Chapter 12

22.8K 693 5.8K
                                    

Chapter 12












"Wait lang," I told Tain.

Nasa mall kami ngayon at nagdedate. I stopped when I saw a section for baby clothes. Tinignan ko ang maliliit na gloves, blouse and pajamas. Nasa 7th month na si Mommy ng kanyang pregnancy. Daddy is starting to take so many day offs and me and Red are just as excited to welcome the baby.

Nag-iisip ako kung ano ang magandang i-regalo kay Mommy sa baby shower. For now, the name we call the baby inside her tummy is Bless. I was the one who started it when Mom asked and they both liked it. Alam ko naman na mag-iisip pa sila ng ibang pangalan na nagsisimula sa R kapag nanganak na si Mommy.

The last months are quiet and typical. Me and Tain are getting more closer and comfortable with our relationship. And time went so fast that it feels so surreal na mag-iisang taon na kami sa susunod na buwan.

"I'll just get this." Paalam ko kay Tain. Sana ako ang unang magbigay ng damit kay Bless. Gusto ko na ito ang una niyang isuot kapag lumabas na siya sa mundo.

Agad akong nagbayad sa cashier bago bumalik sa kung saan nakatayo si Tain. When I went back, nakikipag-usap siya sa isang babae na may dalang mga paperbag ng mga binili. Naka-perm si Ate habang ngiting ngiti na kausap ang boyfriend ko.

Sa totoo lang, hindi naman ako affected sa mga ganito. I got used to it, lalo na kapag may competition siya at dinadagsa ng mga taong gustong magpapansin at magpapicture. But sometimes, it's just hard to not be jealous. Lalo na kapag mas sexy as mas maganda sa akin mga kausap niya.

"Baby..." Tawag ko. Napatingin silang dalawa sa akin.

"Oh! May kasama ka pala!" The girl said. I smiled at her, genuinely ha, sana hindi mukhang plastikada.

"Yup." He answered, "This is Risela. My girlfriend."

"Oh!" She awkwardly chuckled, "Hindi ko alam na you are into serious relationships pala, Diaz..."

Tain chuckled. Anong nakakatawa?

"I'm hungry," Sabi ko sa kanya. Umakbay sa akin si Tain.

"Una na kami, Shane." He said, "I'll ask Juan Luis about what you said."

"Please do." She smiled, "Thanks."

Nang matapos na sila sa pagpapaalam ay naglakad na kami palayo. I removed his hand from my shoulders at inunahan siyang maglakad.

"What?" He asked, confused, pero natatawa pa rin sa sitwasyon, "Where are you going?"

"Uuwi. Naiinis lang ako dito eh." Sagot ko sa kanya.

"What?" He laughed, taking my hand, "Let's eat before going home. Hindi pa natin nabibili yung pinapabiling balloons ni Tita Lana."

"Di na ko gutom. Nalipasan na ako. Tagal niyo kasi mag-usap eh." Diretso ang tingin ko habang naglalakad.

"She just asked me something about Juan Luis..." He chuckled, "Baby..."

"Then let her ask Juan Luis!" I said, "Naiinis lang ako. Hindi na dapat tayo umalis eh."

"It's about Daenerys." Tain answered. I stopped walking when I heard that, "She can't ask JL and I also don't want her to. He couldn't even stand the first syllable of her name, Risela."

"Alam ba niya kung nasaan si Erys?" Nilingon ko si Tain. He shook his head.

"She's trying to find her too." He answered, "She asked me to ask Luis. Um-oo na lang ako dahil ayoko nang magkwento."

I hope she's fine. I hope she's doing well, wherever she is. At sana, isang araw, bumalik pa rin siya. Humingi ng tawad kung kailangan at magpaliwanag kung gusto niya pa. At sana, isang araw, Juan Luis will learn how to forgive. For the sake of what they had.

Mountains To CrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon