NASAAN SI NENA
freestyle. walang pantigan. anim na taludtod bawat saknong. orig ko 'to kaya parang eng-eng lang. pero basahin niyo haha. (pero yung picture hindi galing sakin. credits.)
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Nasa tarangkahan
Siya'y palakad-lakad
Kami'y naghahabulan
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Nasa tindahan
Tumitingin ng manika
Habang nangingislap ang mata
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Nasa bakuran
Naliligo sa ulan
Ako'y inaya niyang magtampisaw
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Naglalakad sa daan
Patungong paaralan
Kami'y naglakad nang sabay
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Nasa balkon ng bahay
Pinipilahan
Ng mga manliligaw
Mula sa malayo'y aking tanaw
Angkin niyang kagandahan
Pagsuyo sa dibdib ko'y nananahan
Pansin niya'y kailan ko makakamtan
Pagsinta ko'y nais kong masuklian
Lihim man, pagtingin ko'y 'di gugunaw
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Nasa pasyalan
Kasama ang katipan
Sila'y nagtatawanan
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Ako'y tinatangisan
Sila'y naghiwalay
Ng taksil niyang katipan
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Nasa sasakyan nakalulan
'Di man lang nagpaalam
Sa malayo siya mag-aaral
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Maglilimang tao na yata
Nasa Maynila
Kung gabi'y naiilawan
Sa umaga ay pawisan
Mukha'y nababalutan
Ng koloreteng kakapalan
Kung pangkubli ay mainam
Sa sinapit niyang kabiguan
Sa Maynila ay nalinlang
Binilog ang kanyang isipan
Siya'y muling nakita
Para siyang manika
Habang nangingislap ang luhaang mata
Para akong masisiraan
Naudlot na pagmamahalan
Hindi na namin madudugtungan
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Doon sa entablado'y sumasayaw
Tinitingala ng kalalakihang
Tinatawag ng laman
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Landas niya'y naligaw
Sa nagdidilim niyang buhay
Abutin ko man ay...
Nasaan si Nena
Hindi ko siya makita
Kaya nagtanong ako sa iba
Nasa likod ng tanghalan
Ang aking sinisintang
Nahantong sa pagiging aliwan
Nakita niya ako
Nakita ko siya
Sa pagkabigla niya'y siya'y namutla
Ako'y niyakap ng kanyang katawang
Mumunti ang kasuotan
Ako'y nagpumiglas habang nagtitiim-bagang
Labis na sakit sa akin ang iyong ipinaramdam
Ngunit ang tanging nagawa ko ay labis na sa 'yo ay magmahal
Sana'y 'di na tayo pinagtagpo kung ito ang kahahantungan
Mahal kita ngunit tulad ng kandila ako'y upos na
Salamat na lang sa ipinabaon mong alaala
Ngunit hindi ang tangi kong pag-ibig ang iyong dapat matamasa
Akala ni Nena ako na ang pag-asa
Upang makawala sa mga tanikala
At maiparamdam sa akin ang pagmamahal niya
Ngunit tulad ng kandila pag-asa niya'y natunaw na
Kinabukasan laman ng balita ang mahal kong Nena
Nagpatiwakal si Nenang siyang lumagot sa sariling hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/35208886-288-k666691.jpg)
BINABASA MO ANG
Nasaan si Nena
RomanceIsang lalaking may wagas na pag-ibig sa kanyang kababatang si Nena. Hanggang saan? Hanggang kailan? freestyle. walang pantigan. anim na taludtod bawat saknong. orig ko 'to kaya parang eng-eng lang. pero basahin niyo haha.