Prologue
[Unedited]Nasa room kami ng kaibigan kong si Lyle habang naghihintay ng klase
"Meroon ba si miss Velasco?" Tanong niya
"Hindi ko rin alam eh" sagot ko
"Siguro wala na iyon, gala nalang kaya tayo" aya niya. Umiling ako dahil palaging late si miss Velasco
"Baka na late lang" bumukas naman ang pinto at si miss Velasco nga iyon
"Get one half sheet of paper and ready for the quiz" dahil sa sinabi ni miss ay nagsi-reklamo na nga ang mga kaklase ko
"Si miss ang daya 'di man lang nagsabi" sabi ng kaklase ko
"Hindi ba gusto gusto niyong masuprise ayan na" napakamot nalang ang ilan sa ulo
Natapos ang klase namin ay dumeretso kami sa mall para bumili ng mga gamit sa bookstore.
"Chanel doon muna ako sa mga ballpen ha, magkita nalang tayo sa counter o sa labas nitong store" tumango ako at nagtungo sa mga babasahin. Nang maumay ako ay nagpunta nalang ako sa mga papel at namulot ng ilan doon, kumuha ako ng sticky notes at nagpunta sa ballpen section. Mahilig ako sa calligraphy kaya nanguha ako ng iba't ibang kulay ng pen.
Pumunta ako sa counter at nandoon naman si Lyle.
"Ano tara na?" Aya niya nang matapos kaming magbayad
Pumunta kaming ice cream shop at nag-order ng rocky road and strawberry ice cream.
"Kailan ba ipapasa iyong project kay miss Seito?" Tanong ni Lyle habang kumakain ng strawberry ice cream
"The day after tomorrow?" Hindi ako sigurado
"Gawa tayo sa bahay wala naman sila mommy eh" mayaman sila Lyle at palaging wala ang parents niya dahil sa business trip habang ang kapatid niya ay nag-aaral sa ibang bansa
"Sige kailan?"
"Bukas, after class" inubos na namin ang ice cream namin at umuwi. Hinatid nila ako sa baba ng building kung nasaan ang condo ko
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor ko. Nang makarating ako ay binuksan ko agad ang pinto at pumasok
Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Wala na ang mga magulang ko at ang nakatatanda kong kapatid ay nasa ibang bansa kung nasaan ang mga kamag-anak ko. Gusto niya akong isama doon ngunit hindi ako pumayag. Mas gugustohin kong mag-aral dito
Tumunog ang phone ko kaya kinapa ko ito. Minulat ko ang mata ko upang makita kong sino ang tumatawag
"Kuya istorbo ka kahit kailan" alas singko palang ng madaling araw
"Gusto lang kitang kamustahin" napairap ako sa kawalan
"Mangamusta sa gan'tong oras? Seryoso ka?" Maririnig mo sa boses ko ang pagkairita
"Magpapadala ako ng pera at pagnakagraduate ka na kukunin na kita dito" bumuntong hininga naman ako
"Kuya ayaw ko nga eh ang kulit mo"
"Aba'y mas makulit ka, ako ang nakakatanda dito kaya ako ang masusunod" bumangon ako
"Hmm yeah whatever" kahit naman kailan 'yong gap namin ang ginagawa niyang last card
Nag-ayos na ako ng dapat ayosin dito bago ko lisanin ang building na iyon. 7:30 pa naman ang pasok namin kaya pumunta muna ako sa café
"Hi Ma'am good morning po" bungad sa akin ng guard. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya ngitian ko ito
"Good morning po, thank you" dumeretso ako sa counter at umorder ng coffee at slice of cake.
Hindi rin ako nagtagal sa café at pumasok na ako. Naglakad palang ako sa hallway ay nakasalubong ko kaagad si Lyle
"Ano tuloy later ha?" Tumango ako sa kanya
Nagsimula na ang klase. Mabilis lang ang oras at natapos din agad ang lahat ng subject namin sa umaga kaya nagtungo na kami sa cafeteria at kumain ng lunch
"Chanel tignan mo nasa kabilang table lang si Vale" medyo kinikilig niyang sabi. Tinignan ko naman kung nasaan
"Huwag mong titignan baka mahalata tayo" saway niya. Napairap agad ako. Si Vale ay famous dito gustong gusto siya ng kaibigan ko pero hindi ko type si Vale. Marami kasi siyang babae
Buong klase para sa hapon ay agad ding natapos. Nagpaalam ako kay Lyle dahil may nakalimutan ako sa condo.
"Sige hintayin nalang kita sa bahay" sumakay ako sa taxi at ibinigay ang address ko. Agad akong bumaba at tinungo ang condo ko
Kinuha ko ang laptop at iba pang mga gamit . Sumakay ulit ako sa taxi at nagpahatid sa bahay nila Lyle. Malaki ang bahay nila at kung tutuusin mansyon na iyon ng ituturing
Pinapasok ako ng bantay sa labas at pinapasok ako ng katulong nila.
"Ma'am akyat nalang po kayo sa taas nasa gitna po iyong kwarto ni Ma'am Lyle" nagtaka ako dahil ang alam ko ay nasa dulo ang kwarto ni Lyle. Baka siguro ay nagpalit ng kwarto
Umakyat ako sa engradeng hagdan nila. Nang nasa gitnang kwarto na ako ay kumatok ako at pumasok. Madilim na silid ang bumungad sa akin, pinakiramdaman ko ang paligid at katahimikan ang umako sa buong silid. Pumasok ako doon ng walang pag-aalinlangan at nahulog ako sa butas na hindi ko alam kung saan at paano nagkaroon ng butas doon.
"Shit Lyle!" Sigaw ko pero tuloy parin ako sa pagbagsak.
Labis labis ang kaba na namuo sa dibdib ko. Nahihilo narin ako kaya ipinikit ko nalang ang mata ko at nagpaubaya.
~
I don't have followers so I didn't expect someone will reader this but still I wanna publish it
BINABASA MO ANG
In every Portal: Fair Land
Fantasy"Ano palang pangalan mo?" Ramdaman kong sumusunod siya sa likod ko "Elleanor" naalala ko sinabi na pala sa akin ni Faye iyon pero mas magandang galing mismo sa kaniya 'yon "Hmm Ako si Chanel" natigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang kamay ko. L...