19:00
Kusa siyang sumuko, dahil wala rin siyang sapat na lakas para manlaban. Iniisip na lamang niyang kailangan niyang manatiling buhay kahit naubusan na siya ng rason para magpatuloy pa sa paghinga. Kailangan niyang magpatuloy hindi na para sa kaniyang sarili, ngunit para sa nakararami dahil kahit napakalala na at tila wala ng pag-asa ang sitwasyon ng bansa, naniniwala pa rin siyang may liwanag sa dulo ng madilim na yungib.
In-escortan siya ng isang Reserved Military Force officer papunta sa kaniyang quarantine room. Ang gusali na kanilang tinatahak ay mayroong labing siyam na palapag. Sa bawat palapag ay may tig-sasampung kwarto. Isang tao sa kada isang kwarto lamang ang maaaring umokupa sa mga ito. Bawat kwarto ay may numero gaya ng mga kwarto sa hotel. Pumasok siya sa kwartong nakatalaga sa kaniya. Parang hotel ang gayak ng kabuuan ng kwarto at kumpleto rin sa kagamitan. Maya-maya pa ay may narinig siyang static sa maliit na speaker na nakadikit sa pader na kaniyang bahagyang ikinagulat.
"Pagbati, Ginoong Justin De Dios. Ikaw ay naririto ngayon sa Quarantine Room 0712, ikapitong palapag ng Human Conservation Facility Building. Narito ang mga paalala at panuntunan na dapat mong sundin sa iyong buong pamamalagi rito," pag-aanunsyo ng boses sa speaker.
"Una, ikaw ay binibigyan ng labing-siyam na oras na maaari mong gamitin upang makihalubilo sa iyong kapwa. Tanging ang mga taong nasa loob ng gusaling ito ang maaari mo lamang kausapin. Maaari kang makipag usap ngunit ang pisikal na interaksyon gaya ng paghawak sa kapwa tao, pakikipag-kamay, pagyakap at pagkalbit ay mahigpit na ipinagbabawal. Mag-sisimulang mabawasan ang nakatalagang labing-siyam na oras sa iyo oras na ikaw ay makipag-usap sa kapwa mo. Maaari mong bantayan ang natitira mo pang oras sa timer na nasa iyong lamesa. Sa kabilang banda, hindi naman mababawasan ang iyong oras kapag ikaw ay nakipag usap sa mga Reserved Military Forces at mga opisyal na may katungkulan sa gobyerno dahil maaari mo lamang silang kausapin sa pamamagitan ng pagsulat at lahat ng iyong tugon sa kanila ay kanilang kokolektahin para isumite sa Communications Department," pagpapatuloy nito.
"Ngunit kahit na binigyan ka ng estado ng labing-siyam na oras sa pakikihalubilo, hindi mo ito maaaring ubusin sa loob ng isang interaksyon lamang. Ang pakikipagusap at pakikihalubilo sa kapwa ay nililimitahan lamang sa sampu hanggang labinlimang minuto kada pagkakataon. Pangalawa, kayong lahat na naka-quarantine dito ay dapat na sumunod sa tamang oras ng pagkain na siya namang iaanunsyo, kasabay ng pag-inom ninyo ng mga bitamina at pampalakas ng resistensiya. Pangatlo, kayo ay nakatakdang gumising ng 6:00 am upang simulan ang pag eehersisyo na tatagal ng isang oras na siya namang susundan ng inyong almusal. Pangatlo, lahat ng naka-quarantine ay dapat tulog na pagsapit ng 9:00 pm. Ikaapat, ang seguridad sa buong gusali ay lubos na mahigpit kaya ang anumang akto ng pagtakas ay tiyak na mahuhuli. Ikalima, ang paninira at pagsasalita laban sa gobyerno at mga nakaupong opisyal ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang sinumang lumabag sa mga panuntunang ito ay paparusahan sa dalawang paraan ng walang paglilitis; una, maaari kang ipatawag ng Presidente sa palasyo upang kaniyang personal na parusahan o di kaya'y maaari kang ipadala sa isa sa mga laboratoryong pagmamay-ari ng gobyerno upang maging human subject sa mga siyentipikong pag-aaral,"
"Nawa'y malinaw ang lahat ng mga panuntunan sa iyo. Ang oras ay ginto kaya ang sinumang biniyayaan nito, maski limitado, ay maituturing na may pribilehiyo," pagtatapos nito.
Iniwan na si Justin ng kaniyang escort at ang kaniyang pinto ay awtomatikong sumara kasunod ng pag-alis nito. Naramdaman na naman niya muli ang kaniyang mga luhang nangingilid sa kaniya mga mata. Umupo siya sa dulo ng kama at napatulala. Hindi niya magawang makapagluksa ng maayos. Kakamatay lang ng kaniyang mga natitirang kapamilya ngunit siya naman ito ngayong tila papatayin sa kalungkutan at pag-iisa. Tumingin siya sa timer na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Wala pang bawas ang oras. Tinitigan niya lamang ito ng ilang oras hanggang sa marinig niya ang anunsyo sa pagtulog.
"Itutulog ko na lang muna ito. Ganito naman palagi 'di ba? Baka sakaling makalimutan ko ito pansamantala pagkagising bukas," sabi niya sa kaniyang sarili.
"Mababawasan kaya ako ng oras pag kinausap ko yung sarili ko?" Saglit siyang nag isip. Tumingin ulit siya sa timer at napansing hindi gumalaw ang oras.
"Okay, hindi counted," Napanatag siya kaya siya'y humimbing na sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
No Limits: A JoshTin Fanfiction
FanfictionA story of two men who were victims of oppressive and exploitive government, both struggling to survive the misery of losing their loved ones because of an incurable viral disease. Josh Cullen Santos and Justin De Dios were quarantined in a Human C...