A/N: A warning! Pakatandaan na ang chapter ay minsan may strong language. Ang iba ay hindi magandang eksena para sa ibang mangbabasa na p'wedeng maka-trigger sa iba. Btw, please read at your own risk!
Banana
Parang nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa pag aalala at sa munting galit na ngayon ay kinakain na ako ng buo.
Pero pinilit kong pakalmahin ang sarili hanggang sa marating namin ang lugar na kung saan gaganapin ang misyon kasama ang mga kaibigan ko.
Mabilis akong lumabas at hinanap kung nasaan sila Elliot. Kaninang nasa byahe ay nagsabi ito sa text na nakarating na sila rito kaya saan sila naka-p'westo? Gustong-gusto ko na siyang makausap.
Kita ko naman ang ibang mga pinapunta ko rito na nasa mga tabi lang. Enough para hindi sila mapansin at para hindi malaman na may mga tao rito sa labas.
Iniwan ko sila Alex nang hindi na nagpapaalam. Basta lumapit ako sa nakitang mga tao para magtanong.
"Madam, nandito na po pala kayo." Tumango ako.
"Nasaan si Elliot?" Lumingon naman ang lalaking nilapitan ko tsaka tinuro ang sasakyang itim na hindi gano'ng halata. "Salamat."
Nagmamadali ay nilapitan ko ito. Alam kong may tamang oras para kausapin siya patungkol kay Victoria pero hindi na ito makakapaghintay pa hanggang bukas.
Tamang-tama naman na lumabas ito ng sasakyan niya ng marating ko na siya.
"Elliot." Tawag ko sa kaniya na ikinalingon niya.
"Saging, nandito na pala kayo. Kumusta si Alex? Okay lang ba siya?" Tumango ako sa kaniya. "Handa na ba siya-"
"Elliot, I fucking need to talk to you right now! Hindi tungkol sa misyon ngayong gabi." Madiin at nagpipigil ako ng emosyon ko. Sa sinabi kong iyon ay natahimik siya at biglang nagbago ang emosyon sa mukha. "I did tell you a while ago na sabihan mo ang mga tao mo na magsabi sa akin agad-agad 'pag may problema!"
"Ano bang nangyayari, Banana?" Napahila ako sa sariling buhok sa sobrang inis. Maski siya ay walang alam?
"They are moving and giving a shit to Victoria! Bakit nila pinapabayaan si Victoria?! I told you and them not to let those fucking men na lumapit sa kaniya!" I am so fucking worried about Victoria. Ang layo at hindi na nga ako makaalis at this moment para puntahan siya tapos ganito pa sila?
"Banana, kalma-"
"Paano ako kakalma?!" Napatulak ako sa kaniya when he's about to touch me. "Pambihira, Elliot!"
"I will talk to them after this-"
"You should, Elliot! Kasi 'pag ako ang kakausap diyan sa mga tao mo ay baka mapatay ko lang sila sa inis!" Alam kong halata ang pagiging gigil ko sa oras na 'to pero dapat ay maintindihan niya ako.
Magsasalita pa sana siya pero may dumating na isang grupo at nagtanong sa kaniya para sa gagawin nila.
Hindi ata nila napansin na may pinag uusapan kami ni Elliot.
"Madam." Sumaludo ang grupong dumating ng makita at makilala ako. Pambihira naman, oo. 'Di ba sila marunong makiramdam?
"Is everyone ready?" Tanong ko na lang kahit gusto ko silang sigawan at pagsabihan. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko at totoo rin na hindi ko kailangan na mag isip muna ng kahit ano dahil paniguradong makakasira ito sa misyon ngayong gabi.
"Yes, Madam."
"Mabuti." Nakinig na lang ako sa mga sinasabi ni Elliot sa kanila habang kino-compose ang sarili na umayos na at huwag munang mag isip ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
Banana Crescencio (ViPe Series #2)
Action³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characters and scenes are connected to my previous book so I suggest reading the first and second books. [Date Started: August 27, 2021] [Date Finis...