chapter 2

63 6 3
                                    

“AAAAAAAAAAAAAH”

“AAAAAAAAAAAH KA RIN !! , TUMINGIN KA NGA SI DINADAANAN MO!!”

"pa--pa--p--pasensya napo sir !! " natataranta kong sabi 

"ano bang nangyayari dito , bakit may sumisigaw??"sabi ng manager

"eto KASING Waitress NYO HINDI NAG IINGAT!!! "

"ah s-sorry po sir , pasensya napo " sabi ni manager

"ppasensya na p-----" hindi ko na natuloy sasabihin ko  ng

"PASENSYA???!!!  ANO TINGIN MO SAKIN BASURAHAN NA PWEDE MONG TAPUNAN NG KUNG ANO ANO???!!!! " siya yan yung natapunan ko ng inumin

"hh--hhindi ko naman po sina-----" hindi ko narin natuloy

"ANONG HINDI??!!!"siya ulit

"k--kasi hindi ko naman po alam na-------" hindi ko ulit natapos

"ANONG HINDI MO ALAM?? HA? HA?"
Aba gago ba to ? Puoutulin mga pagpapaliwanag ko tapos ano ? Tatanungin ako ? ABA .

"PWEDE BA PATAPUSIN MO AKONG MAGSALITA??  DADA KA NG DADA DIYAN EH , HINDI MO PA NGA AKO PINAGPAPALIWANAG EH!!! MAGAGALIT GALIT KA DIYAN HINDI MO NAMAN ALAM ANG DAHILAN!!!"  medyo malakas na yung boses ko at bahagyang napasigaw na ako , kasi naman magalit galit siya eh hindi niya pa ako pinapatapos 

natahimik silang dalawa ni manager , medyo matagal din ang katahimikan .. hanggang sa nagsalita na ako 

"pasensya na po hindi ko po sinasadyang matapunan kayo ng mga inumin , at lalong lalo nang hindi ko sinasadyang may paa ng kabayo na nakaharang sa daanan ko eh , at mas lalong lalo nang hindi ko naman yun nakita dahil madilim , tanging ang disco light ang nagsisilbi kong ilaw para makita ang mga pinasisilbihan ko" hindi na ako nakapagpigil eh kaya ayun dirediretso ako ng salita. 

PPATAAAAAAAAY . TT-TT

"ppasensya na p--po" sabi ko natataranta na ako kasi ano parang nag iba nayung aurang naka palibot saaming tatlo 

"ikaw , umalis kana dito , wag ka nang magpapakita dito sa bar ko !!" sabi ni manager

"ano?  manager naman eh , alam mo namang ikaw at ang bar lang ang pag asa ko , pag hindi ako magkakatrabaho , wala din akong pera at pag wala akong pera , papalayasin ako ni manang sa inuupahan kong bahay , at pag nangyare yun saan ako titira ?"

"wala akong pakealam sayo , mamatay ka man , umalis ka nanga diyan ang pangit pangit mo , ang pabaya mo pa!!!!" sabi yan ni manager

naiiyak na ako , hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil hindi ko na alam ang gagawin ko . paano na bukas? paano nako , hindi na ako makakatulog sa isang bahay??  uy   may naalala na naman ako . Hehe

~~flashback~~

"nay , wag mo akong iwan dito"

"wag mo akong matawag tawag ng Nanay!" 

"mama , "

"pilosopo kang bata ka eh !!  hindi mo nga ako nanay o mama!!"
"Mommy?"
"Aba. Isa pa . Sasapatusin na talaga kita"

at ayun naiwan ako sa daan , na nag iisa , umuulan pa nga nun eh , wala akong masilungan.. umiiyak na ako . 

~~end of flashback~~

"hoy!!! " 

"pa-pasensya na po " wika ko , umiiyak parin ako nun

"para natanggal ka lang sa trabaho iiyak iyak ka na??"

"pasensya napo , aalis nalang po ako dito"  ako ,di ko na kaya eh 

"wag ka nga umiyak diyan!!"

"aalis na po ako"

pagkatapos nun ay tumakbo na ako , hindi ko na talaga kinaya .. tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa nakaramdam na ako ng kirot , hindi ako makahinga , kinapa ko yung bulsa ko pero wala doon ang gamot ko . hanggang sa nagdilim na yung paningin ko ..

*His P O V *

nung narinig ko yung paliwanag niya , natauhan ako , ang hirap pala ng buhay niya , lalo pa ngayon na nawalan siya ng trabaho dahil sakin ..  pagkatapos siyang laitin nung manager eh tumakbo siya paalis , umiiyak , kahit sino binabangga , basta ang alam ko eh , may dinaramdam siya ..  ewan ko ba , pero may nagtulak saakin para sundan siya ..

habang tumatakbo siya parang nanghihina siya , hanggang sa tumigil siya at may kinapa sa bulsa nya , hindi ko alam kung anong nagyari sa kanya , hanggang sa natumba siya ..  doon ko lang napansin na ang putla putla na niya , tumakbo agad ako para tulungan siya.
"MISS ? OKAY KA LANG BA?" natayaranta kong sabi habang tinatapik yung pisngi niya .
Pero ng wala akong marinig na sagot eh dinala ko na siya sa pinakamalapit na ospital ..

"kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

tumayo ako para ipaalam na ako ang kasamahan nung babae "kaibigan po niya ako " yun nalang ang sinabi ko

"kamusta na po siya?"

"sa ngayon ok na siya , inatake lang siya ng sakit niya kanina"

"ganun po ba? sige salamat po "

"sige iho , mauuna na ako "

pinuntahan ko agad yung kwartong pingconfine-an sa kanya . .  tulog pa siya nun kaya naisipan kong mag iwan na lang ng isang sulat sa kanya .. at pagkatapos nun umalis na ako ... 

~~end of His P O V~~

nagising ako na nahihilo pa , minulat ko ang aking mga mata , nagising ako sa isang di pangkaraniwang kwarto , pagtingin ko sa kamay ko , may nakatusok , nataranta agad ako  ..  napalingon lingon ako sa paligid at nakita ang isang papel sa lamesa , kinuha ko ito at binasa , 

 wag kang mag alala , bayad na ang mga bills dito sa ospital , pagaling ka ..

pagkatapos kong mabasa yon , natanong ko sa sarili ko pano kaya ako napunta dito??

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

nakalabas na ako ng ospital , parang ayoko nangang umalis doon , kasi pag doon , libre pagkain , may kwarto ka . atsaka may aircon pa , eh kung uuwi ako , may mauuwian pa ba ako?  hanggang kahapon lang palugit ni manang sakin eh ..

naglalakad na ako nun ng may sumitsit sakin

psssssst!!!

hindi ko nalang pinansin malay mo nag aassume lang ako na may tumatawag sakin , as if naman may sumitsit sakin , eh ang pangit pangit ko ... 

psssssst!!!

sumitsit ulit ..

lumingon na ako at nakita ang isang pamilyar na lalaki  

" hey how ya doin baby??"

~sige nanga!~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon