Bukas

7 1 1
                                    

Kailan ba nagsisimula ang bukas?
Sa pag sapit ba ng alas dose o sa oras ng pag gising?
Bukas sana'y maayos na ang lahat.
Sa pag mulat ng mata ay mawawala ang mga pasakit at problema.
Hinahangad ang pagdating mo,
Kung kailan ako'y nakapag pahinga na't handang sumubok muli.

Minsan ay ayaw ko sa bukas.
Minsan ayaw ko na itong dumating.
Minsan ay ayaw nang dumilat pa.
Ayaw kong magsimula ang bukas.
Ngunit ang bukas ay patuloy pa ring dumadating.
Isa ba itong sumpa o pagpapala?
Pasasalamatan at isinusumpa ang kinabukasan.

Bukas, sana'y kapiling ka na.
Sana'y hindi na ako mag-isa.
Samahan mo ng pag-asa na ang bukas ay pagpapala.
Ipaalala mo na hindi ito sumpa,
Hindi ito dapat sinusumpa.
Samahan mo akong dumilat.
Samahan mo ako sa pagpapala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems/ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon