Chapter 2

2 0 0
                                    


"Maia..." nagising ako sa malambing na boses na tumatawag sa'kin at niyuyugyog ako ng mahina kaya dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata.

"Hmm?" tanong ko naman kay Keo nang makita ko ito, siya pala gumising sakin at nandito parin kami sa may puno.

"Kakain na tayo tanghali na, ano bang ginawa mo at antok na antok ka?" tanong niya naman sakin.

"Nag aral kasi ako kagabi at ala-1 na akong nakatulog." pagsasabi ko naman sa'kanya ng totoo.

Tumango naman ito. "Kain na." sabi niya at binigay sa'kin ang nasa paper bag na dala niya kaya umayos ako ng upo, may dala din siya na para sa'kanya kaya naupo naman siya sa gilid ko.

"Saan 'to galing?" tanong ko dito nang mapagtanto na bakit may dala na siyang pagkain.

"Ah, nagpabili nalang ako kay Lilac dahil bibili naman daw siya ng pagkain niya." sabi niya kaya tumango nalang ako.

Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa sarili naming room at building dahil may tinatapos pa akong gawain para sa presentation namin mamaya.

My day turns out just like usual.

"Kanina nga akala ko zero yung makukuha ko sa quiz ni Sir sa major subject namin." pagkukwento naman ni Keo sa'kin habang naglalakad kami pauwi.

"Magkano yung score mo?" tanong ko naman dito.

"48." sabat niya sa'kin.

"Hanggang ilan ba 'yan?" tanong ko sa'kanya.

"Hanggang 50." sabi niya naman.

Natigilan ako sa sinabi niya at hinarap siya. "Huh?! 48 over 50?!" klinaro ko naman pero nagugulat ako bes.

Tumango naman siya ay tumingin sa mata ko.

"Gago ka ba? Eh buti nga 2 mistakes ka lang!!" sabi ko naman sa'kanya. Hindi ko mapagkakaila na matalino talaga 'tong si Keo kasi kahit hindi naman nag aaral ay nakakapasa naman siya kahit papano at mataas yung nakukuha niyang grado, marami ding nagkakagusto sa'kanya sa school kasi gwapo naman siya minsan nga nakakahiya nang kasama ko siya lagi kasi napapagkamalan kaming magjowa kahit kaibigan lang kami ewan ko nalang dito kay Keo kung bakit 'di pa nagjojowa.

Nang makarating kami dito sa bahay ay pumasok na ako sa gate at sumunod naman siya na ani mo'y bahay niya.

"Ma, Nay, nandito na po ako." sabi ko naman sakanila at lumabas naman ito si mama sa kusina kaya nag mano kami ni Keo at nagmano na'rin kay nanay.

"Oh anak kasama mo pala tong si Keo." sabi naman ni mama.

"Ah, opo ma." sabat ko naman dito "ma akyat muna kami ni Keo sa taas." sabi ko dito at tumango naman ito kaya umakyat na din ako sa taas sa kwarto ko kaya sumunod nalang din si Keo.

"Nakakapagod naman." sabi pa ni Keo nang maisara niya yung pinto ng kwarto ko at nahiga sa kama ko.

"Anong oras ka uuwi sainyo?" tanong ko dito.

Tiningnan niya ang oras sa relo niya. "5:30 pa lang naman kaya 7:00 na ako uuwi." sabi niya at pumikit lang ng mata.

Pumunta naman ako sa banyo para maligo nalang din at nang matapos ay nagbihis na din ako ng pajama ko at t-shirt at inilugay ko nalang din yung buhok ko.

Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita kong mahimbing na natutulog si Keo kaya kinumutan ko nalang siya at lumabas na ng kwarto at bumaba sa kusina para tulungan si mama.

Affliction EscapeWhere stories live. Discover now