part 7 ( Finale)

317 11 2
                                    

⚠️Medjo mahaba haba din toh kaya ngayon lang na post. Ending narin kasi eh.⚠️

Author's POV

Lumipas ang ilang araw ay busy si Regine sa trabaho niya. 1 buwan siyang nasa ibang bansa dahil may tour sila ni martin. Pag uwi namn nita ay marami siyang guesting at rehearsal para sa concert nila sa pilipinas, kaya hindi na nakaka uwi si Regine.

Nasa kalagitnaan si regine ng pagbabasa ng notes ng may tumawag. Si Leila.

: Hi mommy!
( Mommy na tawag niya kay ate reg)

: Hi baby.

: Uuwi kaba?

: Ahhh hindi muna eh.

: Mommy uuwi kaba sa birthday ko?

: Kelan nga ba ulit birthday mo?

:.....ahh next week na po. Dadating ka po ba?

: Of course. Ako pa? I wouldn't miss it for the world.

: Thankyou mommy!

: You're we---

Staff: ms. Reg, start na daw po tayo.

Reg: cge, susunod na ako.

: Mukhang busy ka mommy. Cge kita nalang tayo sa birthday ko. I love you.

: I love you too.

At ibinaba na niya ang tawag. Lumipas ang Isang linggo at birthday na ni Leila. Alas dyes na ng gabi pero wala pa rin si regine. Hindi pa nagsisimula ang party dahil gusto ni Leila hintayin si regine. Nagsialisan na ang ibang bisita ngunit wala pa rin ito kaya sinubukan niya itong tawagan.

: Hello? Mommy.

: Ano?

: Hindi ka pa ba uuwi?

: Hindi pa Leila.

: Wala ka po bang nakaklimutan?

: Abo ba Leila?! Pinag sasasabi mo? Pwede ba? Pagod ako at may isa pa akong number na kailangan tapusin dito sa SOP. Cge na bye

: Mom--

Hindi na nya nasabi ang gustong sabihin dahil binabaan na siya nito ng telepono.

Tumakbo sita sa kwarto niya at ni lock ang pinto. Doon niya binuhos lahat ng luha nya.

Kina umagahan ay umuwi na si regine at pagod na pagod. Nakita niya si ogie na nagkakape sa kusina kaya niyakap Niya ito.

Ogie: ba't ngayon ka lang?

Reg: work.

Ogie: sana hindi mo nalang pinangakuan si leila na pupunta ka kung hindi karin naman pala sisipot.

Reg: ha?

Ogie: Hindi mo ba naaalala? Birthday nya kahapon reg?

Reg: oh my gosh! Nakalimutan ko. Ga---

Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang magsalita si Leila.

Lei: pasok nako dad!

Reg: lei?

Lei: oh? Umuwi kapa?

Reg: I'm sorry lei, nakalimutan ko. Ang dami ko kasing iniisip non eh. Sorry, babawi nalang ako.

Leila: it's okay. Naiintindihan ko, you're tired from all that work. Okay lang. Alis nako, pupunta pa akong school eh.

Sabi nito at umalis. Dumaan ang ilang linggo at graduation na ni Leila. Nasa EDSA ngayon si regine at stuck sa traffic dahil nakalimutan nya nanaman. Hindi niya alam kung anong meron sa kanya at lately ay palagi nalang siyang lutang.

Short storiesWhere stories live. Discover now