Invisible

56 1 0
                                    

"And you can't see me wanting you the way you want her. But you are everything to me."

Yan ang favorite line ko sa kanta ni Taylor Swift na Invisible. Title pa lang saktong-sakto na sa'kin.

Lalo pa ngayon.

Nandito ako ngayon sa lobby ng school. Pinagmamasdan siya, habang pinagmamasdan nya yung babaeng gusto nya. Yung babaeng gusto nya na hindi naman sya binibigyang pansin. Sobrang ironic ng Love. Ni hindi man lang napapansin ng gusto nya kung gaano kaganda ang ngiti nya sa tuwing dumadaan sya. Ako, hinihiling ko na sana ay para sa akin na lang ang ngiti nyang yun.

Second semester last year nung una ko syang nakita. Classmate ko sya sa isang subject. Nakita ko syang masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya. Simula nun ay araw-araw na akong maaga pumapasok para makita sya. Hindi din ako umaabsent at nag-aral ako mabuti. Nakilala na ako nang halos lahat ng mga kaklase ko at pati na ng prof namin. Maliban sa kanya. Hindi ako nag-eexist sa mundo nya.

Natapos ang sem pero para pa din akong multo na hindi nya nakikita.

Nung sumunod na sem ay kaklase ko ulit siya sa isang subject. Pero ganun pa din. Di pa din ako nag-eexist para sa kanya. Invisible pa din ako. Tulad nang dati ay masaya na akong pagmasdan syang masaya.

Natapos ang sem at ganun pa din. Invisible pa din ako. Kahit isa sa mga kaibigan ko ay wala akong pinagsasabihan ng nararamdaman ko para sa kanya.

Naging classmate kami sa halos lahat ng subjects ngayong sem. Finally! Napansin na nyang may isang AKO na nag-eexist. Naging close kami. Sobrang close na lagi kaming magkasama. Madami na ngang nag-aakala na may something kami.

Hindi ko na naiwasang hindi mahulog. Sweet kasi siya. Tapos isama mo pa yung mga asaran ng buong barkada sa'ming dalawa. Asaran kung saan ay nakikisakay din siya. Lalo tuloy akong na-fall. Ang dating crush ay naging LOVE na.

Wala pa ding nakakaalam sa nararamdaman ko. One-sided lang naman kasi ito. Pinakilala ko siya sa Best Friend ko.

PERO DI KO AKALAING YUN ANG MAGBABALIK SA AKIN SA PAGIGING INVISIBLE.

Bumalik sa panahon kung saan ay hindi ako nag-eexist. Sa panahon kung saan ay hanggang tingin lang ako.

Ang pinakamasakit sa lahat, yun yung eksenang tinitingnan ko ngayon.

Makita syang inaabot ang regalong kasama akong bumili para sa babaeng gusto niya.

Babaeng gusto niya na Best Friend ko.

Best Friend ko kaya alam kung hindi siya gusto.

Hindi siya gusto kaya pumayag akong maging tulay.

Tulay para maging masaya siya.

"She can't see the way your eyes, light up when you smile."

Tapos na yung kanta. Pero invisible pa din ako.

Dahil kahit kailan, hindi niya ako makikita sa paraang nakikita ko siya.

Hindi niya ako makita dahil may iba siyang tinitingnan.

***

Lovelove<3

-isolatedreader

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon