Eyes III

188 11 7
                                    

All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be competent, equipped for every good work.
~2 Timothy 3:16-17

~*~

Ikatlong Kabanata

TUMAKBO ako papalayo sa kanilang gawi. Sawang sawa na kasi ako sa mukha ni Webster.

Inuumpisahan ko na ngang ibaon sa limot ang una naming pagkikita, tapos ngayon ay susulpot siya. Wala naman akong issue sa kaniya, trip ko lang talaga siyang iwasan ngayon.

Pero 'yung totoo talaga ay naiilang ako sa kaniya. Bukod sa nautusan ko siyang bumili ng period products, nagkakainitan nga kami lagi sa acads. Kaka-transfer lang niya kanina, pero ramdam kong hindi siya papatalo.

Napapasok ako sa loob ng bahay at mukhang sa kusina ako napunta. Walang katao-tao marahil ay nasa labas na ang lahat. Hahanapin ko na lang si Ate Kisse at sasabihan siyang mauuna na akong umuwi.

Naglakad ako papalabas ng kusina, ngunit napaatras kaagad ako nang bumukas ang isang pinto sa aking gilid. Napalunok ako. Paano na lang kung ang may-ari pala ito? Anong sasabihin ko sa kaniya kung bakit ako nandito sa loob ng bahay nila?

Napako na ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung babalik ako kung saan ako pumasok, baka nag-aabang na sa akin si Webster. Kung tatakbo naman ako sa harapan niya, mahahagip niya ang aking braso.

Tuluyan nang iniluwa ng pinto ang pigura ng isang lalaki. Napakagat labi ako nang sa gawi ko kaagad siya napatingin. Ramdam ko ang pagbubutil ng aking pawis dahil sa kaba.

Napatitig na lang din ako sa kaniya at ang una kong napansin ay ang kaniyang umiigting na panga. Biro lang, kaka-wattpad ko ito. 

Ang pumukaw kaagad sa akin ay ang kaniyang kaliwang mata dahil ito lamang ang mayroon siya. Kumurap kurap pa ako upang masiguradong tama nga ang aking nakita. Wala talaga siyang kanan na mata at tanging kilay lamang ang mayroon sa kanang bahagi ng kaniyang mukha.

"Sino ka?!" tanong niya at agad sinuot ang shades na nakasabit sa kaniyang damit.

"C---Cyclops!" I said out of the blue. I hate my mouth!

Hindi ko sinasadyang nasabi ko ito, nabigla lang ako. Kasi nang makita ko siya, ito kaagad ang pumasok sa isip ko. Nawindang lang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng taong iisa lamang ang mata.

"I m—mean, happy house blessing neighbor..." I stuttered.

Napangiti siya ng mapakla nang marinig niya ito. Lumapit siya sa akin at ngumisi niya. Napaatras ako nang napaatras hanggang sa tumama ako sa lamesa.

"Cynic!" dinig kong sigaw ng isang lalaki.

Napatingin kaming pareho sa gawi kung saan nangmula ang boses. Nakita namin si Webster. Kaagad siyang pumunta sa aming gawi at napalayo ang lalaking nasa harapan ko sa akin.

"What happened here?" he asked us.

Kumagat labi ang lalaking katabi ko at napahimas siya ng kaniyang baba. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin ni Webster.

"By a chance, do you know this girl?" Tanong nito sabay turo sa akin.

Webster nodded. "Unfortunately, yes. She's my classmate."

Pasimple akong napakamot sa aking batok. Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil kung anu-ano na ang napapasok kong gulo ngayong araw.

"Interesting," usal nito at sumulyap siyang muli sa akin. "Are you a neighbor, right?" He asked and I slowly nod.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon