54.__REASONABLE DOUBT

102 12 1
                                    

IRISH POV

Agad akong tinawagan ng Daddy ni Nikki pagtapos nilang magkaharap at mag komprontahang mag ama. Pinaki usapan nya ako na hanapin ko daw si Nikki at baka kung saan sya magpunta.Mabilis naman akong sumakay ng kotse ko at saka nag drive papunta sa mga lugar na posibleng puntahan ni Nikki.

"Si Nikki? Wala sya dito.Ang alam ko lang,May dinner date sila ng Daddy nya. Bakit,May nangyari ba?__Miley

"Nagkatampuhan yata sila ng Daddy nya. Basta kapag tumawag sya sa inyo,Just let me know.__AKO

"Okey sige,Tatawagan kita. Tatawagan ko na din sya baka sakaling sagutin nya ang tawag ko.__Miley

"Yes please Miley,Magtawagan na lang tayo.Aalis na muna ako,Baka yung iba nyo pang friends alam kung nasaan sya.__AKO

Mula sa condo nina Miley ay sa condo naman nila Annie ako nagbakasakali pero wala din sya duon.Maging sa bar nina Kai at Faye ay hindi din daw sya nagpunta.Kahit sina Vivian at Mayette ay wala ding idea kung nasaan sya ngayon.

"Bakit mo kasi sinabi sa kanya ang tungkol sa kasunduan? May usapan tayo na walang makaka alam ng tungkol duon hindi ba?__Sir Brix

"Pero Sir,Like I told you earlier. Aksidente lang po ang nangyari. Hindi ko naman alam na basta na lang syang susulpot sa opisina ko.Na nagkataon namang kausap ko si Yani kaya nabanggit nya ang tungkol dun.__AKO

"Haaaist! Papano na yan,Siguradong galit na galit sa akin ang anak ko.Kapag hindi mo sya nakita ngayong gabi,Mananagot ka talaga sa akin!__Sir Brix

"I'll do everything Sir para matagpuan ko sya today. Kung pupwede lang po sana,Bigyan nyo ako ng chance para maipaliwanag sa kanya ang lahat.__AKO

"Anong ibig mong sabihin?__Sir Brix

"I mean,Kung sakali pong makita ko sya today. Ipagpapa alam ko po sana sya sa inyo.Dadalhin ko po sya sa isang pribado at ligtas na lugar para makapag usap kaming dalawa ng sarilinan.__AKO

"Haaaaist! Basta ibalik mo lang sa akin ang anak ko ng maayos at walang galos .Ayokong nakikita syang umiiyak at hindi ngumingiti. Ibalik mo ang SAYA sa mga mata at labi nya at ibalik mo din sa ayos ang pira pirasong puso nya.__Sir Brix

"Sir? You mean to say...Pinapayagan nyo na po akong lumigaw sa anak nyo?__AKO

"OO. Ano pa nga bang magagawa ko.Hanggang ngayon ikaw pa din ang gusto nya. At alam ko namang magmula ng magbalik ka dito sa Pilipinas,Unti unti na din nagkakaroon ng ngiti sa kanyang mga labi. At kahit na anong tago nya pa sa nararamdaman nya para sayo,Hindi mapagkakailang SAYO pa din umiikot ang mundo nya.__Sir Brix

"Pero Sir,Galit na galit pa din po si Nikki sa akin.Hindi po basta basta ganun kadaling MAPATAWAD nya ko. Sobra ko po syang nasaktan.__AKO

"Kung kilala mo ang anak ko talaga, Alam mong hindi sya mapagtanim ng galit.At kahit na anong masasakit na salita man ang ibato nya sayo,Hindi ibig sabihin nun na hindi ka nya kayang patawarin.Gawin mo lang yung alam mong tama at makakabuti, at siguradong hindi na magtatagal magiging maligaya na kayong dalawa.__Sir Brix

Mabilis pa sa alas kwatro ang paghahanap ko kay Nikki.Wala akong oras na sinayang para mahanap sya. At hindi nga ako nagkamali. Nandito nga sya sa lugar kung saan kami unang nagkita.Sa lugar kung saan parehong nakahimlay ang pareho naming mahal sa buhay.

