Chapter2: Where It Started

308 15 3
                                    

 Hi guys. need ko po comments nyo. bad or good comments. :D

 -------------------

Kinabukasan ay Lunes kaya dumiretso muna ko sa school. Magkaklase kami ni Lou. Kaya nag usap muna kami. Pagdating ng uwian ay dumiretso na kami sa Laboratory ng Dad ni Lou. Nandoon ang ilan sa mga sikat na scientist sa bansa namin.

“dad?” tawag ni Lou sa Dad nya

“oh anak? Bakit kayo naparito.?”

“napagdesisyonan po kasi naming dalawa ni Drew na lalaban kami habang ginagawa nyo pa ang antidote.”

“anak, tungkol sa antidote. NaTest na naming ang sample ng dugo at nakita naming matapang na kemikal ang nasa dugo nila at nasa mga laway kaya gaya ng sinabi ko, medyo matatagalan kami sa paggawa ng lunas.  Kung lalaban man kayo ay iwasan nyo sanang makagat kayo ng mga iyon.” Pagpapaliwanag ng Dad ni Lou.

“Dr. Matsunaga , gusto po sana naming malaman kung panu talaga nagsimula at san nanggaling ang virus o kemikal na yan.” Pagtatanong ko.

“sige. may isang helicopter na papunta sa bansang korea upang iTest ang tinatawag nilang chemicalX. Ang kemikal na iyon ay hindi sinasadyang matapon at malaglag sa Dam kung saan kumukuha ng maiinom na tubig ang mga tao sa bayan ng Kigaya.

(a/n: si Louis po ung nasa multimedia. :D ) ------------------------------------->

---------Flaskback---------  

Nagsimula iyon ng my isang batang babae ang uminom ng tubig at biglang hinimatay at nilagnat. Dahil sa pag aalala ng magulang nya ay hindi sya iniwan nito at dinala sya sa ospital. Nang magising ang bata ay bigla na lang nitong kinagat ang kanyang magulang.

“ahh!!” sigaw ng kanyang magulang na nagdahilan para lahat ng mga tao sa ospital ay magsilapitan sa kanila..

“anung nangyayari?” tanung ng mga tao dahil nakikita nila na kinakain ng bata ang kanyang ina. Sinubukan ng Doktor na pigilan ang bata. Pero mas nagulat sila ng pati ang doctor ng bata ay kinagat nya sa leeg na nagdahilan ng paglabas  ng dugo. Sumabog ang dugo sa sahig.

Kitang kita ng mga tao doon ang pagkain ng bata sa lamang loob ng kanyang ina at ng doctor. Ito ang nagging dahilan para magsimulang mataranta ang marami pang tao sa ospital.

----End of FlashBack--------

“Yun ang sabi sakin ng isang lalaking nakaligtas mula sa Bayan ng Kigaya.”Pagpapaliwanag ni Dr. Matsunaga .

“kung ganun Dad, malalakas sila? Dahil isang batang babae lang ang nakakagat sa dalawang tao. at hindi manlang nila nagawang pigilan yon.” Mungkahi ni Lou.

My point si Lou. Ibig sabihin ay malalakas sila. Sabi ko sa isip ko.

“Hindi Lou. Nagawa lang silang kagatin ng isang batang babae dahil hindi pa nila alam ang pwedeng mangyari sa taong makakagat nito. Sinubukan lang nilang pigilan ang bata at hindi pumasok sa utak nila na patayin ito.” Sabi ni Dr. Matsunaga  

“pero Dad, diba nakagat nya ung ina nya? Ba’t di pa sila nagiging zombie?”

“base sa pag-aaral ko. Pagkatapos ka nilang kagatin ay my isang oras ka pang natitira bago ka tuluyang maging zombie. Medyo mtagal ang pagkalat nito sa katawan.” Si Dr. Matsunaga.

“Salamat Dad sa mga impormasyon” si Lou.

“OK lang yun anak. Mukhang hindi naman kayo mahihirapan dahil ang mga zombie ay hindi nakakakita at nakaka-amoy. Hindi rin sila nakakatakbo. Ang tanging nagagawa at kaya lang nila ay makaRinig ng tunog. Kaya kung sakali ay iwasan nyo ang paggamit ng baril dahil sa oras na makarinig sila ng tunog ay lalapitan nila yun.”

“mabuti naman po kung ganun.” Sabi ko.

“so, my tatanong pa ba kayo?” si Dr. Matsunaga.

“wala na Dad. Salamat.”

“anytime son. Take care.”

paalis na kami ni Lou ng biglang magsalita si Dr. ….

“Lou at Drew, maghanda na kayo dahil malapit na sila. Maaaring isa sa mga araw sa linggong ito ay dadating na sila.” Nagkatinginan lang kami ni Lou at nagNod lang.

------------------------

Comment naman po jan? xD

ok lang po ba? :D

'sa next chapter po ay magsisimula na ang apocalypse. :D

thanks for reading. ^0^

@FrancesChance98

Deadman Walking (Zombie Apocalypse) O n G o i n g (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon