01

4 3 0
                                    

Chapter 1

" jenni gising na punta pa tayo ng dagat para makaligo tayo at para makapunta na tayo kila boss baka puno na basura nila!" every week kasi pumupunta kami sa bahay nila boss para kunin ang basura nila at ibigay sa trash collector tapos swenosweldohan kami nila boss. Di lang sa kanila kundi sa kapitbahay pa nilang may Kaya sa Buhay.

"Uhh may jollibee!? a sige tubig nalang." si Jenni habang natutulog .

"Gaga! Gising na puro daydream ng jollibee gising kana jan!" Tinadyakan kopa sya sa pwet tigas talaga nito kapag ginigising.

Alas 6 na nang umaga gising na kami at itong si jenni puro reklamo mukhang hindi sanay ang gaga!

"Ano kakainin natin?" Nakatungangang sabi ni jenni.

"May subra pa sa 500 bili nalang tayo ng ulam at kanin sa karinderya"mabuti nalang malaki kita namin kahapon kaya makakabili kami ngagkain ngayong umaga minsan lang talaga kami makakain ng umuga kaya swerte itong araw na ito.

"O jenni ikaw ngayon ang magliligpit nang banig natin iligpit mo na yan para maka ligo na tayo sa dagat para naman fresh na tayo hmp! Baho ko na yucki" sabi ko sabay amoy ng kili kili ko ughh di naman masyadongmabaho, mabaho lang talaga ng
slight dahil wala akong deodorant pero paano kapag meron huh fresh kili kili for 48 hours.

Pagkatapos iligpit ni jenni ang banig namin nagdala na kami ng damit namin at pampalinis ng katawan ,toothbrush ,toothpaste at tawas bumili na ako ng tawas para fresh kili kili , mahal ng rexona! Nag dala rin kami nga baldi at tabo para don ilagay ang tubig ng dagat.naglakad lang kami patungo sa dagat ma layo layo pa ang dagat kaya nga minsan ang baho namin dahil minsan lang kaming nakakaligo. Pero kapag pupunta kami kila boss dapat naka ligo talaga ako para di mabahoan si boss nako nakakahiya kapag na amoy ako na wala akong ligo maygad!

At Kaya sa dagat kami na liligo dahil walang nag bibigay sa Amin Ng tubig at wala ring nagtitinda Ng Piso pisong tubig,gipit Kasi Ang mga tao sa tubig Dito at napakahina Ng tulo Ng tubig sa kanila Kaya wala talagang nagbibigay o nagbebenta.

Pinag tititinginan kami nga mga nadadaan namin na tao dahil sa ayos namin may kabit na tuwalya sa shoulder ko pati narin i jenni at may dala kaming balde tabo at sabon shampoo may iba pang pinagtatawan kami nagbulungbulangan pa hmpp! Pasalamat sila may paligoan sila kaya kung maka asta nako well bahala kayo jan gusto naming maligo.

"Ylla kung sino mauna sa dagat siya ang maganda!" nanghahamon na sabi ni jenni malapit na kasi kami sa karagatan.

"Kahit ikaw pa mauna jenni ako parin ang pinakamaganda sayu." maganda naman si jenni dalagang pilipina talaga ang mukha kahawig nya nga si gabbi garcia e.

"Pasalamat ka Ylla may lahi kang kano kaya ganyan mukha mo hmpp!" Inirapan nya pa ako.

"Anong may lahing kano pure pinoy ito sapakin kita e!" sinapak ko talaga siya.

"Aray! Bwisit nato, hoy anong walang lahi may pinoy ba na grey ang mata at kasing puti ng kano huh meron ba at blonde ang buhok bobo nito!" Sigaw nya sa akin

"Aba ewan ko pero di natin sure di rin naman natin alam sino mga magulang natin."

"Ui baka yung tunay natin na mga magulang mayayaman at baka mahanap tayo tapos yayaman na tayo at makakain na tayo ng maramimg jollibee!!" Daydream daydream na namn jenni.

"Oo nga no at hindi na mandidiri satin ang mga tao di na tayo itataboy at makakasoot na tayo ng magandanb damit katulad non sa tiktok no." Masayang sabi ko rin sana.

Kasi kapag pumapasok kami sa mga resto or fastfoods pinapalabas kami dahil wala rin lang daw kaming bibilhin ang oa nito dahil ba amoy walang hiya kami ganyan agad mabuti pa sa jollibee ang babait di talaga kami pinapalayas kaya favorite namin ang jollibee at minsan sa jollibee rin ang cr namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We are not the sameWhere stories live. Discover now