"Nikki.__AKO

"Anong ginagawa mo dito.Papano mokong nahanap?__Nikki

"Bakit naman hindi kita mahahanap,Alam na alam ng puso ko kung saan ka matatagpuan.__AKO

"Umuwi kana.Hindi ako aalis dito.Ayoko na munang makaharap at makita ang Daddy.__Nikki

"Nikki...Natatandaan mo pa ba kung saan banda tayo unang nagkita? Kung saan kita unang nakilala?__AKO

"Ewan ko,Hindi ko na sya matandaan.Pero naalala ko na nga yung batang nakausap ko nuon.At ikaw pala ang batang yun.__Nikki

"Come on,Balikan natin yung lugar na yun.Sa pagkakatanda ko,Sa may likuran yun nung punong akasya.Ewan ko lang kung nandun pa din yun hanggang ngayon.__AKO

Hinawakan ko sya sa kamay at saka bahagyang hinila papunta sa likurang bahagi nitong simbahan. Sa may malapit sa crematorium kasi kami nagkita nuon sa pagkakatanda ko.Habang inaantay namin na ma cremate nuon ang Papa,Saktong nag aantay din ang pamilya nina Nikki sa pag cremate naman sa Mommy nya.

"Alam kong dito ka pupunta.Ang sabi kasi sa akin ng Daddy mo.Kapag daw nagtatampo ka sa kanya kapag napapagalitan ka nya...Sa Mommy mo daw ikaw tumatakbo at nagsusumbong.Kaya naisip kong nandito ka ngayon.__AKO

"Naiisip ko nga,Bakit kapag nagkakasamaan lang kami ng loob ng Daddy saka ko lang nagagawang bisitahin at alalahanin ang Mommy.Pwede ko naman syang dalawin ng madalas kung gugustuhin ko.__Nikki

"Ganun talaga,Hindi naman nating kagustuhan yun. Nagkakataon lang na masyado tayong abala sa trabaho at sa buhay natin kaya nakakalimot tayo ng madalas.Kahit naman ako,Hindi din madalas bumisita dito kay Papa. Nakikisuyo lang kami sa mga kamag anak para dalhan sya ng bulaklak nuong nasa Japan kami.__AKO

"Ibig sabihin,Kakagaling mo lang din dito? Sayo ba galing yung bulaklak na nasa puntod ng Mommy?__Nikki

"Actually,Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano na sinasakyan ko last month,Dito ako kaagad nagpunta. Dinalhan ko si Papa ng paborito nyang cup noodles from Japan.Napadaan din ako sa puntod ng Mommy mo kaya naglagay na din ako ng bulaklak sa kanya.__AKO

"Salamat.Mabuti kapa,Naalala mo syang bigyan ng bulaklak. Samantalang ako,Nakaka dalaw lang sa kanya kapag ganitong malungkot ako at saka may dinaramdam.__Nikki

"Naiintindihan ka naman ng Mommy mo eh. Alam nyang busy ka.Ang pagmamahal ng magulang natin is UNCONDITIONAL,Walang hinihintay na kapalit. Wala silang hangad kundi ang kaligayahan at ang makabubuti para sa atin.Kaya sana,Maintindihan mo din ang ginawa ng Daddy mo.__AKO

"Kung talagang kaligayahan at kapakanan ko ang mahalaga kay Daddy,Bakit ka nya pilit na inilayo sa akin? Kung alam pala nya na may relasyon tayo at masaya ako sa piling mo,Bakit kailangan nyang hadlangan yun at papirmahin ka sa isang kasunduan kahit labag yun sa damdamin mo?__Nikki

"Shhhhhh...Tahan na.Maintindihan mo sana na walang di gagawin ang Daddy mo para sayo.Ng malaman nya ang nangyari sa pamilya ko nuon sa Japan,Bigla syang naalarma.Sino nga ba namang ama ang gugustuhing magkaroon ng kasintahang mahirap pa sa daga ang kaisa isang anak nya? Kasalanan ko din naman eh,Pumirma ako sa kasunduan kahit na ang kapalit nuon ay ang paglayo sayo.Ikaw ang naging motibasyon ko para bumangon at magsikap.Ayokong humarap sayo na isang talunan.Kaya malaking factor din yung pangmamaliit na natanggap ko mula sa Daddy mo nuon.Nagkaroon ako ng tapang at determinasyon para maging matatag at hindi sumuko sa buhay.__AKO


Dito sa mismong lugar kung saan kami nuon unang nagkakilala at nagkatagpo...Ay ang lugar din ngayon na kami ay muling nagkasundo.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon