Chapter 2

4.5K 213 12
                                    

Cameron

Hapon na ng magising ako dahil sa malalakas na katok. Goodness! Nanghihina na bumangon ako at tinungo ang pinto para bukasan. 

"Tawag ka ng mama mo." Si mommy Charlotte pala. May pag aalala sa mukha nito. "Maligo ka na muna at bilisan mong bumaba, Cam."

"Opo." Alam kong tungkol ito sa nangyari kagabi, Tsk. I hope that it was just a nightmare. Nagmamadaling naligo ako. Ayokong paghintayin sina mama baka mapagalitan ako lalo. 

Nang makababa ako ay nasa living room na ang mga magulang ko. Kasama si kuya Dylan na seryoso din ang mukha. Wala si Kuya Charles. Siguro ay bumalik na ito sa Quezon. Tsk. Susunod nalang ako dun.

"Nakausap ko na ang mga Saavedra." Panimula ni mama habang nakatingin sa akin. 

"Is she..alright?" 

"What happened to Hea, mama?" Tanong ni kuya.

Biglang sumimangot si mama. "Suffering from concussion. Matindi ang pagkakabagsak." Napailing nalang ito. "Actually, kanina lang siya nagkamalay. At ayun, nagpilit na makauwi sa kanilang hacienda. Her home."

"Huh? Bakit pinayagan siya na makaalis? Baka hindi pa niya kaya?" Tanong na naman ni kuya.

"Naghihintay pa sila ng resulta sa brain scan nito. And temporarily, kailangan ni Hea ng special nurse para maalagaan ito sa probinsya."

Thanks God. Nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Totoo nga ang sinabi ni Autumn. Mabait ang ate Hea niya at sa hacienda lang ito naglalagi. 

"And you will be that special nurse, Cameron."

"Pardon?"

"Mama?" Halatang nagulat din si kuya.

"Bukas ay ipapahatid kita sa chopper patungo sa hacienda ng mga Saavedra." 

"Mama! Anong alam ko sa pag-aalaga?! Hindi ako nurse o ano pa man! Ayoko!"

"Idedemanda ka niya, Cameron. Goodness, Princess! Muntik mo ng mapatay ang panganay nina Heather!"

"Then fine! Magdemanda siya!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw. "Mama!" Naiiyak na lumapit ako sa kanya. "Don't let her do this. Kumuha tayo ng magaling na lawyer! Kahit ilan pa!" Higit na mas mayaman kami kaysa sa mga magulang ni Haleina!

"Kayang kaya din nilang kumuha ng mgagaling na lawyer, Cameron. Hindi mo alam kung gaano karami ang koneksyon ni Heather Saavedra."

"I can't believe this is happening to me! I only punched her mama!"

"Dana.." Nag aalalang tumingin sakin si mommy. "Sinabi kong patinuin mo si Cam, pero hindi sa ganitong paraan."

"No, Charlotte. Hayaan mo akong disiplinahin ang nag iisang anak nating babae."

"Mama.. sigurado ka na ba dyan?" Tanong ni kuya. "Hindi ba masamang tingnan na silang dalawa lang ni Hea ang magsasama sa lugar na iyon?"

"Isa ka pa, Dylan. Kinunsinti niyo kasi ang kapatid nyo."

"She's our only sister. Anong gusto niyong gawin namin?  Kapag nalaman to ni kuya Charles ay magagalit yun. Baka kung ano lang ang gawin ni Hea sa kanya."

"Bata palang si Hea ay kilala ko na siya. Napakabait na bata. Kumpara naman sa inyo, si Hea ang pinaka mabait. Kahit kailan ay hindi siya nakagawa ng iskandalo sa kanilang pamilya. Wala kayong magagawa sa gusto ko. Kahit ikaw Dylan, o si Charles. And even you, Charlotte."

"We can shoulder her medical expenses, Mama." Pakiusap pa ni kuya. "Kung gusto niya ay kahit sampung nurses ang ipadala dun!"

"Don't you think they cannot afford that? I want your sister to show humility, Dylan. Hindi yung akala niya siya ang masusunod lagi."

Bachelorette Series #2 : Haleina Saavedra (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon