Bitter.
Minsan ampalaya.
Pero madalas talaga ikaw.
Nasaktan kaba? Kaya ka naging ganyan? Oh sadyang ayaw mo lang na masaktan kaya ka bitter?
May dalawang klase ng bitter sa mundo .
Merong bitter dahil sa past niya. Meron din namang bitter kasi ayaw masaktan. At meron din namang nag bibitter-bitteran pero ang totoo, may tinatagong landi naman pala. In short, Higad na Maharot.
Would bitterness lead to happiness?
Makapagpapabuti pa ito saiyo?
Gaganda ba grades mo dito?
Uunlad ba ang ekonomiya ng pilipinas dahil dito?
Ang sagot, NOT AT ALL.
Para sa nasaktan .
Nasaktan ka. Kaya ka nagpakabitter. Nagpaka negative pagdating sa lovelife. Inisip at isinumpa na lahat ay katulad niya na :
(a) iiwan ka lang
(b) sasaktan ka lang
(c) papaasahin kalang
Ate/Kuya/Inday/Dodong. Nagkakamali ka ho.
Kasi kung isusumpa mo ang lahat lahat satingin mo babalikan kapa ba niya?
HINDI na. Ipasok mo yan sa cerebrum at cerebellum mo. (Natutunan ko sa biology class namin)
Hindi naman lahat ay katulad niya na iiwanan ka lang. Hindi naman lahat eh katulad niya na sasaktan ka lang. Hindi naman lahat eh papaasahin ka lang.
Kung ikaw ay bitter, mas lalo mo lang pinapakita sakanya na HINDI KA MAKAPAG MOVE ON.
You were too tied up at your past that it came to the point na sinusumpa mo na ito.
Iniisip mo na "bakit ko siya sinagot? " Bakit ko siya niligawan?" "Bakit naging kami?" "Bakit ko siya naging crush?"
Nako. Ang tanong may "kayo" ba talaga? Oh nagaassume ka lang? (okay. sabaw ito. nevermind)
Alam mo, hayaan mo na siya. Magpakasaya ka. Kung may bago na siya at nakita mong mas chaka pa sayo, edi hayaan mo. Don't judge the book by its cover. At hindi sila book para i judge mo .
You need to let go of your past. Because holding on too much in your past would lead you to severe pain in your heart .
Nasaktan ka ng lubusan kaya't sinusubukan mong maging matatag.
Nasobrahan ka sa bitter na tuwing valentines day eh binibigyan mo ng bouquet ng ampalaya ang mga may lovelife. Nandidiri ka sa mga magkaholding hands .
Aminin mo, gusto mo rin naman ng ganyan eh. ;)
May mga bitter na sinusumpa ang forever. Yung tipong bukang bibig na nila ang "walang forever.
Jusko. Wala ka nabang alam na sabihin? Oh sadyang naloko ka ng salitang "forever"
Sige. Sabihin nating walang forever. Oo na. Walang forever. Baka ma bash ako dito pag nasabi kong may forever. Pero at least naging masaya ka nung mga oras na kapiling mo siya. HIndi man ito forever or infinity or whatever na kalandian, at least masaya kayong dalawa nung KAYO pa.
At para naman sa mga may crush na naging bitter sa crush nila kasi hindi sila pinapansin. Hindi sila gusto. Siniseen lang sa facebook. At ang masaklap, delivered zoned,
Wag kang bitter. Kasi una sa lahat hindi naman naging kayo.
Walang kamalay malay ang tao sinusumpa mo siya. Sinasabihan mo ng paasa. Walang puso. Zero Degree Celsius ang heart . Stone heart. Pusong bato. Jar of hearts. Etc.
Kung masyado kang bitter about sa past mo, it means na ano ulit?
I can't hear you?
aye aye captain. Ohhhhhhhh
HINDI KAPA NAKAKAMOVE-ON.
Para sa mga ayaw masaktan kaya't naging bitter,
Baka naman mamaya sa sobrang bitter mo eh wala nang magkagusto sayo. Wala nang lumapit sayo dahil na wiwirduhan na sila sa kasasabi mo ng "Walang Forever .Magbbreak din kayo sa 23. "
Isipin mo, kung masyado kang negative about sa buhay mo, would that bring you to happiness?
Not at all. Sasabihin ng iba, nagiging praktikal lang ako. Talamak na kasi sa mundo ang snatcher. Nanakawin puso mo tapos pag wala nang kailangan, iiwanan nalang at ibebenta ka sa iba.
May iba naman talaga na bitter na talaga at wala natayong magagawa pa.
Its up to you yourself kung magpapakagalit ka sa lovelife mo. Its up to you kung magpapakabitter ka. Basta tandaan mo,
'Huwag ka masyadong magalit sa nangyari sayo. Malay mo ang nararapat sayo nandiyan lang sa tabi mo. Nandiyan lang sa harap mo. Nandiyan lang sa ilalim mo,
Nandiyan lang sa ibabaw mo.
Sino iyon?
Si God na handang tulungan ka. Si God na kayang mahalin ka. Si God na ililigtas ka at tutulungan ka sa kahit anong bagay. Si God na magpapalakas sa puso mong hinang hina na.
Kaya wag kang bitter. Please lang. Hindi yan ikatataas ng grades mo sa math.
Author's note:
Sorry guys kung hindi na ako masyadong nag uupdate. Sanay naman kayong maghintay diba. Pero sana worth it yang pag hintay niyo. Busy ang lolo niyo sa pag aaral. (mabuting bata) --Gab xx
BINABASA MO ANG
Para sa nasaktan.At ayaw masaktan.
Teen FictionNasaktan ka na ba dahil sa pagibig? O ayaw mong mainlove para hindi masktan? Pwes. Ang librong ito ay para sainyo. Para sa mga naniniwala sa forever. Forever? Forever single at hopeless romantic. Forever sad and broken hearted. This is not a story...