Para sa nasaktan.

429 4 0
                                    

Nasaktan ka na ba?

Pwes. Ang kabanatang ito ay para saiyo.

Marami nang tao ang nasaktan. Nasaktan dahil nadapa. Nahulog. Nasugatan. At nagpakatanga kaya nasaktan. Ang iba eh nagtatanga tangahan lang at ang iba eh tanga na talaga. Kumabaga, inborn na ang kashungaan nila.

Lahat naman siguro ng tao eh nainlove na diba?

We'll siguro elyen at AB normal ka kung hindi.

At lahat naman siguro ng inlove eh nasaktan na. (kawaykaway jan. hahaha)

Oo. Nasaktan.

Nasaktan dahil sa kinahinatnan ng lovelife niya.

Nasaktan kasi iniwanan siya.

Iniwanan ng taong pinagkatiwalaan niya.

Taong minahal niya.

Pero sinaktan lang siya.

Kaya nagkakaroon ng bitter dahil may past sila. Kumbaga nasaktan siya.

Pero hindi naman nating kailangang maging bitter.

Bagay lang sayong masaktan kasi nagpakatanga ka.

Hays.Ganyan talaga ang pagibig.

Parang gitara lang yan eh.

"Kailangan mong masaktan bago ka matuto."

Kaya kung nasaktan ka na, matututo ka na.

"Matututo para saan?"

Matututo ka nang pumili ng taong karapatdapat para saiyo.

Oo. ang taong hindi ka paiiyakin at sasaktan.

"mahirap nang makahanap ng mga ganoon sa panahon ngayon"

Tama ka. Mahirap nga. Pero lahat naman ng bagay eh pinaghihirapan diba?

Kaya kailangan mo lang ng pagtatyaga at pagsisikap para makahanap ka.

Wika nga ng mag lolo't lola at anek anek sa tuhod natin eh,

"Pagmay tiyaga. May alaga. Ay este nilaga pala. "

Pero Hindi naman sa pagiging desperada o malandi.

Kailangan mo rin kasi talaga ng kasama sa buhay mo.

Kailangan mo ng taong magaaruga sayo pagdating ng panahon.

Yung taong maghihilot sayo pagnirarayuma ka na.

At Ang taong makakasama mong sumakay ng jeep at magsabing,

"bayad po dalawang senior citizen"

Yung taong makapagpapasaya sayo.

Hindi naman pwedeng lonely kanalang forever. Pero nasasayo naman yan kung willing kang maghanap.

Hindi naman kasalanan ang mainlove.

Kung kasalanan ang mainlove bakit hindi ikulong ang mga pafall? haha.

If you know what I mean. Lol.

Hindi nga ito kasalanan pero kailangan siguraduhin mong hindi kalang masasaktan.

Pero ang tanong?

"paano nga ba makahanap ng taong karapatdapat sayo.Yung hindi ka sasaktan?"

Hindi yun madali. Hindi lang yun basta bastang HANAP, USAP , DEAL.

Kundi Matuto kang makipagkaibigan.

Para sa nasaktan.At ayaw masaktan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon