26: Karao Lake

522 10 2
                                    

NAPANGIWI AKO NANG marinig ko ang ingay ng vacuum. Nakita kong naglilinis si Zius sa kalat namin kagabi. Hindi ko alam na nakatulog pala kami sa sofa. Nakadagan lang ako sa dibdib ni Cedar.

I heard him groaned. "Ang aga mo namang mag ingay, Zius!" pagrereklamo niya.

"Tsk! Ang kalat kalat kasi! Ayokong langgamin ang living room," masungit niyang sabi.

Hindi na siya pinansin ni Cedar dahil nakatuon na ang kanyang tingin sa akin. "Good morning, sunshine. I love you ."

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Good morning, lover. I love you more!"

"Ew!" pagrereklamo ni Zius habang nagkukunyaring nasusuka. "Kadiri kayong dalawa!"

Nagkatinginan kami ni Cedar at bumungisngis.

"Zius, hindi ka ba sasama sa amin mamaya?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Magiging busy ako."

Napangisi si Cedar. "At saan ka naman ma-bi-busy?" may panunuya ang kanyang tanong.

"Huwag kang mag-alala, hindi si Lilac ang magiging dahilan," seryoso niyang sabi.

Nakita ko ang paglunok ni Cedar. "I'm sorry about before-for being a jerk but you know that we had our reasons, too."

My forehead creased. "Anong pinag-uusapan niyo?"

Tumikhim si Zius. "Nothing, Eli. You will find out soon. Unahin mo muna ang sarili mo, okay?"

I nodded. "Okay. Maliligo muna ako," paalam ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti at tumango naman si Cedar sa akin. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. "Why?"

Bigla siyang ngumuso. "Hug me before you go."

Bahagya akong natawa saka ngumiti. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Ang bango mo naman."

He chuckled.

Narinig ko ang buntong hininga ni Zius. "Ano ba yan? Sa harapan ko talaga? So gross!"

I rolled my eyes and stuck my tongue out. "Bitter!"


NANG MATAPOS AKONG maligo ay nakita kong tinutulungan ni Cedar si Zius sa paglilinis. Alam kong hindi pa sila okay pero sinusubukan ni Cedar na mapalapit kay Zius. I smiled seeing them like that. "Maligo ka na," sabi ko kay Cedar.

Agad siyang nagtigil sa kanyang ginagawa, lumapit sa akin, hinalikan ako sa pisngi saka dumiretso sa bathroom. Kinuha ko ang urn nila Mom and Dad. I looked at Zius. "Are you sure about this?"

He nodded. "Ikaw na ang magtapon ng ashes nila sa Karao Lake. Ayan ang huling hiling nila and I know you're the one who suffered more so you have to do it."

I let out a heavy sigh. It was stated in my parents' last will of testament that their ashes must be thrown in Karao Lake, where their love story began. We just found out about their last wishes years after they died.

Agad kaming nagpunta ni Cedar sa Karao, tatlong oras ang aming naging biyahe papunta ro'n. Sa Karao ang lugar ng mga parents namin noon kaya lang umalis sila doon dahil sa pamilya ni Dad. Tutol kasi sila sa pag-iibigan nila Mom.

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon