Whatever happened , it happens for a reason.
Kaya kahit ano mang mangyare
Gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang
Malaman ang rason at ang sagot
-TriciaHer's Pov
"Mag kano pa ang kulang?"
Tanong ni tanda"Limang libo pa."
"Limang libo nalang Per, hindi mo pa nahagilapan?"
Talaga tong si tanda, akala ata't nag tatae ako ng pera? Oh nangingitlog ng gintong itlog. Kung ganun ang lagay edi sana hindi ako papasok sa ganitong walang kwentang trabaho.
"Hindi naman ako mayaman, puro pa ako utang, saan ako kukuha ng pera?"
"Aba' y ewan ko sayo, wala akong pake elam. Bahala ka't mag hanap ng pang bayad sakin."
"Oo na, manahimik kana."
"Kung gusto mo Per, pwede ka namang maging baba—" alam ko na to, matandang walang pinagkatandaan talaga tong hayop na to eh. Kaya dapat pigilin na ang walang kwentang lalabas sa bunganga nya.
"Ayoko ng sugar daddy, wala akong balak, ayoko nang gurang na kagaya mo." Pang aasar ko pa.
"Ang arte mo, sige na sige na, umalis ka na dito, ang pangit mo." Pang aasar din nito.
"Sabihin mo muna yung pangalan ko." Pag hahamon ko dito.
"Per"
Napangisi nalang ako ng marinig ang palayaw na ginawa nya sakin.
"Hindi, dapat yung tunay!"
"Per... peripi.... Ay alam ko na!"
"Sige ano?"
"Per...peripinyos! Oo hahaha tama! Peripinyos!"
Tatawa tawa pa sha habang binabanggit ang pangalan ko Daw!"Haysss, pa ka parin talagang kwenta."
At tuluyan na kong nag lakad paalis, marami pa shang sinasabi paulet ulet na binabanggit ang pangalan ko na puro naman mali.Ganun na ba kahirap bigkasin ang pangalan ko?
Parang perfid— naputol ang pag kausap ko sa isip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko, at ng makita Ang tumawag, talagang umikot ng 360 degree ang mata ko."Psh! Eto nanaman tayo!"
Wala akong magawa kung hindi sagutin ang tawag, na may roong napakagandang pag bate.
"Hoy babae! Ano na? Asan na yung utang mo? Antagal tagal na nun?"
Sabi na sa inyo ang ganda ng bungad nya, parang sunog na pancakes sa almusal. O kaya naman french fries na binabad sa tubig. Ang sarap diba?
"Wala ka bang balak mag bayad?!"
"Wala—ay este meron shempre, easy lang madam. Ngayon kase kaylangan ko munang mag hanap ng mapag kikitaan, wala pa ako trab—"
"Anak ka ng putang kuting! Ilang buwan mo na yang sinasabi! Kaylangan ko na ng pera ko bukas ng gabi" at saan naman ako kukuha ng pera? Nakoooo naman!
"Pwede bang exte—" luh pinutol na naman yung paawa lines ko!
"Pasensyahan tayo, kung hindi mo ako mababayaran, ipapahuli kita sa pulis!" At tuluyan na ngang binaba.
"Pwede naman akong mag tago— charottt!!! Hays self saan ka na kukuha ng pera, ang akala mo naman sa babaeng yun, ilang buwan daw ehh nung lunes lang ako nangutang, huwebes palang ngayon."
"Luh girl, tignan mo yun oh, kinakausap yung sarile."
"OWmHemJhg! Oo nga, iz shes baliwz?"
Napatigil ako sa pag sasalita ng may dalawang mahaderang naki epal at pinag uusapan ako.
Dahan dahan ko silang nilingon, at bwah! Nag iwas agad, tamang titig lang sa kanila, habang unti unting binabaling ang ulo ko sa kaliwa kong balikat, lumingon naman silang dalawa at mukang natakot dahil dahan dahan din akong ngumiti , yung ngitian ng mga baliw, sabay sabing
"TAKBO!"
Nag titili namang tumakbo yung mga babae, huh! Akala nila sakin ah.
Hays, mag kakaila pa sana ako na walang trabaho, kaso wala eh, pero may trabaho ba talaga ako? Hindi ko na alam. Bukod kase sa pag snatch ng mga bag, selphon, mga wallet ehh wala na akong ibang raket.
*kruickkk~~*
Habang nag lalakad bigla nq nanamang may umapela, yung tyan ko! Gutom na ako, tamang kapa lang sa bulsa pero ang ending...Wala! Walang laman."Pag ka kaalam ko meron pa akong pera ah?"
Ahh alam ko na!
"Bwiset talagang matanda yun! Epal! Kinap kapan nga pala ako kanina tapos...arghhhh!!"
Sa sobrang inis pumunta nalang ako sa nag bebenta ng kwek kwek, okay balik muna sa gamaing KKPDBY!
"Ate anong sa inyo?" Tanong nung tindero.
"Ano...kukuha nalang ako kuya." Mejo madami dami naman yung bumibile, kaya makaka KKPDBY ako,hehehe.
Habang padami ng padami, halos mapuno na ang pwesto, kase saktong labasan na ng mga estudyante, habang nakain simpleng umaatras ako, paalis na sana ng masanggi ko yung isang babae.
"How dare you!" Eto na naman ho tayo!
"Hindi sadya." Simpleng sabi ko pero ewan ko war freak ata.
"Don't you dare turn your bac—" dahil nakakain na ako, derederetcho lang, wag lilingon, kase baka pag bayarin.
"Sweetie buchi, don't shout na, just don't mind her."
Luh
"Eiiihh kashee sweetie buchi erhh"
Yak
"Just focus on me okay?"
Mas binilisan ko pa ang pag lalakad dahil sa pandidire sa kanila, ang malas ko naman ngayon, psh, mag hihiwalay rin kayo. Mahal mahal ano bang
Mang yayare pag nag mahal ka?Napatigil nalang ako ng pumasok na naman sa isip ko ang bagay na yun, ano nga ba ang mang yayare kapag nag mahal ka? O may nag mahal sayo? Napahinga nalang ako ng malalim.
Bahala na yan, basta ang kaylangan ko ay ang mabuhay, mag karoon ng pang pa alis ng gutom ko.
Hi 👋 this is your Binibining Tricia! I just wanted to say thank you.
![](https://img.wattpad.com/cover/282553754-288-k132750.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll take you to church
RomanceShe just wanted to be loved She just wanted to feel worth it She just wanted to feel the happiness she had never felt before She just wanted to have a normal life, like the other people have. She just wanted to have a family she can trust and sta...