Chapter 3

0 1 0
                                        

Pagkatapos kong naligo ay umuwi agad ako at tinulongan si Faye maglinis. Binigyan ako ni Faye ng tela upang ipamunas sa mga frame na nasa wooden cabinet niya. Busy ako sa pagpupunas ng may kumatok, halatang hindi iyon narinig ni Faye kaya ako nalang ang nagbukas.

Isang babae at isang bata ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mata ng babae dahil nakita niya ako

"Faye" pabulong na tawag niya

"Ay tuloy kayo" nasa likod ko si Faye kaya binuksan ko ng mas malawak pa ang pinto para makapasok sila.

Napatingin ako sa batang lalaki at sa nakalabas niyang pakpak. May punit iyon kahit na mukhang transparent ay mapapansin mo parin iyon

"Nako nagkukulit ka ano" umiling naman ang bata sa tanong ni Faye. Naupo sila sa sala habang ako ay nagtuloy na sa pagpupunas

"Usap usapan na may mortal dito, Siya ba 'yon?" Tanong ng babae

"Oo Dyna"

"Alam ba ng mga nasa itaas iyan?" Hindi ko na narinig ang sinabi ni Faye dahil lumabas na ako upang hugasan ang telang hawak ko. Inilagay ko ang tela sa may kalakihang bato at pumasok na sa loob.

Umiilaw ang kamay ni Faye habang unti unti niya itong pinapadausdos sa punit na pakpak ng bata. Makikita kong unti unting bumalik sa dati ang pakpak niya

"Salamat Faye" umalis na ang mag-ina kaya lumapit ako sa kanya

"Paano mo ginawa 'yon?"

"Nakikita mo 'yang nasa kwintas mo? Ganyan ang pinanghilom ko sa pakpak niya" tumango ako

May kumatok ulit pero si Faye na ang nagbukas. Kumuha ako ng isang potion na nasa lamesa ni Faye. May label na nakalagay pero gamit ang ibang language. Ibinalik ko rin iyon bago pa ako makita ni Faye

Pumasok si Faye kasama ang lalaking nagdala sakin dito. Mukhang tinupad niya nga ang sinabi niyang babalik siya

"Pinag-aaralan ko pa ginoo" sabi ni Faye at wala akong idea kong anong pinag-uusapan nila

"Sige hihintayin ko hanggang sa kaya mo na. Kukunin ko muna siya habang pinag-aaralan mo iyon" tumingin 'yong lalaki sa akin

"Sumama ka sa akin" tumingin ako kay Faye at tumango lang ito na parang sinasabi niyang sumama ako

"Saan tayo pupunta?" Nakasakay kami sa puti niyang kabayo

"Basta"

Tumigil kami sa isang puno ng niyog. Nagulat ako dahil may nahulog dalawang buko sa magkabilang kamay niya. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Pinahawak niya sa akin ang isang buko at naglabas siya ng maliit na espada

Walang kahirap hirap niyang tinanggal ang pang itaas na bahagi ng buko at doon naman lumabas ang katas nito. Ibinigay niya sa akin iyon at kinuha ang hawak ko

Tinikman ko ang sabaw nito at ganoon nalang ako na satisfied dahil matamis ito. Matagal na akong hindi nakatikim ng buko

Nagpunta kami sa bukid kong saan kami kumuha ng mga pagkain ni Faye

"Ang sabi sa akin ay pumunta na kayo dito ni Faye" tumango ako at nagtungo sa mga bulaklak

"Ano palang pangalan mo?" Ramdaman kong sumusunod siya sa likod ko

"Elleanor" naalala ko sinabi na pala sa akin ni Faye iyon pero mas magandang galing mismo sa kaniya 'yon

"Hmm Ako si Chanel" natigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang kamay ko. Limingon ako sa kanya. Napalunok nalang ako nang makita kong nakatitig siya sa akin

Iniangat niya ang kanyang kamay, ang akala ko ay hahawakan niya ako sa pisngi pero nagkamali ako. May isinuksok siya sa tenga ko at tinalikuran na ako. Hinaplos ko iyon at naramdam kong bulaklak ito

"Elle hintayin mo ako" Para akong baliw na ngiting ngit habang sinusundan siya.

Ang sumunod naming pinuntahan ay hindi naman bundok pero matarik ang daan. Nang makarating kami sa itaas noon ay mas lalo akong namangha sa lugar. Makikita ang malawak at tahimik na lupain

"Ang ganda" tahimik na puri ko

Sa hindi kalayoan ay nakikita ko ang bukid na pinuntahan namin kanina. Nag-obserba pa ako hanggang sa makita ko sa malayong bahagi ang parang Castle

"Elle ano iyon?" Itinuro ko iyon

"Palasyo" simpleng sagot niya

Tumingin ako sa kaniya dahil may napagtanto ako. "May Hari at Reyna kayo" hindi iyon tanong kung hindi ay statement

Natawa ako. Saan ba naman ako makakakita ng bansa o lugar ng walang namumuno. Haysh stupid Chanel

"Gusto mo bang makita iyon ng malapitan?" Umiling ako dahil masyado iyong malayo. Naging kulay orange yellow ang kalangitan hudyat na papalubog na ang araw. Makikita dito ang mga ibon na nagliliparan papunta sa kung saan. Hinintay naming lumubog ang araw. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Kung sana ay nandito lang si Lyle makikita niya kung gaano kaganda ang sunset. Hindi naman sa hindi pa kami nakakakita ng sunset pero ngayon lang ako naglaan ng oras para makita ang mismong paglubog nito dati kasi isang silip ay tama na.

Bumaba na kami at medyo madilim na nga ang daan. May nagsilabasang alitaptap na nagbigay sa amin ng liwanag.

Binilisan ko ang paglalakad at sinundan ang mga alitaptap sa huli ay napadpad ako sa lugar na wala ng puno at may ilog doon. Maliwanag ang paligid dahil sa buwan. Mapalingon ako sa itaas at maraming bituin ang naroroon.

"May mga maghuhulugang bituin mamaya, gusto mo bang hintayin?" Nilingon ko si Elle at tumango. Umupo ako sa may damuhan at umupo rin siya sa tabi ko

"May kapangyarihan ka rin tulad ni Faye ano?" ramdam ko kasing napapasunod niya ang mga bagay

"Oo"

"Ibigsabihin ba manggagamot ka rin" he chuckled. 'Anong nakakatawa'

"Hindi, isa akong taga paglingkod sa palasyo"  nanlaki naman ang mata ko

"Sa Palasyo ka nakatira" napatitig ako sa mala-almond niyang mata

"Ganoon nga. Ikaw anong meroon sa mundo ninyo?" First time nag-open siya ng topic

"May namumuno rin sa amin pero hindi naman sila tinatawag na reyna o hari. May mga sasakyan, buildings, shop, schools, malls at marami pang iba" naalala ko ang buhay ko sa greenhill

"May kaibigan ka doon?" Tumango ako. Lyle

"Si Lyle palagi ko siyang kasama sa school. Sa paaralan pala, maging sa mall, sa movie theater, sa ice cream shop, sa lahat" alam kong karamihan sa mga sinabi ko ay wala siyang alam

"Naaalala mo siya 'no?"

"Miss na miss ko na ang dati kong buhay" yumuko ako dahil ngayon ko lang narealize na umiiyak na pala ako

"Tahan na makababalik ka rin" Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingala. Shooting stars. Pumikit ako at humiling

'Please bring me back in my own world. I hope this is just a dream and I will wake up sooner'

~

In every Portal: Fair LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon