A/N: Banana Crescencio is the third book of mine, characters and scenes are connected to my previous book so I suggest reading the first and second books.
— —
Tulala, nakatanga, laglag ang panga at nanglalaking mata na kulang na lang ay maglaway ako ngunit kadiri iyon.
Iyan lamang ang mailalarawan sa itsura ko ngayon habang nakatingin sa grupo ng apat na kababaihan.
Sino ba namang hindi mabibighani sa gandang babae na nakikita ng mga magaganda kong mata?
Ah, basta. Maganda ang lahat sa akin.
Nandito lamang ako sa loob ng isang Coffee Shop ni Ate Toni. Ano pa nga ba ang ginagawa dito kung hindi ang magkakape, hindi ba? Magtaka ang karamihan kung narito ako para mag aral.
Maraming tao dito na madalas ay tambay lang para sa libreng pa-WiFi. Ang iba ay abala sa pagtatrabaho, ang iba ay ginagawang tagpuan ng mga mag iirog na akala mo ay hindi na maghihiwalay.
Si Ate Toni naman ay ang pinsan ng matalik kong kaibigan na si Alexandria the great.
May kasama kasi si Ate Toni ngayon dito sa Shop niya na hindi ko naman mga kakilala. Ngayon ko lang sila nakita na kasama ni Ate Toni.
Dahil sa masyado akong nabibighani ay hindi ko mapigilan ang sariling hindi matitigan ang isa sa kanila kung saan sila nag uusap ng seryoso ngayon.
Bakit ngayon ko lang nakita ang binibining ito?
Ayaw ba siyang ipakilala ni kupido? Magrereklamo ako 'pag gano'n.
Paano kasi ay isa sa kanila ang siyang nakakuha talaga ng aking atensyon. Mahal ang atensyon ko na hindi basta-basta makukuha ng iba ngunit siya ay basta na lang nakuha ang interest at atensyon ko na akala mo isang bagay na paborito ko sa mundo.
Gano'n kadali? Tunog may mahika.
Mukhang malala na ata ako. Para akong sinaniban bigla ng katangahan sa katawan.
Pero kung susuriin, mahaba ang buhok ng babae at kulay ash gray kung matatawag. Nakasuot pa siya ng simpleng white crop top at lumang pantalon habang nakaboots ito ng flat. Matangkad ito at mapapansin sa galaw niya na mayaman ito ngunit simple.
Ang simple.
Pero gano'n din niya ka-simple nakuha ang mala-ginto kong atensyon.
Kung mayaman ito ay mahihiya ako dahil bente lang ang lagi kong dala.
Ngunit isa lang din ang masasabi ko.
Nakakabihaghani talaga ang presensyang hatid nito sa akin. Lalo na ang mga mata nitong kagulat-gulat sa sobrang pagkinang dahil sa itim na itim nitong mata. Bilog na bilog ang mata nito at nag mamalaking mga panga at mapupulang pisngi at kulay rosas na labi.
Hindi lang naman siya ang nag iisang tao na may gano'ng kulay ng mata pero... pero bakit sobrang ganda ng kaniya?
Bakit mayroong kakaiba sa mata nito. Parang may nakakubling takot sa likod ng pagkaitim ng kaniyang mata.
Kung ano man iyon ay ayoko munang isipin at pansinin.
Oh kupido, siya na ata ang aking iniirog! Tama ka ng pag pana! Tamang sa akin mo siya pinakita.
"Sa tingin ko ay malalaglag na ang mga eyeballs mo sa sobrang pagtitig mo diyan kay Miss Dela Merced." Nagulat man sa presensya ni Patrice ay hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin sa babaeng siguradong magiging aking iniirog sa future.
BINABASA MO ANG
Banana Crescencio (ViPe Series #2)
Action³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characters and scenes are connected to my previous book so I suggest reading the first and second books. [Date Started: August 27, 2021] [Date Finis...