaga ang pasensya ko.
Pero ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang huling sinabi nito. Napasandal ako sa dingding atsaka ipinagpatuloy ang pakikinig sa usapan.
"HA-HA.. Halatang insecure ka sa ganda niya, SHINE A.K.A. PASIKAT--
"HINDI NOH?!--AS IN, NEVER AKONG MA-IINSECURE SA BEAUTY NIYA!" may diing tanggi ni Shine. "HINDI KO BET ANG BEAUTY NIYA! ATSAKA, MAS BET KO YUNG MAY ANGELIC FACE AT MALA-COTTON ANG SKIN TULAD NI MISS ANGEL! AT FYI-- ALAM MO BANG SIYA AY ISANG TOP-BILLED AND TOP RATED ACTRESS, SA GALING NIYA SA LARANGAN NG PAG-ARTE, NA BINGWIT NIYA ANG FAMAS BEST NEW MOVIE ACTRESS AWARD!" batid ko ang malaking paghanga ni Shine sa tinutukoy. Pero-- hindi yun ang taong inaasahan ko. Baka sa ibang network yun o isang Hollywood, Chinese o Thai actress yun.
"TSK! Hindi ka bagay maging judge SHINE!--
"AT BAKIT NAMAN?!" mabilis na putol ni Shine kay Drew.
"KASI LAGI KA LANG NAKATINGIN SA KAYA NIYANG GAWIN!--
"ANO?!" hindi mawari ni Shine ang ibig sabihin ni Drew. Pati ako ay napatayo ng maayos at dahan-dahang napahakbang para malinaw na mapakinggan ang paliwanag ni Drew.
"I MEAN-- ANG TUNAY NA MAGALING NA ARTISTA,YUNG KAYANG PANGANGATAWANAN ANG IBAT IBANG ROLE, MAPALEAD CHARACTER MAN O KONTRABIDA O SUPPORTING ACTOR O ACTRESS. YANG LODI MO KASI, MAGALING LANG SA PAG-IYAK AT MAGPAAWA SA HARAP NG CAMERA! SA SOBRANG KA-OA-HAN NIYA, IBINATO TULOY NI TATANG YUNG TV NAMIN DAHIL NABASA-- ARAAAYY! HA-HA.. ARAAAYY!
"HAMBOG KA TALAGA DREW!" asar na bulalas ni Shine. Mag-isang naiiling naman ako sa sinabi ni Drew.
"HA-HA.. TOTOO YUN! ITANONG MO PA SA TATAY KO?!" natatawa at sarkastikong tugon ni Drew.
"EWAN KO SAYO!"
"ATSAKA, KADALASAN SA MGA ARTISTA, NAGPAPATUROK AT LUMALAKLAK NG ILANG GARAPONG GLUTA PARA MA-REACH ANG COTTON-SKIN NA SINASABI MO!--AWCCH!--Araaayy! ANO BA?! HA-HA.."
BINABASA MO ANG
Drama Queen's Daughter
RomanceI choose to live like a ordinary girl, who usually wear T-shirt and jeans plus sneakers or a white chef's uniform covered with a black apron inside THE TABLE'S restaurant kitchen. Pero dahil sa false accusation ng DRAMA QUEEN'S DAUGHTER-- na si ANGE...