Kabanata 13

7.3K 187 7
                                    

Kabanata 13

Shocked



Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Ano ang pinapahiwatig niya sa sinabi? Na ano? Na tinatakot niya ako? Na papatayin niya kaming dalawa ni Joules? Kasi ano? Para saan at bakit niya gagawin 'yon? Hindi ko maintindihan, naguguluhan at natatakot ako sa kanya! Pakiramdam ko'y magiging totoo ang kanyang sinabi. Hindi ko alam, ramdam ko lang kasi wala siyang binantaan na hindi ginagawa.

Natatakot ako, maimpluwensya siyang tao. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Joules. Natatakot ako kasi mabait siyang tao at madadamay lamang sa akin kapag mangyari nga ang sinabi niya. Natatakot ako sa maraming posibilidad na mangyari. Natatakot ako ngunit ano naman ang magagawa ko? Ano ang pwede kong gawin upang matigil ang kahibangan ni Arviel? Ano? 

Shit, demonyo pa naman siyang tao! Walang pakialam kahit makapatay o mailibing niya ang kinagagalitan na tao. Wala siyang puso, walang awa at walang pakiramdam sa ibang tao. Kapag sakaling magkatotoo ang kanyang sinabi, then I will be dead! Maging si Joules ay madadamay sa akin. Lalo pa't kaaway niya ito sa negosyo. Siguradong kumukulo ang dugo no'n sa kasama kong lalaki.

Gigil kong tinipa ang reply sa kanya. Ang dugo ay tumataas na dahil sa lalaking iyon. Paano nga kung gawin niya? Shit, I can't imagine my cold body in grave. Oh my God! Ayokong mamatay sa maagang edad. Gusto ko pang matapos ang lahat ng mga pangarap ko. Gusto ko pang sulitin ang buhay na ito. Gusto ko pang mabuhay ng matagal. At kung papatayin ako ni Arviel, siguradong sa malamig na kabaong ang huli kong babagsakan. Umiling ako at nagtipa ng reply.

Ako:

How dare you warning me! Sino ka ba huh? Ano? Tapos na tayo, Arviel! Tapos na ang lahat sa atin! Tapos na ang kontrata ko sayo! Kaya wag kang umarte na parang pag-aari mo pa ako!

I send it immediately. Kuyom na kuyom ang kamao ko. Fuck, kung magkaharap lang kami, baka pinagsasampal ko na siya! Walanghiya! Wala talagang puso! Nanginig ang cellphone hudyat na may pumasok na text. I read it while fuming mad.

Arviel:

I still own you, Ariadna Merciless! I fucking own you! So don't you ever give yourself to that fucking damn man!

Ang hangin na binubuga ko ay mainit na animo'y galing sa kumukulong tubig. Kung galit siya, mas galit na galit ako. Shit, really? Nakakaya niyang sabihin 'to sa akin? Ang kapal talaga ng mukha niya! Ang kapal-kapal! Gusto kong sumugod ngayon sa kanya at pagsasaktan siya! 

Kaya imbes na mag-reply, minabuti kong umalis at pumunta sa kanyang condo. Nagngingitngit talaga ako sa galit ngayon. Gusto kong makita ang pagmumukha niya at pagsasaktan siya! Isigaw ang lahat ng galit hanggang sa maubos ang lakas ko at masabi ang mga hinanakit sa kanya. Shit siya! Wala siyang hiya! Ang kapal talaga ng mukha niya! Ano, hanggang ngayon gagawin niya 'to sa akin? Shit!

Nang makarating sa building ng condo niya, agad akong pumasok sa entrance. Mula sa paglalakad, pansin na pansin ko ang mga titig sa akin ng mga tao. Umuusok kasi ang ilong ko sa galit at namumula ang mukha sa sobrang galit. Kulang ngayon ang lakas niya sa ibubuhos kong hinanakit. Kulang siya sa pagkamuhi ko! Dumiretso ako sa elevator at inakyat ang floor ng kanyang condo room.

I am fuming mad right now! I want to ripped his face, to punch every bit of his face and body. Nang bumukas ang pinto, agad akong naglakad papunta sa pinto niya. Walang pigil kong pinaghahampas ang pinto ng kanyang condo. Tinadyakan ko pa iyon na animo'y siya dahil sa galit. Nang bumukas ang pinto, natigilan ako at napabuga ng hangin. 

Nakangisi siya, suot ang tiwalya sa katawan at katatapos lang sa pagligo. Bagong shave rin, sobrang bango ng kanyang amoy na kahit ang galit ko ay unti-unting natutunaw. Shit, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba nagiging ganito ako? Talaga bang magiging marupok ako habang buhay sa kanya? Bakit ang malas ko sa pag-ibig? Bakit nangyayari 'to sa akin? 

Ruthless Series: Indecent Proposal (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon