"ARE YOU READY?" Zius asked, while he was leaning by the door.
I nodded.
"You look great," ngiting sabi niya.
"So are you..."
Nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman iyon. Ang kamay ko ay nilagay niya sa kanyang braso saka kami bumaba. Our parents were smiling widely when they saw us.
"Ang ganda at gwapo ng mga anak namin," nakangiting sabi ni Dad.
"Thank you po," malawak ang aking ngisi at niyakap siya.
"Mag-iingat kayo, ah?" boses iyon ni Mom.
"Of course, po. Kayo rin po..." ani Zius.
Nagpaalam na kami sa kanila dahil ayaw naming mahuli sa kasal nina Amaris at Imil. We were wearing black while the bride and the groom wore white. When we arrived there, agad kaming sinalubong ni Cedar na mukhang naghihintay sa akin... I mean sa amin.
PAGBABA KO NG kotse ay agad kong nakita ang papalapit na bulto ni Lilac na nakipagbeso muna sa akin bago yakapin si Zius. Nakita ko rin ang malawak na ngiti ni Cedar na papalapit sa akin.
"You're beautiful as ever, sunshine."
Agad akong kumapit sa kanyang braso at dumiretso sa loob ng simbahan. It has been more than two weeks since we went to Imil's club. Pagkatapos no'n ay hindi na kami gaanong nagkikita ni Cedar dahil naging abala sila sa kasal samantalang nagbakasyon naman kami nila Dad sa Siargao. But we never stopped texting though. Masyado siyang makulit but I did like it.
"How's your vacation?" bulong niya sa akin nang makaupo kami.
"It's fine. There were lots of pogi there, Ced," pang-aasar ko.
Tumikhim siya. I saw his jaw clenched. He looked so serious. Feeling boyfriend naman 'to!
"Did I say something wrong?"
"Bakasyon 'yon, sunshine. You went there to enjoy not to look for pogi," aniya sa malamig na boses.
"It's not my fault if I saw handsome men. I have eyes..."
He sighed. "Are they more handsome than me?"
Bumungisngis ako. I poked the tip of his nose. "You're the most handsome in my eyes... Well, next to my dad and my twin..."
"Still, hindi ko mahihigitan si Ren. Tapos ayaw mo pa sa blue eyes."
I chuckled. "I had a crush on him but that was then. Walang ibang makakahigit sa 'yo..."
He gulped and smiled a little.
"You're blushing, Ced."
Sumeryoso ang kanyang mukha. "I'm not."
Inirapan ko siya. "K then."
Magsasalita pa sana siya nang biglang nagsimula ang wedding ceremony. Ang kamay ni Cedar ay nasa itaas ng tuhod or sa hita ko... Para bang gusto niya akong protektahan. Mas pinapalapit niya pa ako sa kanya. Kulang na lang ay yakapin niya ako.
Nang matapos kaming mag picture taking ay nakita ko si Cedar na nakatingin lamang sa akin... hinihintay yata ako. "Sabay na tayo sa reception. Kasabay ni Zius si Lilac," aniya.
"And you're okay with them na?"
He smiled. "I trust your twin."
Pinangliitian ko siya ng mata. "Do you really trust him or want mo lang na ma solo ako?" Nagkrus ako ng braso habang tinitingnan siya nang maigi.

BINABASA MO ANG
The Flower's Sunshine (Fitzmael 4) - EDITING
Romance[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] Cedar Broom returned to San Tiago, his heart still lost in England, weighed down by the pain of a recent breakup. His life felt cold, gray, and utterly lonely. Then he met Elisha Gomez. She was a burst...