"Anak? Gising na. Kakain na. May pupuntahan pa kayo ng kuya mo diba?" tinignan ko si mama.
"Hindi ako kakain ma. Mauna na kayo." Sumbat ko sa nanay ko sabay talikod sa kanya.
Galit ako sakanila. Sakanila ni Papa.
"Ayaw mo ba talagang kumain? Hinihintay ka ng Papa mo sa baba. Sabay sabay daw tayong kakain."
Napabalikwas ako ng higa.
"Anjan si Papa?" Tanong ko sa Mama ko.
Akala ko umalis nanaman sya kagabi. Dahil nag away nanaman sila ni mama.
Lagi nalang silang nag aaway nakakainis na.
Tumayo ako at tumakbo pababa. Iniwan ko nalang si Mama sa taas.
Patakbo akong bumaba.
"Papa!" Sabay yakap ko sakanya.
Akala ko iiwan nya nanaman kami.
"Oh Kapatid. Hindi aalis si papa. Makalingkis ka sakanya para kang linta mukha ka na ngang Suso jan. Hahhaha!" -Kuya
"Lakas mo talaga mamburaot nuh? Palibhasa kasi hindi ka makalingkis kay papa dahil nag mumukha kang binabae! So gay! Hahahaha!" Sabay belat ko sakanya.
Si papa tumatawa lang.
nag belat lang din si kuya.
"Anak, let's eat." Umupo nalang si papa.
Umupo na rin ako.
Before i forgot.
Im Macey Lexine Cruz Garcia, 15.
Dalawa ang kuya ko si Mattew Lucas, 20 at yung panganay si kuya Mateo Leigh, 25
Pansin nyo naman siguro age gap namin diba? Hahahaha!
At im the only girl. laging anjan yung mga kuya pag may nambully sakin.
Yung kaninang kausap ko si kuya Mattew yun. Hindi na nakatira si Kuya Leigh dito may trabaho na kasi. Weekends nalang sya nandto.
"Mga Anak, May sasabihin sana kami sayo ng mama mo." Paumpisa ni papa.
Hindi ko namalayan nakaupo na si mama sa lamesa. Paano ba naman pang 20 persons kaya yung lamesa namin. Eh apat lang naman kami dito. Hindi pa nga sabay ang mga maids. Dahil dun sila sa dirty kitchen.
"Ano yun Pa? Ma?" Si kuya Matt na ang sumagot.
Lumutang nanaman ako.
"Ano po yun?" Pilit kong ngiting sabi.
Bigla akong ninerbyos. Di ko alam.
"Your mom and i have decided to separate." - Dad
Binitawan ko ang hawak kong Kutsara at tinidor.
"Excuse me po. Your conversation is non-sense. Walang patutunguhan yan." Pigil luha kung sabi. Sabay tayo at takbo sa kwarto ko.
"Lex?" Yun ang huling tawag sakin. Hindi man Ako pinigilan.
Dahil hinihintay kong sabihin nila na WOW MALI ako at sabihing joke lang yun. Wag kang seryoso. Pero wala. Wala akong narinig.
Alam nila na ayaw kong maghiwalay sila pero ginawa pa din nila. Hindi ko maintindihan bakit nila kelangang gawin yun.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster: A story of Forever
Teen FictionSa panahon ngayon marami na ang nag sasabing walang forever. Well that's true. My parents did. And ngayon gusto nila sumama ako sa isa kanila! No way!!! i want them together. Dahil kung hindi mag lalayas ako. Mag rerebelde. Lahat ng pwedeng gawin...