Sammy's POV~
Agad ko namang binitawan si kuya at nag bow habang naka please sign sa kanya. "Sorry po, sorry po, sorry po, sorr----" napansin kong nagsimula na siyang maglakad palayo. Nye. Di ako pinatapos. Mukhang galit pa rin.
Tumingala na ako sa pagkaka bow ko kasi naglakad na siya palayo. Huhuhu. Sorry na nga ihh. Tapos habang papunta na siya sa sala, yung parents ko at yung isa pang pair ng mag-asawa (siguro kasama sila sa bisita) pinagtatawan pa rin ako sa kashungahan ko.
"Sammy come here." Tawag sakin ni mommy. "Sorry mom, I really thought that it was dad so I hugged him. I really didn't me---" naputol ni mommy yung sasabihin ko nung bigla siyang nagsalita "It's okay, don't worry, sit down na" Sagot ni mama.
Umupo na ako sa tabi ni mama at sinubukan kong tingnan yung niyakap ko kanina, ayun katabi siya ni daddy. Salubong kilay niya. Mukhang naiinis pa rin sa akin. Yari. Tsk. Wait? He looks familiar. Hmmm. Pointy nose, white skinned, matangk--- "Hala!" Bulong ko sa sarili ko. Siya si monggi! Yung nakasagutan ko kanina! Ala ey! Whhhaaaa!
Napatingin siya sa direksyon ko pero agad naman akong nakaiwas ng tingin. Bakit siya nandito!? Is he really planning to murder me!? I'm doommeeeddd! (TToTT)
"Sammy?" Narinig kong tawag ako ni dad. "Y-yes Dad?" Pinipilit kong umiwas ng tingin sa katabi ni dad. Yikes! "They are Mr. and Mrs. Dela Cruz." Sabay turo niya sa mga nakakatanda na mag-asawa. "And this young man here beside me is their eldest son." Opo dad, kilala ko po siya. Kilala ko po! Huhuhu. Wait. Eldest? Asan yung bunso? Siya nalang po yung ipakilala niyo sa akin! Huhuhu.
Nginitian naman ako ni Mrs. Dela Cruz tapos inabot yung kamay niya. "Call me Tita May." Sabi sa akin ng mama ni Monggi. Inabot ko yung kamay niya at nginitian din. "Call me naman Tito Pogi." Sabi naman sakin ni Mr. Dela Cruz. Eh? Tito pogi? Ehehehe.
"Ice, stay here with Sammy. We're just going to have some small talk about our business. Okay?" Sabi ni Tito Pogi kay Monggi. Wait, what? Iiwan nila kami dito? Whaaa! Hindi hindi!
"Mom, pwede sama nalang ako sa inyo ha? Mom?" Nagmamadali kong tanong kay mama nung saktong papaalis na sana sila papunta sa kung saan.
"Sammy, you should accompany and entertain Ice. Besides you don't know each other that much yet. So I guess you could talk to each other, he could also be a friend you know." Accompany? Entertain? Benemen yen oh! Ah, alam ko na! Sasabihin ko may lakad ako ngayon sa mall! Tama tama! "Mom may lakad ak---"
Tumakbo ako papuntang garahe para maabutan sila mom, wala na kasi sila sa living room. "Mom! Mom!" Whaaa! Nakaalis na sila. Ehhhh. Ah! Magpapalusot na lang ako kay Monggi na may lakad ako! Yun yun! Tumakbo ako papasok ng bahay at hinarap si Monggi.
Tumingala naman siya sa akin. "A-ah eh, anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako tapos umiling bago nagsalita. "You really are'nt a good listener huh?" Sabi niya, ahh so yan yung pangalan niya? Ang panget naman ng pangalan nito.
"Ang panget naman ng pangalan mo." Sabi ko sa kanya. Hehehe. Alam ko namang di niya pangalan yun eh. "Aish! That's not my name you egghead! My name is Isaac Zachary Dela Cruz. Contented?" Egghead daw ako? Hmmmp! Ice ka naman! Yelo! Heheh. Kalimutan niyo na lang po yung joke ko. Ibaon na sa limot dahil corny (-.-)
"Uhmm Zachy may la--" pinutol ni yelo yung sasabihin ko kasi bigla siyang sumabat. "Wait what? What did you call me?" Sabi niya ng naka kunot ang noo. Ihhh! Bakit? May nasabi ba akong mali? Zach lang naman sinabi ko eh. Cute naman yun ah? "Z-zachy?"
Bigla siyang tumayo. Ngayon nasa harap ko na siya. Whaa! Kalula, ang tangkad eh! Ba't ayaw niya ng Zachy? Cute naman ah.
"That's not my nickname. You could just call me Ice or Isaac you know?" Him
"Eh ok lang naman yun ah! Zachary yung name mo, for short Zachy. Divahh?" Sabi ko sa kanya with beautiful eyes (^.^)
"Psh. It sounds so gay." He said habang nagro-roll eyes. Nye? Eh mas bakla nga yung ginawa niya.
"Ok lang yun! Sound lang naman eh. Diba diba?" Sabi ko sa kanya habang tinataas baba yung dalawang kilay ko.
"Tsss. Just don't. Okay?" Aba't? Ayoko nga. Hmmp! Ang cute cute ng Zachy ehh.
"Yaw! Yun yung tawag ko sayo!" Sabi ko sa kanya sabay cross-arms with irap. Akala mo ikaw lang ha? Maldita din ako no! (Di joke lang) Hehehehehe.
"Aish! Hard-headed! What's your name then?" Tanong niya sa akin with taas kilay. Aba aba?
Tinaasan ko rin siya ng kilay. "My name is George Samantha Buenavida" Sabi ko with proud accent. Hahaha! Boom!
"Ohhh." He said with an amused tone. "Hello there George." Sabi niya sabay abot ng kamay niya.
"Hi Zac--, Wait what!?" Sabay bawi ko ng kamay ko na iaabot ko na sana. Tinawag niya akong George? Yuck! It's too masculine! Ewan ko ba kila dad ba't kailangan pa nilang isama yun! Grrrr!
~~~~~~~~~~
Author: Yow guys! Ok ba? Hahahaha. Si Sammy yung nasa picture. Just wait for the next update. Maybe bukas?
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionDalawang magnet. Hindi yan magdidikit kung parehas silang positive, kasi dapat merong isang negative. Parang sa tao. Kapag pinagsama mo ang dalawang tao na parehas warfreak at iniwan mo sa isang lugar, baka pagkabalik mo, yung lugar na pinag-iwanan...