CHAPTER 5

6 5 0
                                    

"hey Fen! water sayo ayos na yun kumain ka naman sa bahay diba?"

ngumiti lang ako rito at tumango

halatang naawa saakin si kuyang waiter kaya yung pag served niya sakin may bread na kasama

nag pasalamat ako sakaniya

"Fen! Come here! Bilihan mo ako roon sa labas ng milktea okay? bilisan mo wag pa patay tay"

agad ako tumayo ng marinig ko ang utos si kuya albert at bumaling sa table nila

pero akmang tatayo pa lang ako may biglang pumitik ng marahas saaking tiyan

dahilan ng pag kalumo ng aking mga tuhod

napakapit ako sa balikat ni van pero agad niya itong kinabig

sapo sapo ko ang aking tiyan at sinasabi kay van na sobrang sakit

pero masamang tingin ang nagawa sakin ni van halatang naiirita ito saakin

Pinilit kong makalakad papunta sa milktea shop na sinasabi ni kuya albert

natapos ko ng maorder ang Paborito niyang milktea nag elevator na ako papunta sa restaurant na kinakainan namin

medjo napabagal na rin ang aking lakad dahil na rin sa sobrang sakit ng aking tiyan

nang makarating na ako roon agad naman ako dinuro duro ni kuya albert dahil sa sobrang tagal

humingi ako ng tawad sakaniya, yumuko at umupo sa dati kong upuan kasama ang mga pinamili nila

habang pinakikiramdaman ko ang pag sakit ng aking tiyan sinabi ko ito kay van bumulong ako mula sa kaniyang likudan

"Van sobrang sakit ng tiyan ko baka naman pwede tayong mag daan saglit sa hospital"

nang masabi ko na kay van iyon nagalit lamang siya saakin at agad naman ako binatukan

hindi na ako ulit nag salita pa, tumahimik na lang ako at inaantay sila matapos sa pagkain habang nakatungo ako sa mesa

dalawang oras ang lumipas natapos na rin sila tinignan ko ang orasan sa restaurant 6pm na

pinauna ko silang makalabas ng restaurant nag pahuli ako kasi marami akong dala baka maharangan ko ang dadaanan nila.

sumabay ako sa paglalakad ni van habang dala dala ang mabibigat na pinamili ni ate ai

habang hawak ni Van ang kaniyang phone nakangiti ito at halatang nasasayahan ito sa kaniyang kausap

hindi ko lang masabi sakniya na sobrang hirap na hirap na ako sa mga bitbit ko

sobra akong nagalit ngayong araw gusto kong sumigaw sa galit at hirap pero hindi man lang napapansin ng asawa ko yun

hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha

napahinto ako at napakapit sa kamay ni Van

"ah-h h V-aaan tu-lllon-g!!!"

nakantingin na lahat ng tao saakin at nag aalala silang lahat, pwera lang sa mga kapatid ni van sinabihan ako ng nag iinarte lang daw

nakaluhod na sa sahig ang aking mga tuhod at namimilipit sa sakit.

tinayo ako ni van at sinigawan ako nito

"ANO BA FEN NAKAKAHIYA!!! TUMAYO KA LUMAKAD KA MAG ISA MO!!!!"

"hindi ko kaya mag lakad Van, akayin mo na lang ako"

"ang arte naman ng babaeng yan!"- ate ai

nag tatawanan lang si kuya Lam at kuya albert

nag pasalamat pa rin ako sa asawa ko dahil kahit konti may natitira pa rin palang awa saakib itong mokong na ito

When the autumn ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon