Eyes XXVII

20 1 0
                                    

And I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus Christ.
~Philippians 1:6

~*~

Ika-Dalawampu't Pitong Kabanata

HALOS mapaos na ako kasisigaw nang mag-umpisa ang pageant. Tatlo ba naman ang sinusuportahan ko e'.

Marahil ay litong lito na sa akin ang mga taong nakapaligid dahil sa tuwing lumabas ang kaibigan kong si Aera, todo cheer ako. Maging kay Seam, halos mawalan ako ng boses. It's not bad to support two teams, right?

Naisip ko kasi, bakit ko pa kailangan pumanig sa isa kung puwede ko naman silang suportahan? Besides, Aera is my friend and Sean is my classmate. They both need my support.

Siyempre, nakiki-cheer din ako kay Webster tuwing lumalabas siya ng stage. Kahit na napakasungit niya minsan, nandito pa rin ako para sa kaniya.

"Guys, CR lang ako. Twenty minutes pa naman bago mag-announce ng mga nanalo," paalam ko sa aking mga kaibigan.

"Maghahanap ka lang ng pogi e'!" Tukso ni Xei.

"Che! Kung ihian kaya kita?" Bwelta ko.

"Kadiri ka, umalis ka na nga. Baka abutan ka pa," singit naman ni Axti.

Inirapan ko muna sila bago tuluyang mag-walk out. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko, habang tumatagal, lumalala na sila. Biro lang, ganito pa man din sila noon pa.

Anyway, dahil sa pageant na 'to at kasisigaw ko, napuno ang aking pantog. Hindi ko na kayang pigilan kaya nagpaalam na ako sa kanila.

Dumeretso ako sa pinakamalapit na comfort room. Mabuti na lang at kakaunti ang tao rito. Agad kong nagawa ang aking kailangan.

Bago ako bumalik sa aking mga kaibigan, napagdesisyunan ko munang bumili ng tubig. Nauhaw na rin ako kasisigaw. Binili ko na rin sila ng pagkain para naman ganahan pa silang i-cheer si Aera.

Pagkabili ko ng pagkain, naglakad na ako pabalik dahil ilang minuto na rin magmula nang ako ay umalis. Baka mamaya maya lang at mag-umpisa na ang announcement of winners.

Saktong paglabas ko pa lang ng pinto ng canteen, mayroong nakatabig sa aking balikat. Naging dahilan ito ng pagkahulog ng binili kong pagkain.

Pinulot ko kaagad ang mga ito at tinulungan ako ng nakabangga sa akin. Nang iangat ko ang aking tingin upang masulyapan ang mukha niya, nanlaki ang aking mga mata.

Sa sunglasses pa lang na suot niya ay kilala ko na kung sino siya. Kinompronta ko siya matapos naming pulutin ang aking pagkain.

"Hoy! Anong ginagawa mo rito?!" Agad kong tanong sa kaniya.

"Hi, Coasty," mapang-asar na bati niya.

"Trespassing ka noh?"

He chuckled. "Anong trespassing? Pinapunta kaya ako ni Webster at Yel dito kaya may permiso ako."

"Wow, supportive cousin 'yan?"

Ni hindi man lang siya nagsabi sa akin na pupunta siya. Magkatapat lang naman ang bahay namin, e'!

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon