19:46
Nagising sa morning alarm si Justin. Hindi siya nakatulog ng maayos at higit sa lahat, hindi siya sanay sa lifestyle na pwersahang pinapa-adapt sa kaniya. Puyat buong gabi at pagkatapos ay kailangan pang mag ehersisyo sa loob ng isang oras pagkagising. Nanghihina ang buong katawan niya. Hindi siya makakilos ng maayos.
Pumunta siya sa fitness corner ng kaniyang kwarto at nagsimulang magthreadmill ng mabagal.
"Hindi ba pwedeng kumain muna? Naiiyak na ako," mahinang reklamo ni Justin.
"Kakasimula pa lamang ng iyong isang oras Ginoong De Dios. Kailangan mo itong tapusin kung gusto mong makapag-almusal," sabi ng boses sa speaker.
Kahit hinang hina ay tinapos ni Justin ang 30 minutos na threadmill at tig 15 minutos na sit-ups at push-ups. Maya maya pa ay nag anunsyo na ng almusal. Lahat ng naka-quarantine ay hinahatiran ng pagkain at bitamina ng mga Reserved Military Officers sa kani-kanilang mga kwarto. Babantayan sila ng mga ito upang siguraduhin na mauubos nila ang pagkain at maiinom ang mga gamot. Bawal ang magtira ng pagkain at bawal ding tanggihan ang pag-inom ng gamot dahil ang sinumang lalabag dito ay tatanggap ng karampatang parusa.
"Hay ang boring. Ano bang pwedeng gawin dito? Pwede naman akong makipag-usap diba? Wala pa namang bawas sa oras ko," napagpasyahan ni Justin na lumabas ng kwarto at maglibot sa gusali.
"Sino kayang pwedeng kausapin?" Bulong nito sa sarili habang naglalakad.
"Ayy sorry po...hindi ko po sinasadya-" agad siyang hinila ng kanyang nabangga sa isang sulok ng gusali.
"Sorry po talaga, jusko nabangga po kita. Mapaparusahan ba tayo nito?" Nag aalalang tanong ni Justin.
"Hindi." Matipid na sagot ng binatang naka-hoodie. "Hindi mo naman sinasadya," dagdag pa niya.
"Pero hinila mo ako-"
"Hinila kita sa damit, hindi yun counted,"
"Bago ka lang dito noh?" Tanong ng binata kay Justin.
"Oo. Kahapon lang ako dinala dito. Bago ka din?"
"Magli-limang taon na ako dito. Josh nga pala," pagpapakilala nito.
"Justin," saka niya inilahad ang kaniyang palad na akmang makikipag-kamay.
"Ayy sorry bawal nga pa-" laking gulat niya ng makipag-kamay sa kaniya si Josh.
"Wag kang mag-panic. Walang CCTV dito, hindi rin nahahagip ng mga security cameras ang lugar na to."
Hindi alam ni Justin kung paano kakausapin si Josh dahil mukha itong seryoso. Sa kakaisip ng magandang topic na pwedeng pag-usapan, hindi niya namalayan na ilang minuto na pala siyang nakatitig kay Josh.
"Hello?" Tawag ni Josh sa kaniya at kinawayan siya sa mukha.
"Sorry ulit, oo. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos."
"Pwede ka namang bumalik sa kwarto mo. Matulog ka ulit."
"Pero ayokong matulog eh. Hindi ako komportable."
"Ano bang gusto mong gawin?"
"Gusto ko sanang makipag-usap pero hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan," paliwanang ni Justin.
Umupo si Josh sa malamig na sahig at inaya niya si Justin na maupo rin.
"Kamusta ka?" Tanong ni Josh sa kaniya.
"Sa totoo lang, hindi ako okay. Ayoko dito. Ayoko na pinepwersa akong kumain ng sobrang aga. Tapos yung pagkain na ihahanda sayo, hindi naman totoong pagkain,"
"Anong ibig mong sabihin sa hindi totoong pagkain?" May halong pagtataka sa tono ni Josh.
"Three years ago, wala ng authentic na bigas. Lahat ng bigas ngayon sa merkado ay ginawa nalang sa laboratory. Pati mga gulay at karne. Lahat ng palayan at bukirin ay nabili na ng gobyerno, yung ibang lupain naman ay sapilitang inangkin sa mga magsasaka,"
"Aanhin naman nila yung ekta-ektaryang lupain na yun?"
"Edi pinatayuan ng mga quarantine facilities at laboratory. Yung iba naman pinatayuan ng condo at subdivision." Kwento ni Justin. Hindi makapaniwala si Josh sa mga naririnig niya tungkol sa mga nangyayari sa labas.
"Ano pa? Ano pang mga nagbago sa labas bago ka dinala rito?"
"Dun naman sa mga karne, kaya wala ng totoong karne ay dahil naging prone na din sa viral infections ang mga hayop. Nagiging mode of transmission na din ng sakit ang pagkain ng karne kaya nagdesisyon ang gobyerno na ideklarang unsafe for consumption ang lahat ng karneng hindi galing sa mga laboratoryo," dagdag ni Justin.
"May tao pa ba sa labas?"
"Wala na. Lahat ng natitirang tao sa bawat siyudad at probinsiya ay naka-quarantine na. Sa distrito namin, ako na ang pinakahuling dinala rito. Hindi ko lang alam kung may nakatakas para magtago,"
Napatingin si Josh sa kaniyang relo. "Fourteen minutes na ang nakalipas. Kailangan ko ng bumalik," paalam niya.
"Teka may relo ka?"
"Oo. May ganito ka rin. Hindi mo lang siguro napansin sa lamesa mo. Sa susunod isusuot mo yun kada lalabas ka para nababantayan mo ang oras mo,"
"Sige, salamat sa oras," pagpapaalam ni Justin.
Biglang gumaan ang pakiramdam ni Justin pagkatapos ng pag-uusap nila ni Josh. Pakiramdam niya ay isang toneladang bagahe ang kaniyang nailabas. Iba pa rin talaga kapag may napaglalabasan ka ng sama ng loob, hindi naiipon at hindi mo kailangang kimkimin sa iyong sarili.
"Sana makausap ko pa siya ulit sa susunod,"
BINABASA MO ANG
No Limits: A JoshTin Fanfiction
FanficA story of two men who were victims of oppressive and exploitive government, both struggling to survive the misery of losing their loved ones because of an incurable viral disease. Josh Cullen Santos and Justin De Dios were quarantined in a Human C...