31

60 3 5
                                    

"Ladies and Gentlemen, welcome to Tribute Field Airport Manila, Philippines. Local time is 12:05 pm and the temperature is 32°C. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt Sign." 


"Solar, wake up." nagising ako nang may maramdamang kumalabit saakin. Bumungad saakin ang pagmumukha ni Noah nang imulat ko ang mga mata ko. "We're here." 


Napaunat-unat ako nang braso nang sabihin nya iyon. Napatingin ako sa bintana at automatic na napangiti nang makita ang mainit na panahon. Nandito na nga kami, nandito na ako sa pinas. 


"Did i sleep?" baling na tanong ko kay Noah habang nag-aayos ng mga gamit. 


"No, your saliva is even dripping." pinalo ko sya sa braso nang sabihin nya iyon na ikinatawa naman nya. 


"Capt," napatingin ako doon sa tumawag saakin at nakita si Cia na maluluha pa habang nakatingin saakin. "I'm gonna miss you." 


Napangiti ako sa sinabi nya and at the same time, naluluha. Sila kasi ang mga nakakasama kong tumambay sa lobby kapag free time ko. Minsan, sila rin ang nakakasama ko sa paglipad-lipad. Cia is one of the best flight attendant i've ever met. 


"I'm gonna miss you too, Cia." nakangiting sabi ko sakanya. Nang patayin na ng piloto ang fasten seat belt sign ay agad kong tinanggal ang seat belt ko para makatayo at mayakap sya. 


"Always take care, Capt. I'll never forget you." natawa ako nang mahina nang maramdamang umiiyak sya sa balikat ko. Kahit papano, 2 years ko rin silang nakasama sa mga flights. 


"Same with me, Cia. I'm gonna miss your bitter coffee." natawa sya sa sinabi ko kaya naman kinuha ko na ang chance na iyon para humiwalay sa yakap. 


"Stop with the drama, Solar will also visit you sometime." sumang-ayon ako sa sinabi ni Noah. Alam kong sinabi nya iyon para tumigil na si Cia sa pag-iyak at makapag-trabaho na dahil pababa narin ang mga pasahero. 


Tinulungan ako ni Noah sa mga bagahe na dala ko dahil sa sobrang dami ay hindi ko kakayanin dalhin mag-isa. Nakita kong lumabas si Elijah at Liam sa cockpit kaya naman agad akong tumakbo na parang bata para yakapin silang dalawa. 


"I'm gonna miss you!" naiiyak na sabi ko pa habang yakap-yakap silang dalawa. Silang dalawa narin kasi ang kasama ko simula nung student pilot palang ako. Buti nga ay sa flight pa nila ako napunta. 


"We'll gonna miss you too, Solar." sabi pa ni Elijah at humiwalay naman ako sa yakap para punasan ang mga luhang pumatak mula sa mata ko. 


The hardest thing to do in friendships is saying good bye. 


"Visit us sometimes here. I'm gonna miss your stupid jokes." sabi pa ni Liam na ikinatawa ko naman. Narealize kong ako nalang pala ang pasaherong hindi nakakababa ng eroplano kaya naman nag paalam na ako sakanila. 


"Until our next flight, Captains and Crews." yumuko ako ng bahagya sa harapan nilang lahat, mga piloto at cabin crews. Nakita ko pa ang pag-iyak ni Cia nang mag paalam na ako habang nakangiti lang saakin sila Elijah at Liam. 

Malay mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon