April 22 1997
Regina's POV
" Ang ganda mo ija." Sambit ni manang Fe. Sya ang katulong ni Regina at kaisa isang taong tinuturing nyang pamilya.
" Oo nga po eh, kinakabahan na nga po ako." Pagtatapat niya.
" Alam mo ija, hindi ako makapaniwalang ikakasal kana. Parang kahapon lang noong karga kapa ng iyong Mama." Sabi ni manang fe at inabot ang kanyang kamay.
" Sana nga po nandito sila eh." Matagal ng patay ay mga magulang ni Regina. Siya na rin ang namumuno ng hacienda nila at ibang ari-arian.
Binitawan ni Manang Fe ang kanyang kamay at may kinuhang maliit na kahon sa bag.
" Inihabilin ito ng iyong Mama sa akin bago siya namatay. Ang sabi niya, gusto niya daw na suot mo ito sa kasal mo." Sabi ni manang fe at inabot sa kaniya ang kahon.
Binuksan niya ito at nakita ang kwintas na palaging suot ng kanyang Mama noon. Nagtaka nga siya at hindi niya iyon makita noong namtay ang kanyang Mama. Yun pala'y hinabilin kay manang fe.
" Sa pamamagitan raw ng pagsuot mo riyan ay maramdaman mong nandito lang sila sa tabi mo." Pagpapaliwanag ni manang fe.
Bigla namang naputol ang kanilang pag-uusap ng may sumingit na tauhan ni Regina.
" Mam, handa na po sila sa Simbahan ikaw nalang ang hinihintay." Singit nito.
Tumango nalang siya at umalis na ito.
" Manang Fe pwede po bang pakilagay po." Sabi niya at binigay kay manang fe ang kwintas.
" Yan, bagay n bagay sayo ija. Kamukhang kamukha mo ang yong Mama." Komento nito matapos ilagay sa kanya ang kwintas.
" Salamat po. Halika na po at baka tayo mahuli sa sarili kong kasal." Biro niya na ikinatawa ng matanda.
Bumukas ang pinto ng simbahan, hudyat ng kanyang pagdating. Mabagal siyang naglakad at tinignan ang lahat na dumalo sa kanyang kasal at dumapo ang kanyang tingin sa kanyang mapapangasawa.
Ngunit nagtaka siya. Bakit yata puro kaba ang nakikita niya sa mukha nito? Bakit pag-aalinlangan ang nikikita nya sa mga mata at hindi kasiguraduhan?
Isinawalang bahala niya iyon sapagkat oras na upang sabay silang humarap sa altar.
Nasa kalagitnaan na sila ng seremonyas kung saan ay tatanungin sila ng pari.
" Regina, will you take Ariel as your lawfully wedded husband, cherish and love him. In sickness and in health, until death do you part." Sambit ng pari at dumako ang tingin sa kanya.
" I do father." Naka ngiti nyang sambit.
" Will you ariel, accept Regina to be your lawfully wedded wife, cherish and love her in sickness and in health until death do you part." Sambit ng pari at dumako ang tingin sa kanyang mapapangasawa.
" I--" hindi pa man natatapos nito ang kanyang sasabihin ng may magsalita.
" Itigil ang kasal!" Napatingin lahat ng tao sa babaeng bumigkas roon.
" Gelli? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni ariel na ikinagulat niya. Magkakilala sila?
" Sino siya Ariel?" Sabat niya.
" Ako ang totoo nyang mahal!" Imbis na si Ariel ang sumagot ay ang babae ang sumagot ng kanyang katanungan.
" Ano ba Gelli! Wag kang manggulo!" Sabi ni Ariel at hinawakan ang kamay ng babae.
" Sabi mo ako ang mahal mo, sabi mo may sakit lang ang iyong ina kaya mo siya mahal, sabi mo peperahan mo lang siya tapos sakin ka na. Bakit mo siya papakasalan?!" Sambit ng babae na ngayo'y umiiyak na.
YOU ARE READING
Short stories
Fanfictionreginified short stories. staring the Queen. A compilation of short stories written by yours truly.