0.3

1 0 0
                                        

"Don't underestimate
Someone you don't know.
You don't know them, so you don't know
What they can and cannot do"
-Your binibina Tricia

Nag mamadali akong tumatakbo, madaling araw palang, pero nasa kalsada na agad ako. At nag

"MAG NANAKAW!" Sigaw ng babaeng inagawan ko ng bag. Pero pasalamat nalang ako at may malapit na eskinita dito, at kabisado ko rin ang lugar na to, kaya madali lang saking takasan yung mga taong humahabol sakin.

Nang mapagod ako kakatakbo, dumeretcho muna ako  sa eskinita nila Bargong, kasa kasama ko siya sa pang hahablot, isa rin siya sa bata ni Tanda.

"Oh, Per, mukang kelangan mo na naman ng matataguan, ah?" Si Bargong.

"Oo, Gong, saglit lang naman, napapagod na ako eh. Ang bibilis tumakbo nung mga lalaki, nag uunahan ata makuha yung bag na hinablot ko. Palibhasa kagandahan yung may ari nito."

Sabi ko, with matching taas pa ng bag, na para bang proud na proud.

"Supenghiro daw sila."

Natigilan ako

Tama ba yung pag kakarinig ko?

"Ano?" Tanong ko.

"Supenghiro daw sila kase." Sagot pa nito na para bang normal lang.

"Bargong naman!"

"Bakit? Tama naman ako, Supenghiro."

"Mali nga kase!"

"Supenghiro, Supenghiro. Supe—teka anong mali?"

"Superman kase!"  Pag tatama ko sa kanya.

"Ahh, supengman pala." Sabi naman nito na parang natauhan.

"Superman!"

"Supengman."

"Mali parin! Ganito ah gayahin mo yung sinasabi ko."

"Sige , sige!"

"Su."

"Su." Sagot naman nito

"Per."

"Per"

"Man."

"Man."

"Super man."

"Supengman!"

Ay bonak! Dahil nga sa paulet ulet lang kame, inalisan ko nalang siya. Ma babaliw lang ako dun kakapaulet ulet sa kanya, hanang siya paulet ulet binabanggit yung supengman na salita.

Pumunta nalang muna ako sa bahay ni Tanda, at ibibigay ko sa kanya yung bag. Pag dating ko duon ay ka agad namang kinompyut ni tanda ang lahat nang laman ng bag.

"Bale 15,999" sagot ni tanda.

"Hindi mo pa ginawang 16 thousand, kulang lang naman ng piso eh." Pag rereklamo ko.

"Alam mo bata, sa panahon ngayon, ay wala nang libre, kada sentabo ay mahalaga, lalo na sa mga katulad kong kapos."

"Nakooo, sabihin nyo masyado kayong maganet."
Pabulong kong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll take you to church Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon